Chapter 3

192 2 0
                                    

Kinabukasan ay halos late na ako ng makarating sa campus. Mabuti na lamang ay nakahabol ako sa klase.

Friday ngayon at buong araw ay puro extra-curricular activities lang ang aasikasuhin namin.

Since EIC si Katrin sa Editorial Club ay 'matic na dun siya pupunta. Sina Yeye at Macky naman ay parehong sa Pepsquad ang hilig. Ako lang ata ang wala pang sinasalihang club kaya tambay ako every friday. Mabuti na lamang ay di pa mandatory ang pagsali sa clubs, organizations or sports.

"Ri, sama ka sakin? Magpapameeting lang naman ako sa org about the school newspaper." Nag like sign nalang ako dito at tumango.

Nang marating namin ang official room ng The Abyss ay si Jace ang unang tumambad samin. Ngumiti ito sa akin.

"New member, chief?" Tanong nito kay Katrin at ibinaling ulit sa akin ang tingin. Tinaas taas pa nito ang kanyang kilay.

"Nope, alalay ko lang 'to." Sinamaan ko ito ng tingin. She mouthed 'labyu' and laughed. It's funny how she just clapped her hands and all gathered in the long center table. The members starts suggesting and debating about the said topics.

I busied myself hearing them talk about their new theme. Jace, on the other hand, kept on asking my opinions about their plans.

Nakatingin naman sa akin yung babaeng nasa dulong bahagi ng lamesa, tila naniningkit ang mata.

"Meeting adjourned." Nagsimula nang magsitayuan ang bawat miyembro at muling bumalik sa kanilang mga lamesa.

Ilang minuto lamang ay nakita ko si Jace na kakalabas lang sa cr at ngayo'y nakasuot na ng jersey. So he's into sports too, huh. Inayos nito ang kanyang sports bag. Tiningnan nito ang kanyang relo at napatingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.

"Jace may game kayo? Tara Ri, nuod tayo!" Tinapos ko ang pag-aayos ng mga papel at nagpahila na kay Katrin.

Sabay kaming tatlo na papunta ng gym. Malamang ay naroon rin sina Ye at Macky kaya ako sumama. Sila talaga ang pinunta ko. Tama, ganoon nga.

We sat on the nearby bleachers. Nasa kabila sina Ye, kumaway sila pagkapasok namin.

Sina Jace naman ay nagwawarm up muna habang hinihintay ang makakalaro.

Palinga-linga lang ako, naghahanap ng gwapo. Ganoon din ang ginagawa ni Katrin at sinisipat ang bawat basketbolistang dumaraan sa tapat namin.

Makaraan ng ilang sandali, dumating na rin ang mga kalaban na mula sa 4th year. Kakapasok lang ni Rimiel at agad nito akong pinuntahan.

"Si Tongco ba pinapanood mo, Ri? Mas magaling pa ako do'n! Pustahan man tayo!" Nginisian ako nito at napatingin kay Katrin.

Pinanuod ko nalang sina Jace na kakatapos lang magwarm up. Tumingin ito sakin at sumesenyas.
He mouthed 'towel'. Tinaasan ko sya ng kilay pero hindi maalis ang tingin sakanya. Nagpout ito at pinagdikit ang mga kamay. Tila nagmamakaawa. Napatawa at iling nalang ako habang papalapit sa bag nito at kinuha ang bimpo.

Napatingin sakin ang ibang kasamahan nito at ngumisi.

"May gf pala 'tong si Jace. Lakas." Tumawa ito at agad dinugtungan ng isa pa. "Ingat po ate."

"Mga loko." Tumawa si Jace at tinuloy ang pagpunas. Napatingin lang ako dito. Bakit hindi nya itinanggi? Napatingin na ito sa akin at ngumiti. Binigay na nito ang towel sa akin, may pahabol pang hawak sa kamay. Ba't ang init? Ba't biglang maharot?

Halos matisod-tisod ako pabalik kay Katrin, tila wala sa aking katinuan.

Nagsimula na ang laro at umpisa palang ay mainit na ang laban. Todo cheer naman kami ni Katrin, paminsa'y kay Rimiel at meron din para kay Jace.

Panay sulyap naman ni Jace sa pwesto namin kapag siya na ang nagshoshoot sa bola. Mabuti na lamang ay puro pasok ito. Sa buong laro ay sakanya lamang ako nakatingin. Ang galing pala nito, di ako magtataka kung siya ang tatanghaling MVP ng grupo.

Uminom ako ng tubig dahil halos mamalat na ang boses ko. Water break din muna at papunta na si Jace sa pwesto namin. Walang sabi sabing kinuha nito ang tubig ko at uminom din dito.

Ba't ang init na naman ba? Di ko na kaya. Pinaypayan ko ang sarili ko at kinagat ang labi. Natawa naman si Jace sa akin.

"Ang pula mo." Tumakbo na ito at nagsimula na ang game 2.

At dahil panalo ang grupo nila Jace, nagkayayaan na manlibre at heto kami sa pinakamalapit na gotohan.

"Pa'no ba yan Rim, akala ko bang mas magaling ka kay Jace? Nasan na ang pusta mo." Tinawanan ko ang aking mayabang na kuya.

"Wala ka nang uuwian, bata." Sabi nito at tinalikuran ako. Maya't maya ay sumabat si Jace.

"Sa amin ka nalang muna tumira, Rielle." Walang pakundangang sinabi nito at kinindatan pa ako. Lapastangan!!

Nasa labas kami ngayong mga babae habang naiwan ang mga lalaki sa loob para magbayad.

"So what's the score between you and Jace?" Tanong ni Yeye. Nanunukat pa ang tingin.

"Friends?" Tinaasan lalo nito ang kilay niya. "What?" I asked as I raised my brows too.

"I'm watching you." Keiko said as she gave me a stern look.

"Enough of the serious talk, beshies. Let's go home na. Bye Ri and Kat!" ani Macky at hinatak na si Yeye para sumakay ng taxi.

"Nasaan na sina Ye at Macky, Ri?" Tanong ni Rimiel na kakalabas lang.

"Umuwi na sila, halos kasasakay lang ng taxi."

"Hatid ko na sana yung mga yun at baka mapano pa sa daan. Halika na."

Sumakay na ako sa front seat at agad lumingon sa likod sa pag-aakalang nakasunod si Katrin. Napatingin ako sa rear view mirror at nakitang nasa labas sila ni Rimiel at magkausap.

"Hey," halos magulat ako ng makita si Jace sa labas ng kotse. Lumabas ako at tumungo muna sa hood at umupo.

We were just staring at the starry skies as silence enveloped between us.

"Congrats pala." I said.

"Thanks," Sabi nito at tumawa. "Galing ko no?" Itinaas-taas pa ang kilay. I stared at him and started to laugh.

"Why?" Jace asked. I just shrugged at him. We bid good byes and I went inside the car with a smile on my face.

Agad tumunog ang cellphone ko at binasa ito.

Jey Co:

Ingat
Sleep tight

Halos magtitili na ako dito sa loob ng kotse. Agad akong nagtipa ng sagot.

Ingat din and good night.

"Anong nginingiti mo, diyan?" Tanong ni Rimiel. Kakahatid lang namin kay Katrin at ngayo'y pauwi na kami.

I just giggled again. I heard him tsked.

"Why the long face, Kuya?" I said and looked at him. "Nabasted ka ba kay Katrin?"

"Oh, shut up." I just chuckled at him.

It's been so long since I became this happy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon