Kabanata 1- gang fight
-Dumating ang takdang oras para sa isang gang fight.
"sino bang malakas ang loob na magyaya ng isang labanan tulad nito?" tanong ni Trinity. Nandito kami sa isang bukid. Madilim. Na tanging poste lang ang nagbibigay liwanag. Nakakatakot na tunog ng mga hayop, insecto o ano. What just normal People, humans think. Pero kami? Isang normal na ground para sa labanan.
"ako" isang boses ng lalaki ang aming narinig. Habang papalapit sila saamin ay naaninag agad ang kanilang mukha. What?! May baseball bat silang dala. Shocks!
"ano girls? Pwede na kayong tumakbo palayo" tumawa silang lahat na para bang nakakatawa ang sinabi ng payatot na yun.
"hahahaha. Kami? Matatakot? Sino ang may dalang armas? Kami ba? Hindi diba? Kayo. Kayo ang natatakot pwede na kayong umiyak like a baby" pinagmasdan ko ang lalaking nasa pinaka dulo sya ang gang leader. Nakita ko ang masamang tingin nya kay Farah.
The game begins...
Agad kong sinipa ang payatot na lalaki sakanyang sikmura upang matumba ito. Kinuha ko ang baseball bat na hawak nya at inihampas sa paa nya upang hindi na makatayo.
Naramdaman kong may papalapit sa likuran ko kaya agad ko itong binigyan ng high kick. I know nahihilo sya ngayon dahil sa impact nun kaya agad kong sinipa ang iniingatan nya. At inihampas sa tuhod nya ang baseball bat. 2 down.
Naramdaman ko ang kirot dulot ng pagpalo sa binti ko ng baseball bat. Wrong move. Tinignan ko ng masama yung lalaking sinusubukan ako. At aba! Nakatalikod pa. Ngumiti ako at agad pinalo ang baseball bat sa batok nya. 3 down.
"hahaha. pinatulog mo agad yung baby" ngumiti nalang din ako sakanya. Sa lakas ba naman ng palo ko sa batok nya siguro ay basag na ang mga buto nun sa batok.
"Gia sa likod mo!" tinignan ko si zara and she still fighting with her worried eyes. Tumingin ako sa---- hindi kpona nagawang tumingin sa likod ko. Agad akong napahiga sa lupa dahil sa lakas ng impact ng palo ng bat sa likod ko. Agad naginit yung ulo ko sa ginawa nya. Pinilit kong tumayo kahit nararamdaman ko na anytime matutumba ulit ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang bat at humarap sa lalaking humampas saakin. Kinindatan ko sya ng malaman na sya ang leader. Agad kong pinampas ang bat sa direksyon ng balikay nya ngunit naiwasan nya ito.
Nakita ko ang mga mata nya sa direksyon ng hita ko. At ang kanyang mabilis na galaw upang paluin ako dun. Pero agad akong nakaiwas. Pero shocks! Ang sakit ng likod ko at medyo nahihilo narin ako. Agad akong tumira tinamaan ko ang kamay nya gamit ang bat na hawak ko. Dahil dun nabitawan nya ang bat na hawak nya. At ininda ang dulot na sakit ng ginawa ko. Hahawakan na sana nya ulit ang bat kaso agad kong pinalo ulit ang kamay nya.
"Aww. So bad. tingin ko durog na ang buto mo sa kamay" kinindatan ko sya. Binigyang nya ako ng death glare.
Napansin ko na ang kanyang kamay sa likod nya. Ano naman kaya ang binabalak nito."tingin ko hintmdi ka makakauwing buhay" at agad nyang tinutok ang knife saakin. Napapoker nalang ako. Ang layo nya tapos ilalabas nya agad yun. Wrong move gang leader. Napansin ko sa kanya na gagalaw na sya sa pagkakataong ito pero agad kong inihampas ang bat sa kamay nya na may hawak na knife.
"sorry but i need to end this game" at mabilis kong ipinalo ang bat sa hita nya upang mapaluhod sya. At agad akong kumuha ng malakas na force para sa pagpalo sa balikat nya uapang mapahiga sya sa sahig.
"Nagkamali ka ng kinalaban gang leader" akmang tatalikod na ako ngunit napansin ko na tatayo sya at pinupwersa ang sarili na kunin ang nahagis na knife kanina. Tss. Iniinis talaga ako nitong g*g* itong. Agad kong kinuha ang knife at lumevel sa nakahigang gang leader.hinawakan ang kanyang buhok upang maiangat ang kanyang ulo.at itinutok ang knife sa leeg nya.
"maling iniinis ang katulad ko gang leader!" naramdaman ko na papatambong tao sa likod ko. Tss. Kakasabi ko lang maling iniinis ang katulad ko agad akong napalingon at nakita ko na lalaking ito ng medyo palapit na sya inihagis ko ang knife sa legs nya para mapahinto sya. Agad akong napatingin sa gang leader.
"ow" nakita ko syang nakatayo na at hawak ang bat at nakapatong ito sa balikat nya.
"what a pretty girl. Ang galing sa pakikipaglaban, Ang galing sa timing." naramdaman kong mumirot ulit ang likod ko ngunit hindi ko ipinahalata ito. Baka gawin pa itong target upang matalo ako.
Napansin ko unti unti gumalaw ang kamay nya. Agad akong umupo para makuha ang pinaka malakas na force upang sipain ang iniingatan nitong gang leader na nakatayo sa harap ko.
At ayun sya napa-talon sa sakit dulot ng sipang iyon. Agad kong hinawakan ang bat at ipanalo iyon sa batok ng nagtatalon talon na gang leader.
Narinig ko ang pagpalakpak ng mga itang tao sa bantang likuran ko ng ilang metro ang layo
Tumingin muna ako sa gangleader na ngayong mahimbing ang tulog atsaka tumingin sa mga taong pumalakpak. Poker face insert.
"ang galing talaga ng bestfriend ko" tapos agad na tumakbo at yumakap saakin. At yung iba lumapit nadin.
"kanina pa kayo dun?. " tumango tango sila. At agad nanlaki ang aking mata. After ng lahat ng hirap ko kalabanin yung gang leader malalaman ko na nakatayo lang sila dun at nanunuod?!
"what?!" hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng malaman ko iyon.
"ang tagal nyo kayang naglaban.grabe! Idol na talaga kita gia" tss. What the?!
Sa sobrang tagal kalabanin nung gang leader na yun hindi ba nila naisip na kailangan ko ng tulong?! At isa pa itong si Zara hindi manlang nya tinulungan ang bestfriend nya?! Hindi ako makapaniwala na pinabayaan lang nila ako.
Tinignan ko ang relo at sh*t 12:48am na! Hinila na nila ako at naglakad na kami papunta sa van. Hayst. Nagpaalam ako na may group work kami at magoover night. Kaya hindi naman nila ako mapapagalitan. Pero sh*t ang sakit ng likod ko.

BINABASA MO ANG
Monster Couple
Novela JuvenilWe are gangsters . What lies behind us are small matters, compared to what lies within us.