Chapter 1

409 11 0
                                    

Mugto ang mata at hirap pang idilat sa antok, bumangon na ako at gumayak para sa pagpasok sa eskwela.

I stayed late at night dahil lang sa paghahanap ng account nung kumag na yun. Na-stalk ko na ata lahat ng social media platforms pero wala paring lumilitaw na Jace Tongco. I gave up and just tried to ask the editor of Journalism. I assumed he's a member of this organization.

Kilala nga daw niya ito at ibinigay sakin ang contact number. Isa pang dahilan ng pagkapuyat. Nagtatalo ang bawat parte ng katawan ko kung itetext ko ba siya and inform him that I have his book. Later on, I finally decided as I scribbled a message and texted him.

Hi, I found your book near the bleachers in gym area. Let's meet at gym, 3pm so I can return it to you.

Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Natatakot sa irereply nito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksiyon ko sakanya. Ni hindi ko man nga ito kakilala. Hindi ko alam kung dahil ba sa boses nito habang papatakbo palayo kanina. Tunog gwapo kasi. Chour.

Agad naman tumunog ang aking cellphone at nagpahiwatig na may mensahe. A k was only I received. Seriously??? I got worked up for this???
-

Kumunot ang aking noo nang maalala ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay inis parin ako sa lalaking iyon. Kung pupwede lang iwanan nalang basta basta ang libro ay ginawa ko na. Pero di kaya ng konsyensya ko iyon. Or dahil a part of me, also want to meet him. Harot ka siz? Dejk.

Inaayos ko na lamang ang gamit ko nang lumapit sakin si Katrin, ang editor-in-chief ng The Abyss. Kung titignan ang mukha nito ay napakapamilyar. Napatingin ako sa librong hawak ko at pabalik sa mukha nito.

Ah! May pagkahawig sila ni Lang Leav. That makes sense. I laughed quietly.

"Rielle, bakit mo pala tinatanong si Jace kagabi? Type mo ba yun?" Natatawang sabi nito.

Aba naman netong babaeng 'to. Quits na kami! Aware ata na inasar ko siya kaya niya siguro ako inasar pabalik. Grr.

"Hell nooo. I'll just hand him his book. Naiwan nya kasi sa gym kahapon." Tumayo na ako nang matapos ko na ayusin ang aking bag.

"Kaya pala aligaga sa paghahanap kahapon." Biglang nangunot ang noo nito at nanlaki ang mata. Tila hindi mapakali. "Osige, ciao! May meeting pa pala kami." Tumakbo na ito, nagmamadali.

"Bilis naman tumakbo ng babaeng yun." Sulpot ni Rimiel sa likod ko. I mentally cursed at him. Alam nang magugulatin ako, bigla bigla paring sumusulpot. Pinaglihi mo ba siya sa kabute, Ma?

"Natakot siguro sa pagmumukha mo." Bara ko naman. Naglakad na ako paalis pero sumunod parin ito.

"Stop following me, Rim. May klase ka pa diba? You should go." Binilisan ko na ang lakad. Pero naabutan parin ako niya ako.

"I just want to check on my baby girl. I missed you." Inakbayan ako nito at ginulo ang buhok.

"Stop treating me like a kid, Rimiel. Just go to your class. Don't worry, di naman kita isusumbong kina papa na di ka umuwi kagabi." I rolled my eyes, nakipag-inuman na naman sa mga tropa niya.

"Nyenye. Sabay tayong umuwi later. Wait for me." He finally let me go at tumakbo. Paniguradong mapapagalitan na naman ito kay 'Sir Panot'. Ang cute niya lang magbigay ng endearment sa prof niya. Dejk.

Rimiel's my older brother. He's a 4th year Engineering student while I'm still a sophomore. Sa isang apartment kami nakatira malapit sa university. Ang magulang namin ay nasa karatig probinsya.

Tumuloy na ako sa gym and found a man lying in the bleachers. This is probably Jace. I walked near him as I watch him sleep peacefully. Hindi lang tunog gwapo, gwapo nga talaga.

Mukhang naalimpungatan ito sa bigla kong pagdating. His dark orbs stared at me. Parang blackhole. Hinihigop ako na tumitig lalo at magpahulog. Chour. After a minute or two, umupo ito as I give him his book. He scanned through the pages.

I raised my brows as I watch him check the book. Aba maingat naman ako no! He carried his bag and walk passed through me. Tinaas lang nito ang kamay niya, tila namamaalam.

Wala man lang utang na loob. Sa sobrang inis ko, binato ko sakanya ang water bottle na hawak ko. Natamaan naman siya sa may likod.

He removed his earpiece and eyed me intently.

"Ungrateful jerk!" I shouted.

He mocked a smile and mouthed, 'Thank you'. He even had the nerve to wink at me. I shouted all my frustrations. Napatingin naman ako sa mga nakapaligid sakin at biglang nahiya. I walked out immediately.

Dumiretso ako sa cafeteria and bought an ice cream. Stress eating! Nakakapikon ang lalaking yun. Gwapo nga pero mukhang may attitude problem.

Di ko namalayan na medyo tunaw na ang ice cream ko. Dali dali ko namang nilantakan ito.

I was busy eating my ice cream when I heard a flash. Napatingin ako sa pinanggalingan nito and found the same guy, Jace, taking a picture of me.

Tumayo ako at hahabulin sana ito pero nakatakbo na ito palayo. Namumuro na sakin ang lalaking yun. Ang sarap niyang ipatapon sa ibang planeta. Badtrip!

Tumambay nalang ako sa library at dun hinintay si Rimiel. Nagbasa-basa ako ng ilang libro o di kaya'y nagcellphone para mabasawasan ang pagkabagot. Mga ilang minuto ay dumating na rin naman si Rimiel.

Pagkauwi ko palang sa apartment ay tumunog agad ang cellphone ko. I received a friend request in facebook. And oh, it's from Jace.

Walangya, kaya pala di ko mahanap ang account niya ay dahil Jey Co ang pangalan sa fb. Kaya ko lang din nakilala dahil sa selfie nyang mukhang meme. May pa finger heart pang nalalaman si koya.

I raised my brow as I clicked the confirm button. Agad naman lumitaw sa chathead ang pangalan nito. Bakit ba nang-iinis na naman ang lalaking to?

Jey Co:

Hi

Iyan lamang ang laman ng mensahe. A simple hello could be my reply pero di ko magawa.

What is it this time?

Right after I sent my reply, I hid my phone and went downstairs.

Kakatapos lang maghain ni Rimiel kaya dali dali na akong umupo at magdasal.

"Masarap ba?" Tanong nito pagkasubo ko palang. He's grinning like an idiot.

"Pwede na," Sinamaan nya ako ng tingin at akmang kukunin ang aking plato. "Oo na, masarap na."

"Syempre luto ko!" Nakangiti parin ang loko. Yabang din ng ungas na 'to. Hilig magbuhat ng sariling bangko. (upuan)

Since siya na ang nagluto ng hapunan, ako naman ang nakatoka sa paghugas ng pinggan. Lumabas naman muna ito ng bahay dahil niyaya ng kanyang tropa.

Agad din akong umakyat sa aking kwarto pagkatapos ng gawaing bahay. Pagbukas palang ng cellphone ay lumitaw na ang message ni Jace.

Jey Co:

Thank you pala sa pagsoli ng libro ko. Bilang nalang ang taong tulad mo, Miss. Humayo ka at magparami. Good night. :^)

Mayroon ding nakaattach na picture pero kasingbagal ng pagong ang wifi kaya ang tagal magload nung picture.

Halos inabot na siguro ako ng madaling araw nang nagload na ito. Walangya ulit, yung picture ko!! Picture ko habang kumakain ng ice cream!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon