Chapter 6: End

54 8 1
                                    

YASPIE POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YASPIE POV

pagdating ng hapon ay pumasok na ako ng school. Ayokong magmukang tanga at mahina sa harap nila.
Sobrang mali Alicia na ginago mo ang utak ni Edison,
Pumasok ako sa school na naka black Tshirt at black pants at sinuot ko ang 4 inch hills ko. Pinagtitinginan nila ako kase ako lang ang Nakablack sa lahat ng medicine students. Anong pakialam ko, sino naman sila para pagaksayahan ko ng atensyon ko.

Naglalakad ako sa hallway habang nakangiti, dala ko ang proweba na magkapatid kami ni Jasper, i will make things right.

" Ang kapal din talaga ng mukha ng babae yan noh" sabi ng isang babae obviously pinaparinggan ako. Tiningnan ko, nalaman ko na isa pala ito sa kasama ni Alicia kaninang umaga.
Pero hindi ko na lang siya pinatulan, Ayokong masira ang mood ko.

Dumiretso ako sa room namin, tutal magkaklase naman kami sa first class sa hapon.

Nasa tapat na ako ng room, hindi muna ako pumasok, inayos ko muna ang sarili ko at inilabas ang napakatamis kong ngiti.
Papasok na sana ako ng marinig ko ang boses ni Alicia. Hindi naman namin siya kaklase ngayun ah.  Anong ginagawa niya dito?

         Hindi ko nagawang pumasok sa loob dahil sa narinig kong usapan nila.

" Hindi ko siya gusto kaya tumigil ka na,"       gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Edison. Shit!!

          Napakuyom ako. Walang hiya kayo.

" You can have all you want, kaya ba nakipagbreak ka sakanya dahil gusto mo ako" 

" Alicia.... "   
           Pumasok ako sa loob pero mas lalong hindi ko kinaya ang nakita ko, he was kissing her.  He really did. 
          Mas lalo akong nagalit dahil sa nakita ko. Pero nanatili ako Kalma. Hindi ako yung tipong magwawala at iiyak sa harap nila ay tatakbo palayo. 

" Ang sarap noh"    walang emosyon kong saad. Walang tao sa loob kaya ang lakas ng loob nilang maglandian.

         Pareho silang gulat na napatingin sa akin.  Ngumisi ako, at naglakad papunta sa teachers table at doon sumandal.

" Ang halik ni Edison, ang sarap diba"  saad ko ng nakangisi.

       Tumayo si Alicia at binigyan din ako ng ngisi, napataas lang ang kilay ko.

" Oo sobrang sarap,  at hindi lang diyan ang aabutin ko sa kanya dahil alam kong lalagpas pa kami sa halik"    nakangisi niyang saad. Alam ko naman na iniis niya ako, oo nainis ako, ay mali galit na galit na ako.

" Ahh talaga...."  hindi ko maalis ang ngisi habang naglakad papunta kay Edison na nakatayo na rin.
          Hinawakan ko siya sa dibdib at tumingin kay Alicia.

"... Kung sabagay sino ba naman ang aayaw dito"   hinagod ko ang buhok niya passionately. Nakita kong nagulat si Edison sa ginawa ko.
           I usually the type of woman na sobrang sensitive kaya hanggang hawak kamay lang kami. No hugs, no kiss.

" How dare you"  tinaas ko ang kamay ko to stop her.

" Andito lang naman kayo, may ipapakita ako"    sabay taas ng kamay ko hawak hawak ang biodata ng kapatid ko.

" Jasper is my brother, my twin actually" 

        Lumapit ako kay Alicia at hinawakan ang bibig niya. 

" You really have a beautiful mouth, kaya lang bulok na, try mo kayang iparenovate to, baka sakaling bumango, i know a great PLASTIC  surgeon" 

         Nakita ko ang kamay niya Alicia na papalapit sa mukha ko, pero pasensya siya, ive trained martial arts since i was a kid, kaya napigilan ko siya.

" Ouch"    reklamo niya ng higpitan ko ang pagkakahawak ko

" Matagal na kitang pinagtitimpihan, kaya lang sinagad mo eh"      sa sobrang inis ko tinulak ko siya dahilan ng pagkatumba niya, nagkaroon pa nga ng galos ang kamay niya.

" Yaspie"   saad ni Edison pero hindi ko siya tiningnan.

" Pasalamat ka Alicia at nagiging mabait pa ako sayo, dahil kung hindi, hindi lang ang aabutin mo"

" You bitch!"  tinalikuran ko lang siya at humarap kay Edison.

       Hinawakan ko ang pisngi niya. At ang sunod na ginawa ko ay hindi ko rin akalain na magagawa ko.  Hinalikan ko siya sa labi niya na alam kong pati si Edison at Alicia ay nagulat. Pasensya na Edison hindi kita idadaan sa sampal. Trip ko lang talaga ang sweet punishment.
        I kissed him passionately, pero nung naramdaman kong tumutugon na siya sa halik ko, tumigil na ako. Kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Napangisi ako.

" Were over right, i was just giving you a goodbye present"
      Tumalikod na ako at handa nang gawin ang sexiest exit.

" Yaspie!" napatigil ako dahil sa tawag ni Edison, hinarap ko siya.

" By the way Edison, dont call my brother gay,  if you havent notice, hes way more handsome than you, wag mo masyadong itaas yang tiwala sa sarili mo"
          Nginitian ko sila ng sobrang tamis bago ko lagpasan silang dalawa.

" Yaspie lets talk about this" rinig ko pang saad ni Edison bago ako makalabas ng pinto.
     Tiningnan ko sila sa huling sandali bago tuluyang umalis. Narinig ko pa na sumigaw sa inis si Alicia.

        Napangisi ako sa galit. Ginusto niyo ito kaya ibibigay ko sa inyo, humanda kayo dahil nagsisimula pa lang ako. Makikita niyo kung paano ako magalit.

--------------------------------------------

here it is...
Sana nagustuhan niyo
Vote, comment.
Follow me, ill follow back

Thank you
         

TWINS QUEST: Crossroad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon