Chapter 5: The Slap

166 10 0
                                    




                           Chapter 5: The Slap   


RHIA'S POV


Wala sa sarili kong tinahak ang direksyon papuntang comfort room nang may nakita akong nakapagpabago ng mood at ekpresyon ng aking mukha. Naramdaman kong nagaapoy ang pisngi ko sa inis..

I saw Daphne with some guy. Magkayakap sila at hinahalikan siya sa may bandang taynga nung lalaking kasama nya!

Alam ko namang normal lang na may ganito sa bar. Pero di ko kilala or namumukhaan man lang yung guy na kayakap niya. Tipong dito lang din sila nagkita at nagkakilala.

God knows na kilala ko lahat ng lalaking naging parte at magiging parte pa lang sa buhay ng bestfriend ko since wala naman siyang tinatago sa'kin lalong lalo na pagdating sa lovelife nya. At never hahayaan ni Daphne na gawin ito sa kanya ng lalaking ngayon niya lang nakilala!

Dali-dali ko silang nilapitan at agad kong hiniwalay si Daph dun sa guy and without a second thought, I slapped him in the face! He was so startled habang nakahawak pa siya kaniyang pisngi.

Napansin kong may mga nakakita sa pagsampal ko sa kanya kaya nakaagaw kami doon ng atensyon. Naramdaman ko din ang paghina ng tugtug ng dj kaya mas naging sentro kami ng atensyon doon. What the hell?

"How dare you slap me!" He yelled while he's still holding his cheek. What a freaking jerk, kulang pa ang isang sampal kung tutuusin!

"How dare you touch my bestfriend!" I yelled back. Marami ng nakatingin samin. Nakikita ko rin yung iba na vini-videohan pa kami. I don't really freaking care now. Mas mabuti nga yun nang sumikat tong manyak na to!

"Touch your bestfriend?" He paused for a while and simpered. "Nagpapatawa ka ba? This is a freaking bar so it's pretty obvious na normal lang yun dito! She wouldn't let me do that to her if she didn't like it in the first place!"

"Well it's pretty obvious din that she's badly drunk kaya wala siyang kamalay malay sa nangyayari at since manyak ka.." I leant closer to him. "You took advantage of that opportunity for your own benefit!" I took an emphasis on the word "manyak". Totoo naman eh. Daph is wholly unconsious due to alcohol intake kaya pinagsamantalahan sya ng manyak na to!

"Ako manyak?" He stepped closer to me as well until our faces were only a fraction of an inch apart. "O baka naman nagseselos ka lang at gusto mo na ikaw ang kahalikan ko?" Medyo naghihiyawan na yung mga taong nakapalibot samin. Sobrang magkalapit na mga mukha namin. As in parang ilang hibla na lang ng sinulid ang nakapagitan sa amin. Kaya bago niya man gawin ang kamanyakan na sa tingin kong binabalik nyang gawin, I slapped him again! I just can help myself but to do it again..

"Napakamanyak mo talaga!" I yelled while clenching my fists in annoyance.

"You prick! Sumusobra ka na!" He was about to slap me back nang may pumigil sa kaniya. I looked to the person who did it and noticed it was kuya pogi!

"I think it's not right to hit a girl bro." Aniya habang nakahawak siya sa kamay nung manyak na lalaki.

"Get off! You have no idea what this girl did to me!" He said while pointing his finger at me.

"Kung anuman ang ginawa nya sayo I know she has a valid reason."

"Seriously Damien?" He asked disbelievingly. So Damien pala pangalan ni kuya pogi. Wait, magkakilala sila?

"I don't wanna argue about this Zach. Just leave the girls alone." Sabi nya habang nakahawak siya sa balikat nung Zach. So Zach naman ang name nya. Bagay lang sa kanya pangalan niya, kasi Zach-sakan sya ng yabang at kamanyakan!

Mr. Gangster Meets Ms. NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon