Chapter 15: Second Chance

41 4 0
                                    

YASPIE POV

" Ate" napatingin ako sa mahinang boses na tumawag saakin. Nanlaki ang mata ko

" Eumi!? " gulat kong saad. Ngumiti siya. Napatayo ako bigla.

" Jasper! Dad! Guys!!! Eumi is awake" sigaw ko. Lahat naman silang biglang napapasok ng wala sa oras sa room ni Eumi.

"Eumi!!!!!!!" biglang sigaw ni Zeuni at napayakap rito.

" A-ah"

" Ay sorry" natatawang saad ni Zeumi.

" Your here" mahinang sambit ni Eumi. Hinayaan muna namin silang magusap. Lahat naman kami nakahinga ng magising na siya.

" Lets go, labas muna tayo, Lets give them privacy," suhestiyon ko at niyaya sila sa labas ng room.

Sinara ko ang pinto ng room niya.

" Yaspie" tawag saakin ni Jasper, and napatingin ako sa kanya

" Bakit?" sinundan ko ang tingin niya Jasper, at halos mamula ang mukha ko nang makita ko kung sino ang tinitingnan niya.

" Edison"mahinang sambit ng pangalan niya.

" I need to talk to you Yaspie" sabi niya .

" Wala tayong dapat pagusapan Edison" saad ko at tinalikuran siya.

" Come on Yaspie hear me out" hindi ko namalayan sinusundan niya na pala ako.

" At bakit naman Edison, ano pa ba ang dapat nating pagusapan, malinaw na sa atin ang lahat diba"

" Yaspie"

"Yaspie...." pareho kaming napatingin kay Jasper.

"... May problema ba?" tanong niya. At alam kong seryoso siya.

" Wala naman Jasper, nagpaalam lang si Edison" sabi sabay tingin sa kanya.

" Sige na umalis ka na" baling ko rito at naglakad papunta sa direksyon ni Jasper at nagsimulang maglakad paalis.

Tsk. What is he doing here? Hindi ko mapigilang mainis, ano naman kayang kailangan niya.

" Anong ginagawa niya dito? " biglang tanong saakin ni Jasper

" Bakit gusto ka niyang kausap"

" Ewan ko, pero wala akong balak makipagusap sa kanya" sabi ko na lang at napabuntong hininga.

.................

" Dad kailangan ko munang pumasok, may exam kami ngayon" paalam ko kay daddy habang inaayos ko ang gamit ko. Halos isang linggo din akong di nakapasok, dahil sa nangyari kay Eumi, at saka di ko pa kayang humarap sa pagmumukha nila Edison at Alicia.

" Sige anak, take care"
Lumapit ako kay Eumi at hinalikan ang noo niya.

" Mauuna na ako okay, take care" tumango lang siya.

Sumakay na ako sa kotse at pumunta na sa crossroad academy.

Bago ako pumasok sa loob, naglabas muna ako ng hininga. Pagpasok ko, siya agad ang nakita ko. Naglakad ako papasok na parang di ko siya nakita. Pero ng dumaan ako sa may upuan niya, di man lang niya ako tiningnan at parang di kami magkakakilala. Psshh... Ano bang pakialam ko kung di niya ako pansinin, dapat nga lang yun, sa ginawa niya saakin, walang kapatawaran ang ginawa niya.

Umupo ako sa upuan ko, at sinalpak ang earphone ko. Kinuha ko ang libro ko at nagreview. Pero di pa ako nag lilimang minuto ng umiksena si Alicia.

Kinuha nito ang libro ko at itinapon na sahig. Napatingin ako sa kanya. Pero di ko parin inaalis ang earphone ko ganda pa naman ng kanta " Hate" by 4minute.

" Sa wakas nagpakita ka na, we have an unfinished business" pero dahil ang lakas ng tunog sa tainga ko di ko marinig ang sinabi niya.

" Akala mo ba panalo kana" bigla akong Napapigil ng tawa ng sumabay sa beat ng kanta ang maarteng galaw niya.

" Fuck!!!!" sigaw niya sabay hablot ng earphones ko. Napatingin ako sa kanya, at ngayon seryoso na ako.

" Ano sa tingin mo ang nakakatawa" galit niyang saad. Pero walang salita ang lumabas sa bibig ko kundi isang matinik na tingin ang itinapon ko sa kanya.

" Hoy sumagot ka, akala mo kung sino kang maganda para ganyan ang tingin mo sa saakin, baka nakakalumutan mo iniwan ka ng boyfriend mo!! " ng sambitin iyon ni Alicia, napatingin ako kay Edison, nakita ko sa postura niya ang pagkagulat.

Tumayo ako at tiningnan si Alicia.

" Naiinggit ka saakin Alicia" walang halong tanong kundi purong pahayag. Nakita ko ang pagkagulat at pagkainis ng nerves niya. Napangisi ako.

" Ako naiinggit sayo, huh! In your dreams, hindi ka maganda, ni hindi ka nga sexy at isa pa iniwan ka ng halos perpektong boyfriend, so ano ang ikakaiggit ko" lumapit ako sa kanya.

" Wag ka ng mahiya Alicia, Aminin mo na, alam ko naman eh, kaya gustong mong masira kami ni Edison, para maging kayo, gusto mo si Edison kaya ganun na lang ang pagkadespirada mo. Well i do admire your persistence, lalo na para malampasan ako"

" Bitch!! "

Napatawa ako ng mahina.

" Look heres the deal Alicia, ako na mismo ang aamin na pangit ako at mas maganda ka if ever na.... " inilapit ko ang bibig ko sa kanya at bumulong

"... If ever na mapasaiyo si Edison, dahil kung bumalik siya saakin, ano na lang ang mukhang maihaharap mo" bulong ko.

Tinulak niya ako palayo.

" Sa tingin mo ba di ko iyon magagawa, hah!! Humanda ka Yaspie dahil kapag nagawa ko iyon, ano na lang ang mukhang ihaharap mo" ngumisi ako

" Edi ang mukhang kinaiingitan mo" i tease.. Pero bigla na lang siyang Tumalikod at umalis.

Nawala ang ngisi ko ng makaalis siya at napunta kay Edison ang tingin ko.

Bakit ba kase nangyare ito sa atin Edison? Okay na sana kaya lang...

Napabuntong hininga na lang ako bago umupo ulit sa upuan.

-----------------------------------------------

Pagkatapos ng exam namin nagpaiwan ako sa classroom at napayuko sa lamesa ko. Kahit anong gawin ko para maitago ang totoo kong nararamdaman, hindi ko pa ring maiwasang masaktan.

" Shit!!!! " I curse.

Bakit ba kase sa dinami dami ng sitwasyong ibigay saatin, ganito pa, masaya na sana tayo kaya lang sarap patayin ni tadhana. Ano ba kasing drugs ang natira nun, iyan tuloy, baliw kung magbigay ng lovelife!!!!Psshh!!!!

" Yaspie" naitaas ko ang tingin ko. Biglang huminto ang paligid ko ng makita ko kung sino ang sumambit ng pangalan ko.

" Edison "

" I want to talk to you"

Hindi ko Alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin makuhang igalaw ang katawan ko. Mistulang huminto ang oras sa paligid ko at ayoko nang gumalaw pa ito. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya namiss, kung gaano ko siyang gustong makausap at makasama.

Paano kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon ang kami?! Second chance Huh! That doesnt even exist.

" Yaspie... I want you........"

------------------------------------------------

And i love you, love you, love you
And i miss you, miss you, miss you

Pls vote and comment guys.
Thanks a lot

TWINS QUEST: Crossroad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon