Episode 16: Note, Pineapple, Shirt, etc.

530 18 2
                                    

“Hindi nila tayo sinama...” Drama ni Suho pagkakita sa note ng mga babae.

Kaninang umaga, bandang alas nwebe, ay dumaan ang Girls sa bahay ng EXO. Uh-huh, sa kabilang bahay natulog ang mga lalaki.

Ayon na nga, dumaan ang Girls para dalhan ng pagkain ang EXO. Matagal-tagal rin silang kumatok pero walang nagbukas ng pinto kaya sila na mismo ang nagbukas nito.

Nasa kanila kasi ang susi ng bahay para naman ‘di na ‘to mawala.

Pagkatapos nilang maayos ang mga pagkain na dala nila, sinubukan pang gisingin ng mga dalaga ang EXO. Kaso dahil ano’ng oras na natulog ang mga ‘to, busy sa paglalaro sa PSP, ay halos tulog mantika ang mga binata.

At dahil gano’n na nga, nag-iwan na lang ng note ang Girls na nagsasabing:

Oppa, we’re down town
for the fiesta. Be back at
night~ ^w^

♡ The Girls

P.S. Don’t lock the door if
you’re all outside. 아라써?


“Hyung! Dapat sumama tayo sa kanila. Sabi sa Google, ang fiesta daw ay festival! Malamang masaya do’n!” Pangungulit ni Chanyeol.

“Madaming pagkain do’n na pwede nating i-try!” Sabi ni Chen.

“Masaya siguro ang fiesta dito sa Pilipinas... sayang ‘di ko na-experience.” Sabi naman ni Lay.

“Suho-hyung, nagpaparinig talaga sila sa’yo. Pansinin mo naman!” Sabi ni Tao.

Hindi pa rin sila pinansin ni Suho dahil busy ‘to sa pagtanaw sa labas ng bintana. Maya-maya, pumunta ‘to sa kwarto at lumabas na hawak ang lock ng maleta niya.

Sinusundan naman siya ng tingin ng mga kasama niya. Actually, kagigising lang nila’t kumakain pa lang. Lumabas siya at sinara ang pinto, agad rin naman siyang pumasok muli.

Pumasok muli siya sa kwarto at lumabas nang may kausap na sa cellphone.

“Are you going to the market?” Tanong niya sa kausap.

“Wait, I’ll ask them. Ecka, dadaan ba tayo ng palengke? Ah, do’n ba talaga tayo pupunta? Malay ko ba. Oppa, we’re going there.” Sagot nito.

“Buy me pineapples.” Sabi nito.

“Okay.”

“What time do you think you’ll be in the market?”

“I don’t know. We’ll go to Jessica’s parents first. But I think, after lunch. Why?”

“Ahhh. Text me if you’re in the market so I can call you.”

“Okay, okay.”

“Bye, Zele~” Paalam niya sa kausap na si Renzele pala.

Umupo siyang nakangiti at nagsimula nang kumain. Nakatingin naman ang mga kasama niya sa kanya pero ‘di niya ‘to pinapansin.

Ang kaso nagtagal pa ng ilang minuto na nakatitig lang ang mga ‘to sa kanya kaya nailang na siya.

“Akala ko ba gusto niyong pumunta sa fiesta? Bilisan niyo nang kumain tapos maligo na kayo.” Sabi niya sa mga ‘to.

“Kkaebsong~” na lang ang nasabi ni Baekhyun at nakangiti ‘tong kumain.

--------

Sobrang inaantok pa si Luhan kaya naiinis siya sa apat na nakatoka sa direksyon na pupuntahan nila.

Ayaw niya talagang natutulog na katabi ang iba pang members dahil may maingay talaga sa kanila, kahit tulog. Dahil nga ‘di nga nakatulog ng maayos, gusto niyang umidlip sa sasakyan...pero ‘di niya magawa.

EXO: Missing in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon