Chapter 5 : The Welcoming

14 0 0
                                    

Hello readers! 😊 Goodmornight sainyo dahil sa good mood ako ngayon at medyo dumarami na ang readers ay mag-uupdate ako salamat sa sumusubaybay nitong story ko 😊. Godbless

Raven

Pagpasok namin sa Academy naagaw agad namin ang atensyon ng mga estudyante.

Andito na yung  D.S.A.I kyaaah!

Kyaahhhh ffa Voltaire!

Myghadness Renji!

Ang hot mo Hera!

Gwapo mo Willfred!

Sexy mo Vinyl!

Ngiti ka naman ffa Raven!

We love you Herrit!

Samu't-saring sigaw ng mga estudyante di namin sila pinansin pero etong dalawa na sina Willfred at Hera feel na feel ang pagtawag sa kanilang pangalan kumaway kaway pa na kala mo isang kandidato-_-.

"Goodmorning Girls!"  Bati ni Willfred sa mga babaeng nakapalibot na sakanya ngayon.

"Goodmorning Willfred!" Sabay-sabay na bati nung mga babae na nagpapapabebe at nagpapacute pa sa harap ni Willfred.

Si Willfred naman ngingisi-ngisi saya niya ah attention seeker talaga to.

"Goodmorning mga baby boys!" Bati naman ni Hera sa mga lalaking nakapalibot sakanya ngayon yung mga lalaki kung makatingin kay Hera kala mo pagkain naglalaway na nga yung isa eh.

Gross-_-

"Goodmorning Ms.Hera!" Sabay-Sabay ring bati nung mga lalaki na ngisi-ngisi.

Para silang 2 pulo na nagkumpulan sa gitna ng hallway -_-

Srsly? Ang laki nilang harang sa daanan.

"Umalis nga kayo sa daan mamaya niyo na ituloy yang kalandian niyong dalawa baka nakakalimutan ninyong may welcoming pa sa auditorium?" Seryosong sabi ko sa dalawa.

Saglit silang natigilan at nakasimangot na nagpaalam sa mga taong nakapalibot sa kanila.

"Napaka Kj mo talaga Raven"

"Psh inggit kasi"

Himutok nung dalawa inirapan ko nga mas gwapo ako kay willfred kaya paniguradong mas marami akong fans kaysa sakanya.

"I.don't.care" Sabi ko nalang.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad bago pa man kami maistorbo ng "fans" nina Willfred at Hera.

Pero di parin nawala ang panakanakang tingin ng mga estudyante saaming grupo.

Narating rin namin ang auditorium makalipas ang 7 minuto

Pagpasok namin roon marami-raming students narin ang naroon dire- diretsong naglakad at umupo si Hera na tumabi roon sa babaeng mukhang lalaki? Pag naging lalaki to panigurado maraming babae ang maghahabol sakanya may mga kasama or should i say katabi na mga magagandang babae mga nasa apat yung GB(Girl or boy?).

Wala pa yung principal or head ng schoolpara sa opening kaya hindi kami matatawag na late.

Sumunod na kami sakanya at umupo sa harap nila kasi anim na upuan ang na occupied nila sa likuran

Pagkaupo namin pinakilala ni Hera yung GB na katabi niya at yung mga babae.

"Guys! Si Audrianna nga pala member ng Aphrosadiac and these four gorgeous girls beside us is also a Aphrosadiac members" Nakangiting pakilala ni Hera doon sa GB.

Taming The Wrath King■ON-HOLD■Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon