Ms. Messy - Part II

115 14 12
                                    

Author's Note: May mga nag request kasi ng part 2, so eto na po. Salamat sa mga ngtyaga magbasa ng unang part na dapat ay one shot lang talaga, pero namotivate ako at nachallenge din. Sana magustuhan ninyo ulit! :) 

Feel free to leave your comments , tumataba po ang puso ko pag may nagcocomment at nagagandahan sa sinusulat ko! Hahaha! Vote ninyo na din!  ;)

Thanks, thanks!  Enjoy!

Jemienem



His POV

"Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang isang linggo
Nananatili kang nasa isip ko
Sa isip ko'y hindi ka mawaglit
Mawaglit ma'y tiyak na saglit

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang dalawang linggo
Sa isip ay ikaw pa rin ang tumatakbo
Tumatakbo ng matulin ang oras
Oras na kaybilis nang magtama ang landas

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang tatlong linggo
Saan kaya muling magtatagpo?
Magtatagpo at muling magtatama ang mga mata
Mga matang hindi mawala sa aking ala-ala

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang apat na linggo
Kailan masisilayan ang mga ngiti mo?
Ngiti mong kaytamis at kaysarap pagmasdan
Tila isang anghel na nais kong sundan

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang mas marami pang linggo

Ako'y naghihintay pa rin sa'yo
Sayong pagbabalik sana ako'y iyong tingnan
Tingnan sa mata't puso'y pakinggan."

"A round of applause for Mr. de la Vega! Nice one!" Tuwang tuwa naman sa akin ang prof ko sa ginawa kong tula.

"Woooooohooooo!"

"Wait, naiiyak ako!"

"Pards, kailan ka pa naging makata?"

"Kanino mo pinagawa yan?!"

Kantyawan ng mga siraulo kong kaibigan.

"Ngayon lang ba kayo nakarinig ng tumutula?!" Tanong ko sa mga kumag habang papalapit sa aking silya.

"Pre, igawa mo din ako!" Bulong ni Oyo na nakaupo sa bandang harap ko. Isang ngiting mapang asar ang ipinukol ko sa kanya at umayos ako sa aking pagkakaupo.

"Ano? Sige na. Wala pa akong naiisip, pwede ba 'yung ganito?

Lumipas ang isa, dalawa, tatlong hanggang isang linggo
Hindi ko pa rin maintindihan

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, hanggang dalawang linggo
Bakit si Andress ay kaamoy ni Magellan?

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, hanggang tatlong linggo
Bakit ang kagwapuhan ko ay sukdulan?

Lumipas ang--aray!" Putol ni Andi sa kabugukan ni Oyo. Siya si Andress. Hahah! Binatukan ko din siya ng mahina, basta kalokohan ay nangunguna siya.

"Ano na naman problema mga pre?! Masakit 'yun, ah?" Tanong niya na medyo napalakas ang boses. OA nito.

"Mr. de la Vega! Mr. Lim! Mr. Callejos! What was that?!" Galit na sigaw sa amin ni Miss Salazar.

"Sorry, Miss." Kaming tatlo.

"Okay, class listen. Next meeting, Mr. Lim! Ikaw ang unang magrerecite, maliwanag?!" Magrereklamo pa sana siya pero hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon ni Miss na makasingit sa kanya "malapit na ang University meet," pagpapatuloy niya habang nakaupo pa rin at nag aayos ng gamit sa kanyang mesa "'yung mga players d'yan, makakakuha kayo ng additional incentives kung makakapag uwi kayo ng mas madaming awards! Kaya galingan ninyo, ok?" paliwanag nito na bahagyang ibinaba pa ang makapal niyang salamin at saka matalim na tumingin sa aming limang magkakaibigan. Kami lang kasi ang players dito.

Ms. MessyWhere stories live. Discover now