💑CHAPTER ONE💑

2 0 0
                                    

"Hoy!"

Napapitlag ako nang makitang nasa harapan ko na pala si Sasha, ang bestfriend ko. Ang tanging nakakaalam ng sekreto ko.

"Oh?"

Napataas ang kilay niya, dahil suguro sa reaksyon ko. Wala talaga akong gana ngayon eh. Tatlong linggo ko ng hindi nakikita si Tyler. Miss na miss ko na siya. Minsan ko lang siya nakakatext at yun ay pag nasa opisina siya. Nakakapagod talaga ag sitwasyon namin. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko eh..

"Kanina ka pa kaya tulaley diyan! Iniisip mo si papa T no?"

I rolled my eyes. Hindi ko nalang siya pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko. Nag oorganize kami ng mga ibat ibang klasi ng events. Dalawang taon na naming business ng kaibigan ko ito. Malaki naman ang kita lalo na pag sunod-sunod ang event na i oorganize namin.

"Yanie.."

"Hmm?" Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa ginagawa ko. Nagsosort ako ng mga events na gagawin namin. May tatlong events kasing nakaschedule samin this month.

"Wala ka bang planong mag settle down someday? I mean.. like yung sa single na lalaki.. wag ka ma offend ha? Nagtatanong lang naman ako.."

I heaved a sigh before i faced her. Mapait akong napangiti. Yan din kasi ang naiisip ko minsan. Pero ang problema nga lang, ayoko sa ibang lalaki. And unfortunately, the person i want to lived for the rest of my life with is already married. Oh di ba? No other woman ang drama ko. Feel na feel ko talagang ako si Anne Curtis.

"Siyempre naman.. pag nakita ko na si.. mr. right ko!" sabay kindat ko sa kanya. Pero alam ko namang malabong mangyari yun. Kasi para sakin si Tyler lang ang right guy for me, kahit na ba wrong na wrong naman ang time namin.

Haaaysss..

"Alam mo girl, wish ko talaga na dumating na ang right guy for you. Kasi naman.. alam natin di ba na talagang di kayo pwede na papa T.. kasi nga taken na siya, pero dahil sa kanya ka masaya ngayon, i'll support you all the way.."

Napangiti ako sa sinabi ni Sasha. Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit. Pa'no nalang kaya kung wala tong babaeng to? Buti nalang may kaibigan siyang naiintindihan ang pagiging tanga niya.

"Ano ka ba?! Naiiyak ako sayo!"

"Tange! Nagsasabi lang ako ng totoo no! Basta friend, nandito lang talaga ako for you. Kahit na hindi ako makatulog dahil sa ka eemote mo every night!"

Mahina niya itong hinampas sa braso. Madalas kasi silang magkatabi matulog lalo na pag nagkakaroon ng nightmares si Sasha. Kakatok ito sa kwarto niya at tatabi sa kanya.

"Gaga! Magtrabaho na nga lang tayo.."

Muli siyang umupo at hinarap ang kaninay naiwang trabaho dahil sa kadramahan nila ng bestfriend niya. Magaan na ngayon ang loob niya, buti nalang talaga at may nag iisa siyang supporter. Ilang oras na siyang subsob sa trabaho nang biglang nag ring ang telepono office nila. Siya na lang ang nagpresintang sumagot, nakita din kasi niyang may kausap ang kaibigan sa telepono.

"Hello Shanie's Comfie Events! How may I help you?" nakangiting sabi ko.

"Hi miss.. I'm Melanie, my friend recommended your works to me, remember Dianne?"

Sandali siyang nag isip.

"Ah yes, si miss Dianne? Yes po ma'am kami po ang nag organize ng binyag ng anak niya.."

"Melanie nalang.. Can I call you Sasha instead?"

"Ako po si Yanie miss Melanie, kaibigan ko po si Sasha. Partner po kami.."

"Aw, my mistake.. Sige Yanie, can we meet maybe tomorrow para ma idiscuss ko sayo ang ipapa organize kong event?"

"Pwede ko po bang malaman kung kelan po ang event na to? May nakaline up po kasi kaming tatlong event this month.."

"Oh, no worries, next month pa naman.."

Nakahinga siya nang maluwag. Mahihirapan sila kung magiging sunod-sunod ang events na gagawin nila. Hindi naman kasi kalakihan ang negosyo nila. Talaga lang marami silang mga clients dahil na rin sa magandang mga gawa nila. At siyempre sa mga recommendations ng mga naging costumer na din nila.

"Okay miss Melanie, just give me your cellphone number at ang lugar kung san po tayo magkikita.."

Sinabi niya ang number, sinulat ko iyon sa memo pad at ang lugar kung saan kami magkikita. Mamaya ko nalang yon ililipat sa phone ko. Nag thank you ako at binaba na ang telepono.

"Oh? Bagong event?"

Nilingon ko si Sasha. Tumango ako at pinakita sa kanya ang memo. Tumango tango naman siya at binalik yun sakin.

"Ikaw muna niyan Yanie ha? Busy pa kasi ako sa isang event eh. Tsaka pupuntahan ko pa bukas ang venue dun sa party ni mrs. Wong.."

"Okay lang Sha.. Ano ka ba? Hapon pa naman ako pupunta sa Marcux Resto, so okay lang.."

Nginitian siya nito at muling ibinalik ang tingin sa computer. Napabuntong hininga siya at kinuha ang cellphone sa bag. Wala pa ding message galing kay Tyler.

Tyler.. Miss na miss na kita..

----

Sabaw! Hahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Matters MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon