Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Nakasalubong ko pa si Katrin at kumaway ito sakin. Ngumiti ako sakanya. Ramdam ko ang bigat ng eyebags na namuo kagabi lang.
"Bakit ganyan itsura mo? Mukha kang isparta na sumugod sa gyera." Sambit nito habang tinatawanan ako. Kasalanan ni Jace to!
Inismiran ko na lamang siya at pumasok sa room. Dali-dali naman itong sumunod sa aking likuran.
Dumating na rin ang prof makaraan ng ilang minuto at nagsimula na ang klase.
Umaga palang naman pero bakit wala akong gana mag-aral. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng prof ay tila may magic at nakapagpapaantok.
Kamuntikan na akong humikab, mabuti nalang ay sinitsitan ako ni Katrin. Major rule kasi ng prof na bawal humikab. Kapalit ng di pagsunod dito ay quiz. Iyak na fren.
"Musta naman ang eyeball niyo ni Jace?" Biglang nawala antok ko at napalitan ng pagkainis. Nananadya ba 'to. Nahampas ko ang lamesa sa harapan at agad nakuha ang atensyon ng klase. Nag angat ng tingin ang propesor sa akin.
Di naman sa mahiyain ako, pero that time, tinamaan talaga ako ng hiya. Muntikan ng magbuhol ang aking dila nang nagtaas kilay na ang propesor.
"May lamok, prof. Sorry po." Lame excuse pero I got no choice, fren. Sakto naman ay tumunog na ang bell. Nagsitayuan na ang lahat at lumabas na sa room.
"Napano ka siz?" Tinapik ako ni Katrin.
"Antok lang." Lumabas na rin kami ng room at dumiretso sa cafeteria. Naroon na rin sina Macky at Yeye.
"Ba't ang tamlay mo?" Salubong ni Macky at sinipat pa ang aking noo. "Napano 'to?" Binaling nito ang atensyon kay Katrin.
"Inaantok daw." As she shrugged.
Napatawa si Ye. "Sino kachat kagabi?"
"May kachat agad?!?! Di ba pwedeng nagfb lang?" I retorted. Inunahan ko na si Katrin at baka ilaglag pa ako nito.
"O ba't ka defensive?" Napabuntong hininga nalang ako at tumayo upang pumila.
Pagbalik ko ay magkakumpulan ang tatlo. Ang lalagkit ng mga tinging binabato sa akin.
"Bigla akong nagcrave ng donut." Sabi ni Ye at may pahawak pa ng tiyan. "J.CO donut no, beshie?" Pasaring naman ni Macky.
Pinanlisikan ko sila ng mata at itinuloy ang pagkain.
"Uy Jace!" Sigaw ni Katrin. Anakng, bigla akong nasamid.
Inabutan ako ng tubig nila Yeye pero nagpipigil ng tawa.
"Hi Rin!" Bati ng kupal at umupo pa sa tabi ko. Napaismid ako na siyang ikinalingon nito sa akin. "Uy Rielle, ikaw pala yan."
Napaharap ako dito and faked a smile. He grin in return.
"O baka kayo matunaw ha. Alis na kami." Tumayo na ang tatlo at dali daling tumakbo. Mga lapastangan!! Talagang pinagkakanulo nila ako sa lalaking ito.
"Anong ganap sainyo ni Jace, mars?" Tanong ni Macky. Tila nasa isang talk show ako dahil hot seat ako sa kanilang tatlo.
Kinukulit nila ako kung anong nangyari sa amin ni Jace matapos nila akong iwan. Well, syempre we parted ways separately after that.
Nag aabang ako ng jeep nang makita rin si Jace sa terminal. Tatalikod na sana ako ngunit huli na dahil nakita na ako nito.
"Uy hi!" Napangiti nalang ako ng di oras. Makaraan ng ilang minuto ay dumating na rin ang jeep. Mabuti na lamang ay kakaunti pa lamang ang sakay nito at maluwag pa.
Nagkatinginan kami ni Jace. Tinatantya kung sinong unang sasakay. Iminuwestra nito ang jeep at hudyat na iyon upang maunang sumakay.
Akalain mo yun, may pagkagentledog din pala ang lalaking ito. Siya na rin mismo ang nagbayad ng aking pamasahe. Bayad daw sa pagsauli ng libro niya. Hindi na ako tatanggi, grasya na ang lumalapit. Di ko alam kung yung libre yung grasya o siya. Chour.
Buong byahe ay nagkunwariang tulog na lamang ako pero sa huli ay nakatulog rin. Tinapik ako ni Jace upang magising. Napalingon ako at nakitang nasa may kanto na namin. Dali dali kong pinara ang jeep at bumaba na. Lumingon ako at nakitang bumaba rin si Jace.
"Ba't ka bumaba?" Tanong ko rito at tinaasan ng kilay. "Gabi na at baka mapano ka pa sa daan." Sagot nito habang tahimik akong sinusundan.
"Paano mo pala nalaman na dito kanto namin?" Tanong ko habang naglalakad. Malayo palang ay tanaw ko na si Rimiel sa tapat ng apartment.
"Uy bro." Bati ni Jace kay kuya. Nakatitig lang ito at walang imik. Magkakilala sila?????
"Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" Walangya!!
Hinatak ko na si Rimiel papasok. Nakasinghot ba 'to ng baygon?!?!
Ingat ka. At pasensya na sa abala.
Humiga na ako sa kama at hinintay dapuan ng antok.
Jey Co:
Oy
Nakauwi naman ako ng ligtas
Tulog ka na?Tuloy tuloy ang pagpasok ng mensahe. Bigla akong napabalikwas sa kama at nagtipa ng mensahe.
Di pa
Bakit bigla atang bumibilis ang pintig ng puso ko?
Jey Co:
👍🏻
Tulog naGigil mo si ako. Grr.
![](https://img.wattpad.com/cover/39050125-288-k583550.jpg)
BINABASA MO ANG
Say You Love Me
Teen FictionMagulo. Kumplikado. Walang kasiguruhan. 'Yan ang kwento nating dalawa.