Dahan dahang iniangat ni Jenny ang paningin. Naroon ang takot sa maaaring mangyari. Nakaramdam siya ng pagsisisi dahil hinayaan niya pang matulog ang kasamang binata habang nasa biyahe samantalang wala siyang ka-ide-ideya kung saan sila papunta.
"Sino ka?" mabalasik na tanong ng taong tumututok ng baril sa kanya ngayon nang makaharap na siya rito. Napalunok siya sa labis na takot. "Anong ginagawa ninyo sa lugar na ito?"Isang babae ang may hawak ng baril na nakatapat sa noo niya. She can't understand the feeling but there was a sudden force telling her to examine the woman's features.
Sa tantya niya'y nasa dalawampu't tatlo hanggang dalawampu't anim na ang edad nito. Katamtaman lamang ang katawan nito, at kung siya lamang ang tatanungin, may katawan ito na maaaring ilaban sa mga beauty pageant. Lalo pang bumakas ang magandang kurba ng katawan nito dahil na rin sa bahagyang hapit ang suot nitong pulang kimono.
Maganda rin ito. Kung wala nga lamang itong hawak na baril ay mapagkakamalan itong anghel dahil sa inosenteng mukha nito. Nakapusod ang buhok nito ngunit sa tingin ni Jenny mahaba iyon. Katamtaman lamang ang lapad ng noo. Bahagyang pakurba ang hugis ng may kanipisang kilay.
Mahahaba ang pilantik ng malagong pilikmata nito na lalo pang nagpaganda sa nangungusap at kulay itim nitong mata.
Mababanaagan niya pa rin ang pagtawa sa ningning ng mga mata ng babae bagaman nakararamdam siya ng kalungkutan dito. Sa pagtataka ng dalaga'y hindi niya makita ang pagbabanta sa mga mata nito. Masyado itong mapayapa. Kulay rosas naman ang pisngi ng babae.
Parang naglagay ito ng "blush on" bagaman duda siya kung gumagamit ito ng ganoon. Napaka-natural kasi ng kulay nito at alam niyang hindi pa nasasalingan ng artipisyal na pampaganda ang mukha nito.
Lihim na napangiti si Jenny nang dumako ang paningin niya sa ilong ng babae. Ang akala niya kasi dati'y hindi na siya makakikita ng mas maganda pa sa pagiging pointed ng ilong niya.
She was treating her pointed an asset. Ngunit heto, isang babaeng may hawak ng baril ang nakapagpahanga sa kanya dahil sa parang nililok ng isang dalubhasang iskultor na ilong nito. At lalo pa siyang humanga dahil sa labi nitong hindi na kailangan ng lipstick para lamang pumula.
Ang pagkasa ng babae sa hawak na baril ang nagbalik sa kanya sa reyalidad.
"Sumagot ka, sino kayo." Mabalasik at nagbabanta ang mukha nito."Sagutin mo ang tanong ni Master Mi Shin bago pa siya magalit sa'yo." Nakarinig siya ng isa pang boses.
Sigurado si Jenny na hindi iyon nanggagaling sa babae dahil boses iyon ng isang lalaki.
Mabilis niyang inilibot ang paningin ngunit wala naman siyang makitang ibang tao hanggang sa madako ang mga mata niya sa likuran ng babae.
Parang natulos siya sa kinalalagyan dahil sa nakita. She was horrified. Nakita niya kasi ang isang malaking cobra sa likuran nito. Sa gulat niya'y nginisian siya nito at muli itong nagsalita. "Hi, Ms. Beautiful.
"N-nag...nag...nagsasalita..." Gimbal na gimbal niyang itinuro ang ahas. Hindi na niya na inalala ang baril na nakatutok sa kanya. Mas natatakot siya sa nasasaksihang pagsasalita ng ahas. "Nag...nagsasalita k-ka?" uutal-utal niyang tanong. "Nagsasalita ka?!" Para na siyang wala sa sariling diwa.
The big snake motioned itself to answer. "Ang pangalan ko po ay She Xing" magalang na pagpapakilala nito. "Ikaw? Sino ka? At anong ginagawa ninyo ng kasama mo rito?"Muling napalunok si Jenny.
Subconciusly, she held her lips. "H-hindi 'to maaari," she fearfully uttered. She doubted if it's audible enough to be heard. She was astonished and frightened. Napailing siya ng sunod-sunod at bigla na lamang nagdilim ang paligid niya.
**
Nasa loob ng isang maliit na kuwarto at nakahiga na sa siya sa isang papag nang muli siyang nagka- ulirat. Inilinga niya ang paningin sa paligid. Una siyang napatingin sa kisame. Puting puti ito. Katabi niya sa kanang gilid ang binata. Nagulantang siya nang makitang para na itong estatwa. Nakabukas ang mga mata at may pagkagulat sa ekspresyon nito ngunit hindi naman ito gumagalaw. Maputla na rin ang kulay ng binata.
"Don't worry, he's not dead. He was only petrified by my companions."Napalingon siya sa kabilang gilid ng kama. Iyon yung babae na nakita tumutok sa kanya ng baril.
"Naturukan ko na siya ng antidote kaya mayamaya lang gising na siya."
Nabaling ni Jenny ang atensyon sa mga katabing ahas ng nakaluhod na babae sa kaliwang gilid niya. Cobra ang lahat ng mga ito at tiyak niyang 'yong pinakamalaking may kwintas na kulay asul na pangil ng cobra ang nakausap niya kanina.
Mas maliit na rito ang limang cobrang kasama nito."Patawarin niyo po kami kung natakot kayo sa amin." Sabay-sabay na nagsalita ang mga ahas. "Patawad!" At sabay sabay na yumukod ang mga ito.Napabalikwas sa pagkakahiga at muling natigagal ang dalaga. Nanlaki na naman ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.
Hinimatay na naman siya.
"Haaay," guilty na sambit ng mga ahas. Napasimangot ang mga ito.
"Patawad po talaga," they chorused while bowing to the fainted Jenny again."Kasalanan ko 'to. Kung nakita ko lang kaagad ang mga katana ni Young Master Jae Jong, hindi ko sana siya natuklaw. Hindi sana siya nagkaganyan. Nakapagpakilala pa sana tayo sa dalagang ito," nagsisising wika ng cobra na nakatuklaw sa binata. Nakasuot ito ng kulay pulang kwintas na pangil.
May boses ito ng batang babae."Huwag mong sisihin ang sarili mo Mi Yin, nabigla ka lang naman kaya mo natuklaw ang young master at kaya natakot ang magandang dilag sa atin," pag-aalo naman dito ng nakasuot ng kulay orange na pangil. Malungkot din ito dahil natakot nila ang dalaga.
"Pag nagising siya ulit at hindi na siya takot sa atin, liligawan ko siya!"masiglang sambit naman ni Yeun Jong. Nakasuot ng kulay violet na kwintas na pangil.
Sabay sabay siyang tiningnan ng masama ng mga kasama. Pagalit pang nag-hiss si Mi Yin.
"Itigil niyo na 'yan. Ang mabuti pa'y iwan muna natin siya. Magpapakilala na lang tayo nang mas maayos kapag nahimasmasan na siya," saway sa kanila ni She Xing. "Tana't naghihintay na sa atin si Master Mi Shin. Kailangan pa nating mag-ensayo."Noon pa lang napansin ng maliliit na cobra na wala na pala sa loob ng kuwarto ang master nila.
"Masusunod po, ama," sabay sabay na wika ng mga maliliit na cobra.Nagpatiuna si She Xing sa paggapang palabas ng kuwarto.Sumunod naman ang limang anak nito.
**
Umaga na nang muling magising si Jenny. Hindi na niya katabi ang binata. Naisip niyang marahil gumana na rito ang antidote.
Nagpasya siyang bumangon sa higaan at saglit na nagnilay. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at pilit isiniksik sa sarili na hindi totoo ang lahat ng mga nangyari sa nagdaang gabi ngunit hindi niya pa rin maikakailang totoo ang lahat ng iyon. Napabuntong hininga siya nang malalim.
"Nakikiusap ako sa inyo, tiya, payagan niyo na po ako!" Narinig niya ang boses ng Sintosintong Bacteria.Tumayo siya mula sa papag at tinungo ang pintuan.
She slided the door and saw him kneeling before the woman. Nasa tapat ang mga ito ng kuwartong pinagdalhan sa kanila."Nakikiusap po ako, ituro niyo na sa akin ang Five Animal Kung Fu! Ipinapangako ko po na hindi na ako babalik sa pagiging gangster, turuan niyo lang po ako. Pakiusap tiya. Pakiusap."
Nakita niyang marahang umiling ang babae. Sanhi upang bumakas sa mukha ng binata ang labis na panlulumo.
"Pero bakit ho? Bakit hindi pwede?" May hinanakit sa boses ng binata.Tiningnan lamang ng babae ang binata, bumuntong hininga at iniwan na nito ang pamangkin.
Hindi alam ni Jenny kung ano ang hinihiling ng binata at naging palaisipan sa kanya kung ano ang Five Animal Kung Fu at kung bakit gusto itong matutunan ng binata.
YOU ARE READING
Blue Fangs
AcciónWhen you think you're living a normal life, you'll realize that it's actually way beyond extraordinary.