Chapter 9: The Viral Slap

128 7 0
                                    




              Chapter 9: The Viral Slap  


RHIA'S POV


"Bes, dito ako sa cafeteria ng building 8B. Message me kapag andito ka na, see you! :)"

I went at one-of-the-many-cafeterias this school has and texted Daph. Every building kasi sa school na to may cafeteria. Ilang building meron and school na to? 11 buildings lang naman.

Nagtanong tanong pa ako sa mga estudyante dito kung anong building to, first time ko lang kasing mapadpad dito. Parehong 1 hour pa naman ang vacant time namin ni Daph before our second subject so baka dito na muna ako magpapalipas ng oras.

Gusto ko munang mapalayo sa building na araw araw kong papasukan. Masyado na kaagad maraming kahindik-hindik na pangyayari ang naranasan ko sa building na iyon.

Una, na-encounter ko ulit yung perverted guy na pinagtangkaang halayin ang bestfriend ko;

Pangalawa, first day na first day ang pangit na ng naging impression sakin ng prof ko. Prof pa ng favorite subject ko! 

Pangatlo, labis na takot ang naramdaman ko kanina sa pagaakalang katapusan ko na;

At pangapat, napagbantaan pa ang pamamalagi ko sa school na to.

Leshe naman! Pakiramdam ko tuloy nasa piligro ang buhay ko na anytime pwedeng may mangyaring masama sa'kin. Kamusta naman yon' diba?

Bakit ba naman kasi sa lahat ng pwede kong masampal nung gabing iyon eh yung lalaking yun pa! Pero kahit na, deserve niya lang naman talaga ang masampal dahil sa inasal nya. Ano ba dapat, yakapin ko siya nung time na yon sa inasta nya? Pasalamatan ko pa sya? Lunurin sa pagmamahal, ganun? Ngud-ngud ko pa siya sahig eh.

I'm still tensed dahil sa mga nangyari kanina but I'm trying to shrug it off. Akala ko talaga katapusan ko na. Di ko ma-explain ang kabang naramdaman ko nun..

Lalo na yung moment na sobrang lapit na ng gwapo niyang mukha sa mukha ko. Yung tipong naaamoy ko na yung mabango at amoy strawberry mint niyang hininga. Tapos konting maling galaw lang didikit na sa labi ko ang kissable lips nya..

Wait.. what? Gwapo ba kamo? Hiningang amoy strawberry mint? KISSABLE LIPS?!

Pfft. What the hell Rhia that was freaking gross!

Pero gwapo nga naman kase talaga sya..

Oo na sige na. But that won't change the fact na isa syang manyak!

Tsaka mabango naman talaga hininga nya..

Oo mabango, pero sing baho naman ng basura ang paguugali niya! So ano pang sense na may mabango syang hininga?

At kissable naman din talaga ang mga labi nya..

"Argh!" I yelled in embarrassment habang hawak hawak ko ang tray na pinaglalagyan ng mga pagkaing pinamili ko. Medyo nakaagaw tuloy ako ng atensyon ng ibang estudyanteng naroon.

Damn I really need to stop having these thoughts. Feeling ko masisisraan ako ng bait ng dahil sa lalaking yun!

Nang makahanap na'ko ng bakanteng mesa ay marahan naman akong umupo habang inuusisa ang buong kapaligiran. Baka kase andito yung, well, alam nyo naman na siguro kung sinong tinutukoy ko. Sino pa nga ba ang dapat kong iwasan dito diba? Mahirap na baka simulan na nun ang mga pagbabanta niya sa buhay ko. Poor me.

Sa kalagitnaan ng paguusisa ko'y napansin kong nakatingin pa pala sakin yung mga estudyante na nakarinig ng pagsigaw ko kani-kanina lang, yung iba nga sa kanila'y nakatitig pa ng masama sakin.

Mr. Gangster Meets Ms. NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon