two
﹏﹏﹏
third person’s
Sa ilang oras na naging byahe ni Wonwoo, at sa ilang oras na walang sawang pangungulit ng higante niyang katabi, pilit na pilit itong hindi pinapansin ni Wonwoo.
Todong volume at todong page-emo na ang ginawa niya habang nakatingin sa mga ulap. Gusto naman niyang magbasa kaso baka mahilo at masuka lang siya.
“Mahilig ka sigurong magbasa, ‘no?” tanong na naman ng katabi niya. Gustong-gustong paikutin ni Wonwoo ang mata niya at sabihing, “Hindi ba halata?”
“Pipe ka ba? Marunong akong mag-sign language!” sabi nito habang malawak na nakangiti. Na parang siya ang pinaka-“great” na tao sa loob ng eroplanong ‘to.
At para sa who-knows-what na beses, hindi siya muling pinansin ni Wonwoo.
Para namang naging boses ng anghel ang boses ng piloto ng magsalita ito para sabihing pababa na ang sinasakyan nilang eroplano. Tahimik na napabuntong hininga si Wonwoo dahil sa wakas, mawawala na sa tabi niya ang nakaka-iritang nilalang na ‘to.
Ilang minuto pa ang lumipas, at tuluyan nang nakababa ang sinasakyan nila, at unti-unti na ring pinapababa ang mga pasahero. Habang inaayos ni Wonwoo ang bag na dala-dala niya sa loob ng eroplano (na wallet, gadgets at puro libro lang naman ang laman), napansin naman niya na biglang nawala ang lalaking maingay. Mabuti na rin ‘yun. Balik payapa ang buhay ni Wonwoo.
Medyo mabigat ang mga dalahin ni Wonwoo. Tatlong sobrang laki na mga maleta, dalawa para sa mga damit at sapatos. Isa para sa sandamakmak na libro (na sigurado naman ni Wonwoo na maayos ang pagkakalagay para hindi magkaro’n ng kahit anong damage dahil book is lyf).
Agad siyang lumabas. Sa pagkakaalala niya, may isang sasakyan na susundo sa kanya papunta sa dating bahay ng kanyang lolo’t lola. Matagal-tagal na rin no’ng huli siyang pumunta rito. Wala na rin naman itong silbi dahil patay na ang lolo niya. Pinilit nilang sinama ang kanyang lola sa Seoul, kaya caretaker na lang ang nakatira ngayon dito sa isang probinsya sa Pilipinas.
Habang naghihintay, napatingin si Wonwoo sa mga pamilyang kanina pa naghihintay para sa kanilang kamag-anak. Kitang-kita naman ang mga saya sa kanilang labi nang nayakap nang muli ang isang myembro ng pamilya na siguro, matagal-tagal ring nawala.
Natigil sa pag-iisip si Wonwoo ng biglang may isang ‘di ganu’ng katandaan na lumapit sa kanya. “Hijo, ikaw ba si Jeon Wonwoo?” tanong nito.
Agad tumango si Wonwoo at maliit na ngumiti. “Ah, opo.”
“Aba! Ang laki-laki mo na talagang bata ka. Ang lalim-lalim na rin ng boses mo. Naalala ko pa tuloy no’ng mga panahon na pinagtitimpla pa kita ng paborito mong tsokolate na turo sa’kin ng asawa ko. Hindi ka na bumalik simula namatay si Ricardo.” Si Ricardo ay ang kanyang lolo. Isa itong kalahating Pilipino at Koreano, ngunit dito pinanganak sa Pilipinas. Sa Korea lang sila nagkakilala ng kanyang lola. “Aba. Natatandaan mo pa rin ba ‘ko?”
“Opo. Kayo po si Lolo Jose, ‘di ba? Basta po masarap na tsokolate, kayo po agad ang unang pumapasok sa isip ko.”
“Nambola ka pang bata ka. Hala, sige. Halika na at makapag-pahinga ka na. Inayos ko na ang kwarto mo doon.”
Tipid na nagpasalamat si Wonwoo sa matanda. Habang nasa biyahe. Nagkwe-kwentuhan ang dalawa sa maraming taong nakalipas ng huli silang magkita.
“Hindi mo pa pala nakikilala ang asawa ko. Sabi ko nga sa’yo noong bata ka pa, siya ang may gawa ng tamang timpla para sa pinaka-masarap na tsokolate na lagi kong pinapainom sa’yo. Noong bumalik kasi siya sa probinsya, ay kakaalis niyo lang nu’n kasama si Syeonji. Tapos, ngayon ka lang ulit bumalik.”
“Sa bahay pa rin po ba kayo nakatira?” tanong ng binata.
“A, hindi na. Naka-lock na lang lagi ang bahay niyo. No’ng nakatanggap ako ng tawag sa’yo, ay humingi ako ng tulong sa mga tauhan ng kainan ng asawa ko para linisin ulit ang bahay niyo.”
“May restaurant na po kayo?”
“Restaurant na nga ata talaga ang tawag sa simpleng kainan na ‘yon. Dati, simple lang ito, hanggang sa dinadayo na talaga ang mga luto ng asawa ko kaya ayun, gumanda na lahat ng kagamitan at dekorasyon. Mas lalo na itong dinadayo lalo na ng mga nagbabakasyon sa kalapit na mga resort.”
“Siguro po sobrang sarap ng luto ng asawa niyo.”
“Hindi siguro, sigurado,” pabirong tugon ng matanda. “Pagkatapos mong magpahinga, ipapatikim ko agad sa’yo ‘yung luto niya. Tutal, ayan na ang bahay niyo,” sabi nito sabay turo sa isang bahay na hindi kalayuan.
Nang inihinto ng matanda ang kotse ay agad naman nila itong pinagtulungan upang maipasok sa loob ng bahay.
Nang tuluyan na nila itong naipasok sa dating kwarto ni Wonwoo, ay biglang nagsalita ang matanda. “Oo nga pala, Wonwoo. Nakalimutan kong magpaalam sa’yo.”
“Po? Aalis po kayo?” nanlalaking matang tanong ni Wonwoo.
“A, hindi, hindi! Hihingi lang ako ng pabor.”
Agad tumango ang binata bilang pagsang-ayon. “Ayos lang po. Ano po ba ‘yun?”
“E kasi hindi pa naayos ‘yung kwarto do’n sa bahay namin, para du’n sa dating alaga ng asawa ko. Kung pwede sana dito muna siya makitira? Ilang linggo lang naman.”
Thoughts of having a housemate bothered Wonwoo. Aaminin niya, noong mga panahon na nasa Seoul siya, bilang lang ang kaibigan niya, ‘yung iba, medyo ilang pa siya. Tapos malalaman na lang niya na may kasama siyang titira dito sa bahay, at silang dalawa lang? Nakakatakot para kay Wonwoo.
Pero kung iisipin, hindi siya makakatanggi. Sa dinami-dami ba naman ng utang na loob niya rito. Halos ito na ang mag-alaga sa lolo’t lola niya ng mga panahon na wala sila dito, pati na rin ang pag-aalaga sa kanya no’ng bata pa siya.
“A–Ah, ayos lang po.”
Malaking ngiti ang isinukli sa kanya ng matanda. “Salamat! Baka siguro, makakarating siya bukas dito. ‘Wag ka mag-alala, madaldal naman ang batang ‘yon kaya hindi ka mabo-boring.”
Mas lalong kinabahan si Wonwoo. Shit! Madaldal?! Isa lang ang ibig sabihin no’n, non-stop siya nitong kakausapin. Knowing Wonwoo, isa siyang awkward slash masungit na emo.
Naputol lang ang pagpapanic niya dahil sa ingay ng isang tricycle, na huminto sa harapan ng bahay ni Wonwoo. Kasabay ng pagtunog ng cellphone ng matanda.
“Naku, Wonwoo! Mukhang napaaga ata ang pagdating ng alaga ni Mirna. Ayos lang ba?”
Wonwoo absentmindly nod his head, at sabay silang lumabas para salubungin ang ‘bisita’.
Tumakbo ang matanda para tulungan ang isang matangkad na pigura, para maipasok rin ang kagamitan nito sa bahay. Nang nasa pintuan na sila, kung saan nakatayo lang si Wonwoo, ay agad binaba ng matanda ang maleta.
“Ah, Wonwoo. Ito nga pala ‘yung alaga dati ni Mirna, si Kim Mingyu. Mingyu! Dito ka muna makikitira, siya si Jeon Wonwoo.”
Lahat ng kaba ni Wonwoo ay napalitan ng pagkairita. Sino bang hindi? ‘Yung kulit ng kulit sa kanya sa may eroplano, at ang lalaking kaharap at makikitira sa bahay niya ng ilang linggo, ay iisa lang.
“Oh! Hi, emo hyung!”
Wonwoo deeply sighed. This vacation will surely be his cause of death.
﹏﹏﹏
— pinipilit ko po talagang maging less than 1000 words kada chapter para hindi boring kapag sobrang haba.
— ang pormal masyado ng mga tagalog na ginagamit ko. shems.
![](https://img.wattpad.com/cover/104208055-288-k419966.jpg)
BINABASA MO ANG
just me and you・meanie [slow updates]
Conto❝changing me by you is the least thing i've ever imagined.❞ ৲ dont_wanna_cry © 2017 / first installment of indirect square series