Chapter Nine (Silent Knight)

0 0 0
                                    

Chapter Nine (Silent Knight)

   Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbuhos ng ulan. Klayton told me to wait for them after my classes. Sa katigasan ko nga ng ulo eh hindi ako sumunod. Eh, nagugutom na talaga ako. Isa pa, kanina pa ako naghihintay sa loob ng silid-aralan ng mag-isa pero wala pa rin sila.

   Lumabas ako ng classroom at nagdesisyong hanapin ang cafeteria sa school ng mag-isa. I tried to go at the back of the school building pero tanging mataas na pader lamang ang sumalubong sakin. What? Nasa labas ba ng school na'to ang cafeteria? I tried to walk around the building pero simpleng mga matataas na puno lamang ang nakikita ko. No basketball or volleyball courts, et cetera, et cetera.

   "How wierd ... kahit guards wala." bulong ko sa sarili ko. Natandaan ko na naman kanina ang ginawang pagpigil ni Maui sa mainit na tagpuan namin ng tatlong kambal. Kung hindi dahil sa ginawa ay baka kung saan pa napunta ang pag-aaway namin na yun. So speaking of it, baka meron sigurong security ang school na ito dahil sa naging reaksyon nila kanina pero bakit ganito? Parang haunted school ang paligid.

   Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas ng paaralan. I applied the same method of scanning my ID to exit the school.
  
   Sa pagiging malas ko nga naman eh inabutan pa ako ng malakas na ulan sa labas ng gate. Basa na ang uniform at bag ko. I suddenly regret it that I didn't listen to Klayton. Tiyak, kung anu-ano na naman ang sasabihin nila sa akin.

   I prepared to swallow down my pride and almost make my way to go back inside the school when a man's hard chest bumped me—or should I say, ako pala ang nakabangga. I noticed he's holding a big umbrella. Big enough to cover the both of us. I looked up at him and he gave me a friendly smile.

   'Di ba ... Ikaw ang newbie?—oh yeah, It's you! Ikaw ang sumuntok kay Jade. You had a fight with the triplets ... tsk tsk tsk ... Her nose won't stop bleeding, you know? Pinauwi na nga lang siya ng school nurse upang magpatingin sa kanilang personal doctor. You're lucky if she won't sue you for damaging her gorgeous nose, haha. Well, bakit nagpapabasa ka sa ulan? Obviously wala kang dalang payong." sabi niya and I hesitated before I answered him.

   Ang dami mong sinabi ... grrr ... I'm okay. Babalik na ako sa loob kasi hindi ko naman inaasahan na maabutan ako ng ulan sa labas. Hindi naman ako ganoon ka-bobo na magpapabasa sa ulan na naka uniform pa, di ba? At isa pa ... I don't care about those bitches ... and you also don't fucking care kung nasira ko man ang ilong niya o kung idemanda niya man ako. It's none of your business actually, at isa pa sino ka ba? inis na sabi ko. Pinipilit kong huwag mautal dahil sa sobrang lamig lalo na at basang-basa na ako. I heard him chuckle and He smiled at me; his teeth were long and white. He's handsome, actually halos lahat ng estudyante sa school na ito ay pansin kong may ibubuga pagdating sa physical appearances. Ako nga lang siguro ang mukhang patatas dito.

   I'm none other than one of those bitches's boyfriend—Jade. Yeah, maybe you're right that I should just mind my own business but somehow I can't help to be concerned about her ... Kahit ikaw naman siguro kapag may kasintahan ka eh mag-aalala ka ... hmh ... nagtataka tuloy ako kung meron ka man lang nun. he said, his friendly smile never fades.

   H-huh? this time, hindi ko na talaga napigilang mautal. Yeah, what a stupid answer. Gawd, hindi talaga ako nag-iingat sa mga sinasabi ko. Aba eh, hindi ko naman alam na girlfriend pala niya ang bruhang iyon. Hindi ko na gusto pang humaba ang usapang ito. Wala naman akong mapapala sa kanya. Isa pa, rule number three stated: DO NOT MAKE FRIENDS. As if I didn't broke the said rule. Hindi naman sa hindi ako sumunod ... I just did a little mess a while ago. "Pasensya ka na, kailangan ko na talagang umalis eh."

   "I am impressed." sabi niya at binaba ang kanyang tingin sa nakasklay kong braso. "Napatumba mo sila gamit lamang ang isa mong kamay. Ayaw mo bang sumabay sakin? Papasok lang din naman ako." he offered and smiled to me again.

   "No, thank you. Firstly, kaya ko na ang sarili ko. Secondly, hindi ko na gusto pang gumawa ng isa pang rason para magkaroon kami ng World War II ng triplets. Okay? Bye." mabilis na akong umalis at muling sumulong sa malakas na ulan. I scanned my ID once more and hurriedly went back inside the school building. I don't want to talk to him any further. Wala akong mapapala sa kanya.

   Mahina akong napamura nang makatungtong na ako sa loob ng first floor building. Basang-basa na talaga ako at mas lalong giniginaw. A tiny pool starts to exist beneath my feet. Pumasok muna ako sa CR na matatagpuan sa unang palapag upang ayusin ang sarili ko. Pagpasok ko sa loob ng banyo ay mabilis kong tinignan ang loob ng bag ko. Lahat ng notebooks ko pati cellphone ay nabasa. I groaned with disappointment. Binuksan ko ang cellphone ko ngunit ayaw gumana. Bwisit!

   Lumabas na ako ng banyo at mabilis na umakyat papuntang ikalawang palapag. Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang sa hagdan ay napatigil na ako. Merong sign board sa dingding na may nakaimprentang: SHORTCUT TO CRUCIARE.

   Laking pagtataka ko dahil parang wala naman ito kanina. Cruciare? Isa itong Latin verb meaning to torture. I felt creepy all of a sudden. Well, baka isa lamang ito sa mga ka-ek-ekan ng mga estudyante dito. They're crazy afterall. Crazy? Bakit ako napunta sa isang konklusyong mga baliw sila? Ang triplets lang naman ang tanging nakaharap ko kanina at ang mga wirdong tinging ipinupukol sakin ng lahat. And for me that's crazy.

   Ipinagpatuloy ko na ang pag-akyat sa itaas.

   Pagdating ko sa second floor ay wala ring katao-tao doon. Noong una, akala ko ay mapapadpad ako sa second floor kung saan naroroon ang second year high schoolers but no.

   Hindi isang normal na high school corridor tulad ng pamilyar na dinaanan ko kani-kanina lang ang napuntahan ko. Napadpad ako sa isang closed corridor na para bang nasa hotel. The lights were dim. There were several doors on each sides leading to mysterious rooms.

   I frowned because I remember I had passed by the second year hallway noong unang pagdating ko dito kasama sina Klayton at pagbaba ko mula sa third floor upang hanapin ang cafeteria. Paanong nag-iba na dito? The familiar feeling of curiosity came rushing down on me with full of excitement ngunit nagpigil ako dahil sa takot na baka mawala na naman ako. I can't risk my first day with another terrible mess. If possible.

   Lumiko ako pabalik sa baba ngunit hindi ko inasahan ang isang mabilis na bagay na dumaan sa harap ng aking paningin at tumama sa mismong sleeve ng aking uniform blazer. Fuck! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagdikit nga kanang braso ko sa dingding.

   My arm was pinned on the wall with a CUTTER! And damn this! I can't remove it because my left shoulder is useless for now. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napalinga ako ngunit walang sino man ang naroroon. I tried pulling my arm away pero masyadong malalim ang pagkakabaon ng cutter sa sementadong dingding. Nakakamangha ang cutter na ginamit dahil malaki at gawa ito sa metal.  Napatigil ako sa pagpupumiglas ng aking braso nang may marinig akong mahinang napamura.


  "Sinong nandiyan?!" sigaw ko ngunit walang sumagot imbes ay nagkaroon ng mabibigat na hakbang mula sa isang madilim na koridor. "Sino ka?!" sigaw kong muli. Hindi ito muling sumasagot. Sira ba siya? Hindi rin ba siya nagsasalita? Damn! Baliw siguro ang taong ito. Later on the anonymous stepped into the light and I saw the familiar streak of color on her head. Yes, it's a female. And the familiar ash grey hair I saw before in the Dark Timber was hers.

   "How nice." sabi niya nang mas makalapit na siya sa puwesto ko. Napansin kong hindi siya nakasuot ng uniporme. Pakiramdam ko ay hindi siya pumapasok dito. She ran her fingers on the cutter then stopped only to look at me directly in the eyes. Malalim niya akong inoobserbahan mula ulo hanggang paa.

   "Sinusundan mo ba ko?" matapang kong bulalas kahit nakakaramdam na ako ng konting kilabot. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngunit sadyang napakamisteryoso niya.

   "Sinusundan mo ba ko?" pag-uulit niya sa sinabi ko.
  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PRINCESS And Her GANGSTERS [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon