Blue Fangs

431 10 6
                                    

(Jae Jong)

 Early the next morning, Jae Jong headed to Jeju seaport and took the earliest vessel to Gyeungbok (Gyeongsangbuk-do).



“HINTAAAAY! SANDALIII!!!”

Isang malakas na sigaw ang nagpatigil kay Jae Jong sa pag-akyat sa vessel. Napalingon siya sa tumawag. Tumatakbo ito patungo sa kanya.

Ilang sandali pa’y katapat na niya ito.


“Hey, you,” she pointed at him. “Aaah...” humugot muna ng malalim na hininga ang hinihingal na babae bago nagtanong, “...is this…the… is this the vessel to Gyeongsangbuk-do?” 


“Oo,” sagot niya gamit ang Tagalog. Base kasi sa accent ng babae, napagtanto niyang isa itong Filipino.



Napamulagat ito ng mata nang marinig siyang magsalita ng Tagalog. "Filipino ka?” 




“Half,” sagot niyang nakakunot ang noo.


“Haaaaay, salamat. May makakausap na rin akong matino sa wakas.” She looked relieved while tapping her forehead. “Ay, nakalimutang ko palang magpakilala. Ako si Jenny, Jenny Grace Montero. Ikaw?” Inilahad ng dalaga ang kamay nito matapos magpakilala.



Tiningnan lang naman ito ni Jae Jong at sinabing, “Aalis na ang barko.” Tumalikod na siya at naglakad na muli patungong vessel.



“SUNGIIIIIIIIIIT!!!” She then ran after him.



(Jenny)

Panay ang tingin ni Jenny sa lalaking naabutan at hinabol niya kaninang pasakay ng barko. Katapat niya ito ngayon sa upuan. Maliit lamang ang barko at mukha itong sinauna dahil layag pa rin ang gamit nito. Maingay ang mga taong naroroon na karamihan ay mga mangangalakal.

Hindi ito ang barkong pinangarap nya noong masakyan sa pagbabakasyon sa Korea. Malayong-malayo ito sa cozy yacht na pinapangarap niya. Kung may pagpipilian lang sana si Jenny, hindi siya sasakay sa ganoong barko. Mas pipiliin niya pang sumakay sa Dullos Ship pero walang mapagpipilian sa mga lugar sa ibayong dagat ang mga katulad niyang TNT. Kung hindi nga lang siya naloko ng recruiter niya. Tinanggap na lang sana niya ang offer sa kanyang mag-artista noon sa Pilipinas. Napabungtong hininga siya sa biglang naisip at muling itinuon ang tingin sa lalaki.

May itsura ito para sa mga mata niya. Nakatirik ang buhok nito. Ipinagtaka ng dalaga ang ayos na iyon ng buhok ng binata dahil ang pagkakaalam niya, sa mga basag-ulo sa Seoul niya lang nakikita ang mga ganoong buhok. Tss, feeling gangster. Pauso, she mumbled herself. Naisip niyang imposibleng maging gangster ang lalaki dahil sa pagkakaalam niya, tahimik ang Jeju at walang nagaganap na mga riot ng gang.

Napansin niya rin ang makapal na eyeliner nito at ang maitim na lipstick nito. Tss, adik, she mumbled in her head again, getting annoyed of the man’s look.

“Hoy!” Hindi na niya napigilang tawagin ang lalaking mukhang adik. Nang lingunin siya nito’y napansin niya ang dalawang katanang nakasukbit sa likuran nito. Bigla siyang nahintakutan dahil doon. “A-ah…w-wala…” nasambit niya na lang. Hindi na niya ito kinausap matapos nun.

Blue FangsWhere stories live. Discover now