Chapter 4 : V.I.A

17 0 0
                                    

Herrit

Mabilis na lumipas ang araw at monday na.

Kasalukuyan akong nagaayos na para makababa na't makapag-almusal.

Kumuha lang ako ng white v-neck tshirt na may nakasulat na "Im.The.Boss" na pinatungan ko ng black leather jacket at black ripped jeans naman na ibinagay ko sa black and white converse ko.

Wala namang may paki sa suot ko kasi wala kaming uniform doon sa papasukan ko na pag-mamayari ni Uncle Josaff kaya feel free ang mga tao doon na magpakitang gilas ng mga fashion sense nila isama mo na diyan yung pacool,pabadass,pangpokpok  at marami pang iba.-_-

Nang makuntento ako inayos ko na yung mga dadalhin ko at bumaba na para sabayan si Grandpapa sa pagkain.

"Good morning hijo!" Ngiting bati saakin ng matanda.

Tango lang sinagot ko at umupo na sa harap niya at nagsimulang kumain.

"Send my regards to Josaff kung sakali mang makita mo siya doon sa school ha? Pati narin kay Hera nako yung batang yun talaga puro lalaki at gimik nalang lagi ang inaatupag kinalimutan na ako pakisabi naman sa batang yun bumisita naman dito kung minsan nakakapangtampo na" Mahabang litanya ng matanda na may himig na pagtatampo.

Kung sabagay parehas na busy kasi yung dalawang yun eh si Uncle Josaff valid ang reason puro kasi business yun pero ang mas tinututukan niya kasi yung school kasi anjan naman si Uncle Joseph para i handle ang major business namin.

Si Uncle Joseph ang panganay kaya sakanya nakaatang ang mga major business namin single parin siya hanggang ngayon masyado niya kasing dinedevote yung sarili niya sa mga business niya siya rin ang palaging kasama ni Grandpapa kapag may mga business trips at gala then;

Si Dad na namatay sa car crash noong 5 years old ako isang kilalang businessman rin ito ang role model niya kasi si Uncle Joseph kaya naman mapagpursigi siya bagay na gusto ni Grandpapa kay dad then;

Ang bunso ay si Uncle Josaff sakanya naman nakaatang ang mga minor business namin isa na dun ang school na pinapasukan ko which is Villamerced Intl. Academy  unlike Uncle Joseph nakapag-asawa ito at nagkaroon ng isang anak which is si Hera.

Tapos etong si Hera na pinsan ko puro kalandian at party ang inaatupag masyado kasing iniispoiled kaya nagkaganyan-_- buti pa ako matino.

"Sige po" sagot ko.

"1 buwan ng hindi pumupunta yang mag-ama na yan pambihira" sabi pa nito.

"Wag po kayong mag-alala sasabihan ko sila Uncle Josaff at Hera busy lang po si Uncle kaya pagpasebsyahan niyo nalang kay Hera lang po kayo magtampo kasi kalandian lang alam nun" Pangungumbinsi ko.

Tumango-tango naman si Grandpapa.

Nang matapos akong kumain nag-paalam na akong papasok na.

Dumiretso na ako sa baby ko at nagdrive papuntang V.I.A

Binuksan ko yung stereo ko at nagpatugtog.

Nakaapat na kanta rin ang napakinggan ko bago makarating ng school.

Pinarada ko yung baby ko sa reserved parking para saaming mga D.S.A.I nakita kong may limang sasakyan na doon at nakita ko silang nagk-kwentuhan sa usual bench kung saan madalas kami naghihintayan naroon na sina Hera,Willfred,Renji, at Voltaire wala roon si Raven pero andito na yung kotse niya baka bumili siguro .

Pagkaparada ko lumabas na ako at naglakad papalapit sakanila.

Habang naglalakad ako naririnig ko pa ang bangayan nila Willfred at Hera grabe talaga tong dalawang to.

Taming The Wrath King■ON-HOLD■Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon