Episode 12: And Their Reason...

539 19 3
                                    

Nagising si Kris na nakahawak pa rin siya sa mukha ni Elyzza. Pinagmasdan niya ng ilang sandali ang mukha ng dalaga. Halo-halo’t hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya.

Napatingin siya sa oras, alas sais pa lang. Halos alas dos na sila nakatulog. Buti na lang sanay siya sa puyatan.

Pagkatapos no’n napatingin na naman siya sa dalaga.

“Ano ba ‘tong ginagawa ko?” Mahinang tanong niya sa sarili... in Chinese.

Napakamot siya ng batok at humarap na lang sa kabilang direksyon, sa sala. Gustuhin man niyang tumayo ay hindi pwede, ang higpit kasi ng pagkakatali ng kamay nilang dalawa kaya ang hirap tanggalin.

Maya-maya pa’y nakita niyang nag-uunat si Chanyeol kaya tinawag niya ‘to.

“Yeol!”

“Mmm?”

“‘Lika dito!” Tawag niya na may hand gestures pa.

 Tumingin sa kanya si Chanyeol at nagsimula ‘tong pumunta para sa kanya, half-awake. Naglalakad na si Chanyeol nang mapansin niyang parang hindi siya makausad.

“Oo nga pala.” Sabi niya pagkakita kay Baekhyun na nakatali rin sa kamay niya.

 Hinila niya na lang rin ‘to papunta sa kusina.

 “Ano ba ‘yon?” Tanong niya habang naghihikab pa.

 “‘Wag ka masyadong maingay. Pakuha naman ng gunting o kutsilyo dyan. Hindi kasi ako makapaghilamos kasi magigising siya.” Mahinang sabi ni Kris kay Chanyeol.

Ginawa naman ng huli ang utos ng isa at bumalik ulit siya sa sala at natulog. Oo naman, hila-hila pa rin niya ang tulog na si Baekhyun.

Tinanggal ni Kris ang pulang ribbon na nakatali sa kanila at naghilamos na siya. Napansin niyang namumula ang pareho nilang wrist ng dalaga. Iginalaw-galaw niya ang kanyang kamay habang inayos niya naman ang pwesto ng sa babae.

 “Maliligo na muna ‘ko.” Sabi niya sa sarili at iniwan si Elyzza sa kusina.
  
--------

Nagising si Suho dahil sa mabibigat na yabag ng paa na umaakyat sa hagdan. Tiningala niya ‘to at nakita ang buhok ni Kris.

“Kaya naman pala e. Higante pala ‘yong umakyat.” Sabi niya.

Natawa siya sa sinabi niya at ito ang naging dahilan kung bakit napagalaw si Renzele na natutulog sa tabi niya.

“Ay, sorry.” Sabay takip ng bibig.

Dahil hindi naman na gumalaw pa ang babae, marahil ay nakatulog nang muli, kaya tinanggal na rin ni Suho ang kamay sa bibig niya.

Sumulyap siya kay Renzele para makita kung nakatulog na nga ‘to. Matagal siyang nakatitig sa babae kaya’t naabutan siya ni Kris.

“Matunaw ‘yan.” Sabi nito pagkadaan at naglakad na papunta sa banyo.

Napangiti na lang si Suho. Tatayo na sana siya nang maalala niya ang tungkol sa ribbon na nakatali sa kanila.

Oo nga pala, isip-isip niya, gusto ko pa namang magpalit ng damit.

Bigla namang napasandal ang ulo ni Renzele sa kanya kaya naputol ang pag-iisip niya ng pa’no siya makapagpapalit ng damit.
  
--------

“Aray!” Sigaw ni Chen nang matapakan siya ni Kris.

“Sorry, ‘di sinasadya. Matulog ka pa, maaga pa.” Sabi ni Kris sa kanya’t nagpatuloy ‘to sa pagpunta sa banyo.

Ginawa naman niya ang sinabi ni Kris at sumiksik sa tabi ni Rechiel na mahimbing na natutulog.

Nagising si D.O sa pagsigaw ni Chen. Halos wala kasing isang feet ang layo nila sa isa’t isa.

Napahawak siya sa ulo niya dahil sumasakit ‘to. Tumingin siya sa oras napabuntong hininga.

“Ang aga pa pala! Ano ba’ng nang--”

Naputol ang sasabihin niya ng biglang umayos ng yakap sa kanya si Jessica. Napatingin siya rito, bigla niyang naalala ang naging usapan nila kagabi ng dalaga, at pinilit na matulog muli.

“Bahala na.” Mahinang sabi niya habang niyayakap pabalik ang dalaga.

--------

Pagkatapos maligo ni Kris ay napagpasyahan niyang magluto. At totoo niyan, hindi siya marunong. Pero dahil prito-prito lang naman ay susubukan niya.

“Pa’no ba ‘to?” Tanong niya habang nakatingin sa super kalan.

Dahil sa ingay na ginagawa ni Kris sa kusina, nagising si Xiumin. Dahil sa konting paggalaw niya ay nahalikan niya ang natutulog na si Marcery. 0.000001mm lang kasi ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa.

“Lagot.” Bulong niya habang pilit na ginigising ang kanya sarili.

“Kris!” Tawag niya.

“Kris!” Tawag ni Suho.

Bumango siya’t umupo. Nagkatinginan silang dalawa ni Suho at napailing pareho.

Pumunta naman si Kris sa sala. “Oh, bakit?”

“Nagluluto ka?” Sabay na tanong ng dalawa sa kanya’t tumango naman siya.

“Nako...” Bulong ni Suho.

“Patanggal naman oh.” Sabi naman ni Xiumin habang tinuturo ang tali.

Pagkatapos na tanggalin ni Kris ang ribbon. Kinuha ni Xiumin ang gunting at tinanggal na rin ang mga nasa kasama nila. Isa-isa na rin niya ‘tong ginising.

“Susunugin na ni Kris ‘yong bahay, tulog pa kayo.” Sabi niya sa mga ‘to.

“Sensya ah. Tulog pa kasi kayo.” Sagot naman ng isa.

Habang naghihikab at nagkukuskos naman ng mata ang ilan, nagsabi si Suho na, “Hatid niyo sa kwarto nila ‘yong mga babae. Kawawa naman, dito na sa sala natulog.”

--------

Kahit inaantok pa, maingat na binuhat ni Luhan si Christina paakyat.

Sangnamja.

Napahinto lang siya nang nasa pinto na siya ng kwarto dahil hindi niya ‘to mabuksan.

“Sehun.” Tawag niya sa nakababatang kasunod niya.

Lumapit naman sa kanya ‘to na dala-dala si Pauline. “Hindi mabuksan?”

Tumango siya’t si Sehun na ang nagbukas ng pinto.

Natatawang nilapag nina Luhan at Sehun ang mga babae. Nang palabas na sila, nakasalubong nila si Tao na buhat naman si Che-ann.

“Sa’n--Hindi naman sila obvious.” Comment ni Tao.

Magtatanong pa kasi sana siya kung alam nila ang kama ng bawat babae, pero dahil nakita niya na nakasulat ang mga pangalan at picture nila sa headboard ng mga kama ay hindi na siya nagtanong.

Hilig ng mga babae na magdikit ng kung ano-ano sa kung saan-saan. Nag-print si Elyzza ng mga pangalan at pictures ng mga ‘to para ‘di sila malungkot habang nagbabakasyon. Madalas kasi’y tinititigan o kinakausap nila ang pictures, posters, photocards, pins, basta nando’n ang mukha ng EXO.

Sa bawat headboard nila ay nando’n ang kanya-kanya nilang bias, habang ang mga picture nila Kai, Lay, Chanyeol at Baekhyun ay nasa pagitan ng mga kama nila.

Ayos, ‘di ba?

Binuhat at inilipat ng iba pang mga lalaki ang kanya-kanya nilang partner at nang matapos ay isinara nila ang pinto.

--------

“Bakit tayo nandito? Tulog pa tayo.” Sabi ni Kai sa kanila habang nakaupo sila sa mesa.

“Sumunod lang ako sa inyo e.” Sabi naman ng naghihikab na si Baekhyun.

“Ako rin e.” Sabi ni Kris na napigilan na nilang magluto dahil wala pa rin naman sila sa mood kumain.

Natahimik silang lahat. Ang iba natutulog na ng nakaupo o nakapatong ang ulo sa mesa.

“Ano’ng mga nangyari sa inyo kagabi? Sehun, narinig kong nagtatalo kayo ni Pauline.” Pag-o-open ni Chanyeol ng topic.

“Wala ‘yon.” Tipid na sagot naman ng isa.

“Narinig ko sabi mo nagseselos ka e.” Gatong naman ni Kris.

“Narinig ko lang naman sila Kyungsoo-hyung kaya napag-usapan rin namin.” Depensa ni Sehun.

Nabaling naman kay D.O lahat ng mata nila. Umiwas naman ‘to ng tingin.

“Gusto niyo na ‘yong mga babae?” Nagulat rin si Kai sa tanong niya.

Napatingin ang iba pa sa kanya’t natahimik silang lahat.

“Mababait naman kasi sila kaya hindi ko kayo masisisi.” Biglang sabat ni Lay.

Pagkatapos no’n ay wala na namang umiimik.

“Sorry ah.” Sabi naman ni D.O na kinagulat nila.

“Bakit?” Tanong ni Suho sa kanya.

“Basta.” Sagot lang nito.

“Fan kasi sila e.” Biglang sabi naman ni Suho, nabaling sa kanya ang tingin ng lahat.

“Ano naman kung fan sila?” Tanong ni Chanyeol sa kanya.

“Wala. Basta.” Sagot naman ni Suho.

“Alam niyo, hindi ko kaya maintindihan. ‘Yong totoo lang kasi, gusto niyo na ba ‘yong mga babae?” Tanong ni Baekhyun.

“Ang bilis naman kasi.” Sagot ni Tao at Sehun. Nagkatinginan ang dalawa’t napangiti sa nangyari.

“Katulad nga ng sabi ko kanina, mababait naman kasi talaga sila, maaasikaso, magaganda, lalo kapag ngumingiti, ‘di ba? Kahit ako napapahinto kapag ngumiti na sila e, lalo na si Che-ann.” Sabi ni Lay.

“Ano?” React naman agad ni Tao.

“O, tignan mo ‘yan, pinuri ko lang ‘yong babae nagre-react ka na agad tapos sasabihin mo ang bilis naman. E sa kinikilos mo, halatang nagugustuhan mo na siya e.” Sabi sa kanya ni Lay at mahina niyang binatukan si Tao na nasa tabi niya. “Binibiro lang kita, umamin ka na kasi. Wala namang masama.”

“Basta, ang bilis kasi.” Sagot naman ulit ni Tao, malakas na siyang binatukan ni Lay pagkatapos.

“Oh, ano’ng balak mo?” Tanong ni Kris kay Suho.

“Hindi ko alam.” Sagot naman ng huli.

“May gusto ka na rin do’n sa Renzele, ‘no?” Pang-aasar ni Kris sa kanya.

“Hindi ah, si Elyzza kaya gusto ko.” Sakay naman niya sa biro.

Natawa si Kris at bumulong sa kanya. “Suntukan na lang.”

“Basta ako, gusto ko si Chell.” Sabi ni Chen na nangingiti sa isang tabi.

“Oo na! Nakailang halik ka ba kagabi?” Tanong naman ni Suho sa kanya.

“Nakita mo?” Tanong ni Chen, tumango si Suho’t natawa siya. “Hindi ko nabilang e.”

“Ikaw, hyung, nakailan ka?” Tanon naman ni Tao kay Suho.

Napatingin sa kanya lahat tapos nagsalita si Chen, “Ikaw rin naman pala! Ayos ah.”

“Tapos mga hindi kayo makasagot kanina kung gusto niyo na sila. Napakautak niyo.” Sabi ni D.O sa kanila.

“Tulog pa tayo.” Aya ni Kai kay Sehun.

“Tara.” Sagot na rin ng iba at umakyat sila sa kwarto.

--------

“Hindi mo pa sinasagot ‘yong tanong ko, ano’ng plano mo?” Tanong ulit ni Kris kay Suho nang nasa kwarto na sila.

“Hindi ko nga alam--

“Sa tingin niyo ba dapat iwasan muna natin sila?” Tanong ng isa sa kanila.

Hindi na malaman kung sino dahil lahat sila’y nakatago sa kanya-kanya nilang kumot at kumukuha ng tulog.

“Bakit?”

“Pa’no natin sila maiiwasan kung kasama natin sila sa bahay?”

“May balak ba kayong makipagdate sa kanila?”

“Hindi ko alam.”

“Date?”

“Kung subukan na lang kaya nating hanapin ‘yong susi ng bahay tapos do’n muna tayo?”

“Tapos?”

“Kapag na-miss niyo--”

“Hindi ka talaga kasama?”

“Kapag na-miss natin sila, masaya ka na? Kapag na-miss na’tin sila, ibig sabihin, gusto na natin sila.”

“Gano’n ba ‘yon?”

“May naiisip ka bang iba pang paraan?”

“Wala.”

“O tumahimik ka dyan.”

“Tapos kung gusto rin talaga nila kayo, hindi sila papayag na aalis tayo.”

“Ang talino mo, Lay!”

“Thanks, alam ko.”

--------

Note: dingdongding! ^w^

May dilemma ako... basta... kasi... hahahaha! XD

Happy 2nd anniversary, EXO!
Happy 300th day, BTS!

EXO: Missing in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon