Episode 02: Biglaang Fan Meet

1.1K 42 12
                                    

DIDN’T PROOFREAD. SORRY FOR THE TYPOS AND GRAMMAR. :)

--------

“We’re really sorry for this.” Nakakailang ulit na sabi na ni Kris.

May dalawang sofa sa sala ng bahay. Nasa sofa na nakaharap sa direksyon ng pintuan ang Girls habang nakaupo naman sa katapat na sofa sina Suho, D.O, Kris at Lay. Nakatayo naman sa magkabilang gilid sina Xiumin at Luhan. Tanaw naman sa bintana sina Chen, Baekhyun at Chanyeol, na nasa labas pa ng bahay.

“Bakit parang wala si Tao?” Pabulong na tanong ni Che-ann na kanina pa paikot-ikot ang ulo sa kahahanap.

“Tao?” Tanong ni Lay na nakarinig pala sa sinabi niya.

Nagulat siya rito pero kinapalan na rin niya ang mukha para hanapin ang ultimate bias niya. “Sorry, but where is he?”

“Where’s Tao?” Tanong ni Lay sa ibang miyembro pero nagkibit balikat lang ang mga ito.

“Baka kasama ni Sehun do’n sa likod.” Sabi ni Pauline habang may tinuturo sa kusina. “Do’n ko kasi nakita sina Sehun e.”

Bigla namang tumayo si Che-ann at dali-daling nagpunta sa kusina.

“Sehun?” Tanong naman ni Luhan.

“Ah, yes. I saw Sehun there, on the kitchen’s window, he might be there with Tao.” Sagot ni Pauline sa kanya.

Sandali silang natahimik. Ang totoo niyan, hinihintay ni Suho na kumilos ang Girls dahil nga nagsabi sila na bibilhin nila ang stocked foods ng mga babae. Ang kaso lang, na-star struck sila’t hindi makatayo sa kinauupuan.

“I...I guess I should go and check Che-ann. I’ll also prepare your... orders? No, your... food, yeah, your food.” Pahinto-hintong sabi ni Pauline.

Hinatak niya sina Rechiel at Elyzza para samahan siya sa kusina.

“Grabe... hindi ko alam kung ano’ng--sht, Che! Ano’ng ginagawa mo dyan?” Gulat na tanong ni Pauline.

Nakita nilang nakatayo si Che-ann sa gilid ng lababo’t nakatanaw sa labas. Tumingin ito sa kanila’t mabilis na lumapit kay Elyzza, at hinatak ‘to sa pwesto niya kanina.

“Sht, Elai! Si Gege! Elai! Si Gege ko, nasa labas! Nasa labas ang gege ko na naka-sando. Elai, naiiyak na ‘ko!” Tuloy-tuloy na sabi ni Che-ann sa kaibigan habang nakatanaw pa rin sa bintana.

Sinilip nilang lahat ang mga lalaki. Magkakasama sina Sehun, Kai at Tao na nakatayo sa labas. Walang ginagawa, tambay pogi lang.

“Ewan, nasa sala ‘yong gege ko e.” Reklamo ni Elyzza.

“Ang gwapo pala ni Kai ‘no?” Sabi ni Rechiel, hindi pinapansin ang sinabi ni Elyzza.

“Kaya nga naging artista e.” Sagot ni Pauline sa kanya’t naaalala niya ang dahilan kung bakit sila nandito. “Hala, aayusin ko nga pala ‘yong pagkain nila.”

“Bibigyan mo talaga?” Tanong ni Rechiel.

“E babayaran naman! Kawawa naman kasi sila, hindi sila makapunta sa palengke.” Sagot ni Pauline na nagsisimula nang mag-ayos ng pagkain.

“Lutuan na lang kaya natin sila?” Alok ni Elyzza.

“Magaling namang magluto si D.O, ‘di ba?” Tanong ni Rechiel.

“Wala, para kasi sana sweet.” Sagot ni Elyzza.

“Nako, ‘wag na! Sayang pagod ang dami kaya nila, plus tayo pa. Pagbilhan na lang natin sila muna ngayon tapos ipagluto na lang natin next time.” Sabi ni Pauline.

EXO: Missing in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon