Chapter 2
Expect the unexpected.
"Oh, Ija di ka ba nagugutom? Bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?"
"A-ah gutom po ako. Sige ho kakain na po ako."
Sinimulan ko na kumain. Kanina pa talaga ako nagugutom kaso parang nawala dahil sa lalakeng nag ngangalang Xyone. Ang weird ng feelings ko sa kanya. Pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakakapangilabot naman. First time yun nangyari sa akin sa buong buhay ko.
Iniwan niya ako sa beach after niyang magpakilala. Natulala pa ako ng ilang minuto ng makita ko na sa harapan ko si Dylan. Niyayaya niya na akong kumain kasi tapos na daw magluto kaya sabay kaming bumalik ni Dylan sa bahay. Pero di pa rin mawala sa isip ko yung binata.
"Ang lalim ata ng iniisip mo Que?" sabi ni Dylan.
Tumingin ako sa kanya at sumimangot.
"Oh?" tanong niya pabalik sa akin. "Bakit ka sumimangot?"
"Wala. Ang ganda ko."
"Weird. Kumain ka na nga lang diyan. Ako nagluto niya ng chicken curry kaya masarap. Damihan mo ang kain mo. Ang payat mo eh. Iba expectation ko tuloy sa sinabi ni Gray tungkol sayo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dylan. Ano na naman kayang chismis ang sinabi ni Gray dito? Yung lalakeng yung talaga. Namumuro na. Di porket tinulungan nila ako makatakas sa Pilipinas eh pwede niya na akong asar asarin. Hindi pwede sa akin yun. Lagot siya sa akin pag dumalaw siya dito. Tatanggalin ko yung buhok niyang parang bowl!
"Ano bang sabi niya?"
"Malusog ka daw saka bansot."
Nabulunan ako ng kinain ko kaya agad na kumuha ng baso si Auntie Rosie at nilagyan ng tubig tapos inabot sa akin. Agad kong inagaw ang tubig kay Auntie Rosie at tinungga ito. Sht! Muntik na akong mamatay!
"W-WHAT!? Ulitin mo nga?"
"Are you okey?"
"I said, repeat it!"
"Ha? Na malusog ka at bansot?"
Fvck! Fvck! Fvck! Uubusin ko talaga yang nakaloreal mong buhok Gray pag dumating ka dito. Sisiguraduhin kong kalbo ka. Nyeta. Grabe maka malusog at bansot sa akin. Talagang pinush niya ang pang-iinsulto sa akin. Sa ganda kong to. Walang'ya.
Binilisan ko na lang ang pagkain. Hindi ko na pinansin si Dylan. Madami pa siyang pinagsasabi pero di ko na pinansin. Puro pang-iinsulto lang naman na nakuha niya kay Gray. Parang bumalik yung gutom ko. Nakadalawang plato na ako ng pagkain pero hindi pa rin ako nabubusog. Magtatlo na ako ng mapansin kong nakatitig ng nakanganga si Auntie Rosie at Dylan sa akin.
"Hindi ka naman halatang patay gutom niyan?"
"What? Gutom ako eh."
"Hayaan mo siya Dylan. Galing lang siyang byahe." suway ni Auntie Rosie kay Dylan.
"Pero Auntie hindi naman ako ganyan ka takaw tuwing galing din akong byahe."
"Ssshhh!"
Tinitigan ko na lang ng masama si Dylan. Pakealam niya ba kung matakaw ako. Eh sa gutom ako eh. Puro chichirya lang ang kinain ko sa eroplano tapos di naman ako nagkain ng hapunan sa bahay bago kami pumuntang airport kasi minadali na namin yung pag-alis eh. Baka kasi maabutan kami ng mga blackman.
