Chapter 12: Revenge

34 5 0
                                    

ZEUNI POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZEUNI POV

         Wala akong oras na sinayang, pagkarating agad namin sa airport ay agad akong dumiretso sa ospital. Naabutan ko na naguusap sina ate Yaspie at Kuya Jasper, pumasok agad ako sa loob ay doon ko nakita ang kapatid ko na nakahiga sa mamahaling hospital bed at maraming nakakabit na aparatus sa katawan niya.

         Ilang segundo ring nawalan ako ng hininga. Shit! Paano nangyari to! Lumapit ako sa kanya.

" Eumi" mahinang sambit ko.

" Shit!!! " di ko napigilang mapasigaw.  Paano nangyari to!!

      Di ko napigilang mapaluha dahil sa nakita ko. Walang malay si Eumi at halos di na gumagalaw ang dibdib niya.  Shit!!!  Dapat kase hindi na ako pumunta ng amerika.

" Zeuni" napatingin ako sa tumawag saakin si Ate Eumi at mga kapatid ko. Wala si dad baka nasa baba.

     Tumayo ako at lumapit sa kanila.

" Kailangan mong malaman ang nangyari ate Zeuni" panimula ni Xhian.  May inabot siya saaking iPod. Kinuha ko iyon. Clinick ko yung video. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
      Si Eumi pinagtatapunan ng arina.

" Shit!! "  sigaw ko at tumingin kay Xhian.

" Ano to? " galit kong tanong.

" Shes being Bullied at school at Zeuni,"

" What!! Bakit hindi niyo sinabi saakin"  naluluha kong tanong

" Nangako ako kay Ate Eumi na hindi ko sasabihin, nagmakaawa siya kaya wala akong nagawa, sorry ate Zeuni hindi ko nagawang ipagtanggol si Ate Eumi"

" Sinong may gawa nito?" i said between my teeth

" Zeuni!"  napatingin ako kay kuya Jasper. Tumaas kase ang boses niya.

" Calm down okay,  magpahinga ka muna, kakauwi mo pa lang"    Napayuko ako.

" Paano ako makakapagpahinga kung alam ko ang kalagayan ng kakambal ko"

" Sa tingin mo ba yun ang gustong mangyari ni Eumi, Zeuni hindi siya matutuwa sa ginagawa mo.  Might as well take a rest okay baka kung ano namang mangyari sayo "   Napabuntong hininga na lang ako.

" Alright" saad ko na lang.

" Umuwi ka muna ng bahay ay magpahinga kami na muna dito" Pahayag ni Ate Yaspie. Tumango na lang ako. 

       Hinatid ako ng driver namin pauwi, pagdating ko ng bahay ay Dumiretso agad ako sa kwarto ni Eumi. Sabay nun ang pagkarinig ko ng kotse ni Shian. Kakauwi lang din nila.

      Humiga ako ng kama.  At dahil sa napuno ng katahimikan ang kwarto ng kakambal ko, biglang pumasok sa isip ko yung video na nakita ko. Napuno ng galit ang utak ko. Shit!!  Sa oras na malaman ko kung sino ang may kagagawan nun kay Eumi magbabayad siya.  Kung sa tingin nila mapapalagpas ko ito, pero nagkakamali sila.

     Halos dalawang taon akong nawala rito at wala ako sa mga oras na kailangan niya ng magtatanggol sa kanya, hindi na ako aalis sa tabi niya. Pagbabayaran niya ito.

---------------------------------------

---------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SHIAN POV

        Andito ako ngayun sa croosroad academy, oo pagkagising ko agad sa umaga ay sumama ako kay Xhian papuntang school. Gusto ko kasing makita yung babae. Si Patricia, ewan ko simula nung eksena namin kahapon di na mawala na isip ko.
   Napatingin ako sa nametag niya, and besides i have an excuse para makita siya. 

" Patricia" bulong ko.

         Buong araw akong naghintay sa school pero wala akong Patricia na nakita, hindi na siya pumasok. Napabuntong hininga na lang ako, baka bukas pumasok na siya.

       Isang araw na ang lumipas pero di ko pa rin siya nakikita. Hanggang isang araw na naman, at isa pa.

    Halos magaapat na araw na akong ganito ang ginagawa ko,  pero di ko pa rin siya makita. Napailing ako

" Ano bang ginagawa ko? "  mahina kong tanong sa sarili ko.

" Pwede ko namang ibigay sa office ah" Shit!!   Napakamot ako ng ulo. Bakit gusto kong ako mismo ang magbigay sa kanya.
    Napatayo ako habang ginugulo ang buhok ko. Nababaliw ako sa kakaisip kung bakit!! 

       Pati sarili ko Kinakausap ko.  Asan kase ang babaeng yun.

Bumalik ako sa pagkaupo. Pinikit ko ang mata ng sandali.   Ano ba talagang ginagawa ko?!! 
   Pag mulat ko ng mata, hindi ko Alam kong totoo ba ang nakikita ko.  Finally after four days of waiting.  Nakita ko si Patricia na papasok sa building, tumayo ako para puntahan siya. Kaya lang biglang tumunog cellphone ko.
    Kinuha ko iyon at sinagot habang nakatingin pa rin sa babaeng hinihintay ko.

" Hello" sagot ko sa telepono

" Shian si Ate Eumi dinala SA emergency room"  Shit!!!    Bigla akong napatakbo papunta sa kotse at pinaharurot ito. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagpapatakbo ko.  Nang makarating ako sa ospital nakita ko agad silang lahat na walang humpay ka kakalakad kung saan man dahil sa sobrang pag alala. Pati ako di ko narin malaman kung gaano kabilis ang paglalakad ko sa sobrang pagaalala. Ate Eumi is very important to us.

" Saan ka galing?" tanong agad saakin ni Xhian pero hindi ko siya sinagot. Ayokong malaman nila na nandito si Ate Eumi sa ospital samantalang ako ay nandoon at naghihintay sa isang babae, hindi ko man lang malaman kung bakit ko ginagawa.

" Anong nagyari kau ate Eumi " tanong ko na lang

" Bigla na lang kasing di huminga si Ate Eumi, Shian paano kung may mangyaring masama sa kanya" hindi na napigilan ni Xhian ang iyak niya.  Niyakap ko ito.

" Wag kang magalala, walang mangyayari sa kanya, tahan na"

         Lumapit saamin si Ate Zeuni.

" Xhian i need to talk to you"  kinilabutan ako sa tono ni Ate Zeuni, sobrang lamig ng boses niya.  Tumango lang si Xhian at sumunod dito.

        Ano kayang pinaguusapan nila? Sana wag naman gumawa ng kung ano si Ate Zeuni, kilala ko siya, pagdating kay ate Eumi gagawin niya ang lahat para sa kakambal niya.
       Theyre like one soul in two bodies.

-------------------------------------------

     One in two!!?

Pls vote guys, comment kung ano ang masasabi niyo

TWINS QUEST: Crossroad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon