Chapter 2

172 8 0
                                    

"Chloe anne garcia, Andrea louise villanueva, you too are in section A"sabi ng teacher

"Besty section A tayo yeyy, talino mo talaga besty."sabi ni chloe

Habang ako hindi makapaniwala na section A ulit ako hahaha yes.

"Oo ng, sana top one ulit ako noh!"sabi ko kay chloe, ngumiti si chloe saakin bilang sagot.

Nang nalaman na namin yung section namin, pumunta na kami sa room namin at syempre tabi kami hehe bestfriends eh.

Dumating narin yung iba naming classmate, pati yung teacher namin dumating na, wala naman kaming ginawa kung hindi magpakilala lang haysss...yung iba kasi new student lng kaya yun kailangan daw para makilala namin yung transfereesss, nagbell na time na para mag recess, yes recess kasi dalawa yung breaktime dito recess at lunch ngayon ay recess na, pumunta kami ni chloe sa rooftop kasi nagpapadala kami ng food ayaw kasi namin na kumakain sa cafeteria, hindi kami maarte ayaw lng namin ng food doon nakakasawa eh, si kuya naman minsan dito kumakain kapag may ginagawa yung mga friends nya never ko pa talaga sila na meet kinausap ko si kuya, sabi na sino yung mga friends nya sabi nya next time na lang daw nya ako papakilala, mababait naman daw gusto narin nila ako makilala kaso busy sila same year lang din naman kami nung friends ni kuya hindi daw sila repeater maaga lang talaga nagaral si kuya.

Nang makaakyat na kami nandoon na yung guards namin dala yung pagkain namin well tinatanong nyo siguro kung bakit? At paano? Sila nakapasok, kinausap na kasi ng parents namin yung principal na bestfriend nila mommy,at pumayag naman yung principal.

"Besty! Kain na tayo hindi pa naman ako nagbreakfast kasi excited akong malaman yung section natin"sabi ni chloe habang nakatingin sa pagkain na dala nung guards.

"Sige kain na tayo, kasi grabe ka makatingin sa mga pagkain, paang 9 months hindi kumain hahahah"sabi ko kay chloe habang tumatawa.

"Gutom ako eh, and i forgot pala friend shopping tayo mamaya kasi kailangan kong bumili ng dress para sa party nang mommy nang friends ng kuya mo....saka alam kong kasama ka doon lalo na magbussiness partners ang parents natin at parents ng friends nang kuya mo"sabi ni chloe habang kumukuha ng food sa table.

"Ay! Yun pala yung tinutukoy nang kausap ni kuya kanina, sige shopping tayo mamaya"sabi ko kay chloe na ngayon ay kumakain na.

Kumain narin ako, gutom na rin kasi ako kanina pa haysss.... 3 subjects na lang makakapagmall na ako, natapos na kami kumain ni chloe at bumaba na kami, yung mga guards na yung maglilinis nyan, ano kaya yung pagkain namin mamayang lunch after yung ng 2 subject, at after nun 1 na lang na subject YEY!!

Pumunta na kami sa room namin, sakto naman na pagkatapos namin umupo dumating na yung prop namin, wala ulit kaming ginawa puro lang orientation kahit na yung pangatlong subject bago mag lunch ganun din kaya nakakaantok, ito naman si chloe kanina pa tulala aakyat na kasi kami ulit sa rooftop tulala parin simula nung makita nya yung lalaki na nasa harapan na upuan pogi naman sya, mukhang mabait, ito na naman si chloe pogi lang gusto na nya agad.

Nangmakaakyat kami kumain lang kami dahil favorite namin tong pagkain ni chloe wendy's kasi toh at favorite namin yung chicken at burger nito sa dessert naman bumili naman yung guard ng ice cream sa DQ sarap na sarap ng kami eh, hahaha.

"Besty gusto mo ba yung lalaki kanina?"pangbabasag ko nang katahimikan.

Mula kasi nang umakyat kami dito hindi na kami nagusap kumain at kumain lang kami dito, kaya tinanong ko na sya para malaman ko din kung totoo diba.

"Besty crush lang ang pogi nya kasi eh!! Lalo na nung ngumiti sya grabe mamatay na ako"sabi nya habang kinikilig pa hahaha, here we go again.

"Hahaha sabi na eh, pero besty paalala lang dahan dahan lang ah baka mapano ka"sabi ko sakanya

"Oo! Naman besty ako pa crush lang naman besty kaya gora na ako hahahah." Sabi ni chloe

Nagtatawanan kami nang biglang may nagbukas ng pinto.

**tick****
(Sorry po sound hehehe hindi ko po alam yung tulog ng pinto eh hehehe)
-----------------------------------------

Hi po sainyo chapter two na po ako, alam ko po na wlang magbabasa nito hayysss.... Pero po kahit walang magbasa itutuloy ko parin po yung story ko, umaasa po ako sa may magbabasa kung meron man po comment po kayo and vote po thank you po!! Love ya all😊

Authors note;)

CRAZY INLOVE WITH THE SNOBBERWhere stories live. Discover now