four

64 7 24
                                    

four

﹏﹏﹏

third person’s

Tahimik ang buong bahay nang pumasok si Wonwoo, tanging ang mga ingay mula sa tv lang ang maririnig. Kaso, parang wala namang nanonood dahil walang tao sa sala, ni hindi rin nakabukas ang ilaw.

Dumiretso siya sa kusina, dahil ito lang ang tanging nakabukas ang ilaw sa buong bahay. Kaso, isang tulog na Mingyu ang naabutan niya na nakatungo sa lamesa.

Nandu’n pa rin ang mga pagkain na sa tingin niya ay ‘yung niluto ni Mingyu para sa kanilang dalawa. Mukhang masar— hindi natapos ang boses sa utak ni Wonwoo nang biglang tumunog ang tiyan niya. ‘Yung almusal niya lang ata bago siya umalis ng Seoul ang huling kain niya. Sino bang hindi magugutom?

Dahan-dahang kumuha si Wonwoo ng plato’t kubyertos (para hindi magising ang maingay, at baka asarin pa siya na matapos ang ‘galit’ scene nila kaninang hapon, ay kakainin ni Wonwoo ang luto niya. No way).

Habang kumakain, hindi maipagkakaila ni Wonwoo na may iba sa luto ni Mingyu. Kakaibang lasa na wala sa pang-araw-araw niyang kinakain. Tiningnan niya ang sahog, pero pareho lang naman ng karaniwang laman.

Napasarap ang kain niya, ni hindi namamalayang gising na si Mingyu at tinititigan lang siya.

“Sarap ‘no, emo hyung?” Halos mabitawan ni Wonwoo ang pagkakahawak sa kutsara’t tinidor dahil sa biglang pagsalita nito.

Huminga ng malalim si Wonwoo, saka pabagsak na binitawan ang kubyertos. “Nawalan ako ng gana.”

“Pabebe ka pala, emo hyung. Noted!”

“Anong noted?”

“Mental notes kung ano ang mga characteristics mo. Halata naman na hindi ka ‘yung klase ng tao na maga-adjust para lang sa iba.” Okay, may point siya.

“Akyat na ‘ko,” paalam ni Wonwoo.

“Wait! Hindi mo ba uubusin muna ‘yang pagkain mo? Masama ‘yan, hyung.”

Wonwoo hissed. “Nawalan nga ako ng gana.” Mingyu rose up from his seat at hinawakan ang magkabilang balikat ni Wonwoo at sapilitan itong pinaupo ulit.

“Kumain ka d’yan. Punta na ‘kong kwarto. Alam ko namang naa-awkward ka sa’kin. Gwapo ko kasi. Shet,” sabi ni Mingyu habang may pa-pose pose pa na parang namromroblema.

“Hangin.”

“Gwapo lang. Kumain na lang d’yan, hyung. Aangal ka pa, e. Baka parusahan ka pa ng isang Goddess kasi mapanirang puri ka sa mga gwapong ginawa niya.”

Akmang tatayo na talaga si Wonwoo dahil nasusuka na siya sa pinagsasasabi ng higante na ‘to, kaso bigla na naman siyang pabagsak na pinaupo nito. “Hep! Kain!” sabi nito at tuluyan nang pumunta ng kwarto niya. Thank goodness.

Kaso... bumalik na naman. Hays.

“Nga pala hyung, pagkatapos mo d’yan, kahit ‘wag mo na hugasan, matulog ka na agad. Pupunta tayo bukas kela Tatay Jose. Mga bandang alas-kwatro ng umaga.”

“Bakit ang aga?”

Mingyu smirked. “Tuturuan ka raw niyang magtanim.”

Tumawa si Mingyu sabay takbo palayo, leaving Wonwoo behind habang medyo nakabukas ang bibig dahil sa shooktness. Pero agad din sinara nang ma-realize na pwedeng pasukan ito ng langaw. ‘Wag na lang.

Tinuloy ni Wonwoo ang pagkain habang nalulunod na naman sa kaiisip ng mga iba’t-ibang bagay. Hanggang sa maisip niya na naman ang naging usapan nila ni Mingyu.

Bakit parang kung makaasta siya, parang hindi kami nagsagutan kanina? Is it normal for him na maging casual lang kahit katatapos lang ng away at parang walang nangyari? No one knows.

And again, he forgot to ask the boy how the hell he got his freaking number. Na sa pagkakaalala niya, never niyang binigay sa binata.

———

“Emo hyuuuuuung! Rise and shineeeee~ Bangon na! Lalayas na tayo~” Mingyu woke Wonwoo up by constantly knocking on the door.

Wonwoo didn’t respond. Ayaw niyang bumangon. Ayaw niyang sumama kay Mingyu. Ayaw niyang pumunta kaila Lolo Jose. Ayaw niyang magtanim!!!

“Emo hyung~ Tayo na d’yan~” Naramdaman na lang niya ang presensiya ng nakakabata sa tabi niya at pilit siyang ginigising.

“Lumayo ka sa’kin bago kita masapak.”

“Kunwari natakot ako,” pabalang na sagot ni Mingyu. “Tayo na d’yan! Joke lang naman ‘yung pagtatanim, e! Nakalimutan mo atang pinapapunta tayo ni Tatay Jose du’n! Kaya bangon na, emo hyuuuuung!!!”

Napaupo si Wonwoo mula sa pagkakadapa niyang pagtulog, sabay palo kay Mingyu ng unan. “Emo hyung!!!” reklamo ng nakababata.

“Nakalimutan mo na naman ‘yung rule ko! Bawal pumasok dito sa kwarto ko, ‘di ba?! Tsaka, isa pang rule, ‘wag na ‘wag mo ‘kong gigisingin!”

“Hyung—aray! Tsaka ‘di ba? Kailangan nating pumunta du’n.”

“Bigyan mo ‘ko ng magandang rason para tumayo dito, at pumunta du’n? Ha?!”

“Uh... kasi sabi ni Tatay Jose?” patanong na sabi ni Mingyu. “Hep hep hep hep! Hyung! Tama na! Masakit na ‘yang palo mo! Tayo na! O gusto mo ako mismo magpaligo sa’yo?”

“Gago. Labas na.”

“‘Yan, beri gud,” sabi ni Mingyu sabay labas ng kwarto ni Wonwoo. Bahala siya sa buhay niya. Matutulog ako.

Unti-unting bumabalik si Wonwoo sa pagkakatulog. Hindi na niya namalayan, naramdaman na lang niya ang pag-angat niya sa ere pero wala pa rin siyang pakialam. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang malamig na tubig sa buong katawan niya.

“Tangina... MINGYU!”

“O, edi nagising ka na rin sa wakas. Honest ako hyung. Ginagawa ko lahat ng sinasabi ko.”

“Tangina ka. Mamaya ka talaga sa’kin!” nanggagalaiting tugon ni Wonwoo.

“HAHAHAHA—SHIT, EMO HYUNG! MALAMIG!” mura ni Mingyu nang bigla na lang siyang basain rin ni Wonwoo.

“Gago. Lintek lang ang walang ganti.”

“A, ganu’n? Hinahamon mo ba ‘ko? Hmm, hmm?”

“Hoy, gago! Joke lang—TAENA.”

“Hyung, alam mo bang masarap maligo lalo na’t mainit? Pero mas masarap maligo kapag kasama ako. Mas umiinit,” sabi ni Mingyu habang tinataas-taas pa ang kilay.

“Aba. Gago nga talaga,” bulong ni Wonwoo. “Malunod ka sana.”

“Hala, bad ka, emo hyung. Tsk tsk—asdfghjkleodjwi.” Bigla kasing tinapatan ni Wonwoo ng shower sa mukha si Mingyu. Aba, medyo harsh, ho.

“Maliligo na ‘ko! Labas na!” Sabay tulak kay Mingyu palabas.

“Ayaw mo talaga akong kasabay, hyung? Limited edition ‘to!”

“Limited edition mo ‘to. Bakla mo. Shete.”

“Bakla ka rin nama—”

“Isa pang salita mo, lilipad lahat ng gamit mo palabas!”

“Damot,” pagsuko na sabi ni Mingyu, at hindi na ulit ginulo ang naliligong si Wonwoo.

But Mingyu smiled at himself. Atleast, kahit isang araw pa lang kaming magkasama, medyo may progress na.

﹏﹏

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

just me and you・meanie [slow updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon