*unedited, sorry*
Bilang pagpapatuloy ng kuwento ng paglalakbay nina Jenny at Jae Joong, nakababa na rin sila ng barko sa wakas. Kung anuman ang nangyari sa dayuhang tinulungan nila'y hindi na nila alam. Pero narinig ni Jenny na dinala ito sa pinakamalapit na pier ng Gyeoung Buk. Mga tatlumpung minutong biyahe sa bus mula sa pier.
Sa bus sumakay ang dalawa papuntang Jeetongma. Pakiramdam ni Jenny nasa Pilipinas lang siya habang nasa loob ng bus.
Parang mga karaniwang taga-nayon lang ang mga pasahero at dahil nasa bandang likuran sila sumiksik ng binata, malinaw niyang nakikita ang mga ito. Naaaliw siyang panoorin ang masasayang ngiti at tawanan ng ilang pasahero habang parang mga batang nakikipaghabulan sa mga nakawalang manok.
May mga nakita rin siyang parang nag-ba-barter dahil nagpapalitan sila ng mga gulay at prutas. Meron ding nanay na nagpapasuso ng sanggol nito. Ang hindi niya lang matagalan ay 'yong kakaibang amoy na lumilibot sa loob ng sasakyan.
Parang pinaghalong amoy ng ipot ng mga manok at amoy ng nabubulok na mga gulay.
Hindi niya maipaliwanag. Basta mabaho. Sobrang baho.
Matagtag ang daan, malubak.
Para pa silang nakikipaglaro kay kamatayan dahil sa ilang bangin na nadaanan nila. Marahil sanay na ang mga taga-roon sa ganoon kaya parang wala na lang sa kanila ang pangilan-ngilang beses na muntikan nilang pagkahulog sa mga bangin dahil sa mga lubak. Nagtatawanan pa nga ang mga ito.
Ngunit hindi si Jenny. Mahigpit ang kapit niya sa kinauupuan. Natatakot para sa sariling kaligtasan.
Nilingon niya ang lalaking haggang ngayo'y hindi niya pa rin alam kung ano ang pangalan. Natutulog na ito na parang sanggol at walang pakialam sa mga nangyayari sa kanila.
Gusto niya sanang gisingin ito ngunit inaalala naman niyang maaring napagod ito sa laban nito kanina. Kahit hindi halata.
Tatlumpung minuto pa ang itinakbo ng bus bago niya ginising ang binata.
"Nasan na tayo?" pupungas-pungas na tanong ng binata nang magising siya. Sinundan niya pa iyon ng pagtingin sa labas ng bintana at kitang kita ni Jenny ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang tanawin sa labas.Mabilis siyang tumayo at lumapit sa pintuan upang kumpirmahin kung tama nga ba ang nakita niya.
"Bakit hindi mo ako ginising?!" pagalit na tanong sa kanya ni Jae. Sasagot sana siya pero hindi na siya nito hinintay na makasagot bagkus ay sinigawan nito ang driver na bababa na sila.
"Aisht! Uy Jenny, alam mo ba kung gaano na tayo kalayo ngayon sa bahay ng tyahin ko?" hindi na pasigaw ang pagkakatanong ng binata pero may himig pa rin ito ng pagkairita. Kaaalis pa lamang ng sinakyan nilang bus.
YOU ARE READING
Blue Fangs
ActionWhen you think you're living a normal life, you'll realize that it's actually way beyond extraordinary.