Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong pilit kang itinutulak papalayo Una hindi siya worth it at marami pang tao na nakakakita ng halaga mo.
Kung talagang mahal ka niya or importante ka sa buhay niya Edi sana di ka na nagdudusa Jan sa isang tabi kakatanaw sa kanya mula sa malayo.
Pero hindi lahat ganyan ang gusto minsan kasi sobra na siyang nasasaktan gusto niyang paalisin ka sa buhay niya pero ang hinahanap niya talaga ay ang taong iintindi sa mga pinagdadaanan niya kung sino ang hahawak ng mahigpit kapag walang wala na siya kung sino ang dadamay sa kanya sa panahon na feeling niya nag iisa siya.
Hindi mo man siya maintindihan sa kilos niya pero gusto niyang intindihin mo ang tunay na emosyon sa kanyang Mata kasi Ito lang ang makakapagsabi sa tunay na dinadamdam niya.
Kung sa tingin mo malakas sya dahil lagi syang nakangiti,masigla,parang walang problema,ha nagkakamali ka alam mo ang mga taong ganyan yan talaga ang higit na nasasaktan ayaw niya lang ipakita sa taong nakapaligid sa kanya.
Hindi porket sinaktan ka niya at pilit ka niyang pinapalayo wag kang magsasawa sa pag iintindi sa kanya kasi akala mo lang wala siyang pake Elam sayo pero ayaw niya lang makita mo ang nasasaktang siya, na sa sobrang sakit na akala niya lahat ng tao sa paligid niya sinukuan na sya oo dakila syang assumera pero ang gusto niya lang kahit isa lang ay may taong iintindi ,uunawa, at Hindi sa sabihin ang katagang ,'wag pilitin kung ayaw'.
BINABASA MO ANG
Advice ni Ms.Nobody
PoetryTatalakayin ang sarili mong kwento Ano nga ba ang magagawa ni miss nobody para mabago ang isip mo Itanong mo na,Sabihin mo na,nandito lang ako handang damayan ka,sa katangahan,papuntang katalinuhan,sa kapangitan papuntang... ikaw nga lang ang uusad...