Masakit kapag Pinilit

12 1 9
                                    

       Mahal mo siya,mahal niya ay iba,may nag mamahal sayo pero ang mata at puso mo nakatutok lang sa kanya.

Ilang beses nang sinasabi sayo na itigil mo na ang kahibangan mo pero ikaw nga talaga itong matigas ang ulo dahil kahit sinasampal na sa harapan mo ang katotohanan,patuloy ka pa ring nagbubulagbulagan.

Sabi mo masaya ka sa piling niya,sabi naman ng nagmamahal sayo 'sakin ka na lang wag ka ng humanap ng iba' pero sa katiting na atensyon na binibigay niya sayo kuntento ka na samantalang meron namang iba na kayang abutin ang bituin mapasakanya ka lang.

Masaya ka ba sa nakikita mo?,ang taong mahal mo Hindi manlang makayang tumingin sa direksyon mo, Hindi manlang kayang suklian ang pagmamahal mo at higit sa lahat alam mong hinding hindi siya mapapasayo please gumising ka na sino ang pipiliin mo ang mahal mo o ang mahal ka?

Pipilitin mo parin ba ang gusto mo ang makuha kahit ang konting oras niya ay nagmumukha ka ng desperado,bakit ba hindi mo na lang tanggapin ang tunay na nakatadhana sayo?, sinasayang mo lang ang oras mo sa taong never mapapasayo kaya please lang gumising ka na at isuksok mo sa utak mo masakit kapag pinilit ang taong may mahal na ngang iba pero Ito ka at nagdudusa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Advice ni Ms.NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon