Prologue

53 11 5
                                    


Matapos kong maisalansan ang aking mga gamit sa aking maliit na maleta, inilibot ko muna ang aking paningin sa apat na sulok nitong kwarto ng aking tinutuluyang dorm. Napapikit ako matapos maalala ang mga karanasan na ang kwarto mismo ang nakasaksi. Naikumyos ko ang aking mga kamay. 'Tama na, masakit na'



'Babe, alam mo bang nakikita ng aking mga mata na tuwang-tuwa itong kwarto mo? Tignan mo parang sinasabi niyang napakaswerte mo daw sa akin. Gwapo, matangkad, matalino, at mayaman.'



Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluhod dahil sa mga alaalang naisip ko kasabay ng pagragasa ng aking luha.



'Ansarap sa pakiramdam na napaibig mo ako, even na nung una napakahirap mong suyuin dahil daig mo pa ang bato na walang nararamdaman. Tapos ng una rin kitang makilala akala ko noon ay isa kang serial killer dahil napakatahimik mo. Hehehehe.'



Yang mga matatamis mong ngiti, masarap sa pakiramdam, nakakagaan at nakakadagdag ng kagwapuhan.



'Alam mo ba kung ano ang pangarap ko? Yun yung makasama kita HABANGBUHAY. Yung tipong pakakasakalan kita at ipaparamdam ko sa'yo na napakasarap magkaroon ng pamilya?'



Please... Please ayoko na



Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko at hindi ko na muling nilingon ang silid na iyon sapagkat lubos akong nasasaktan at nadudurog kapag tinignan ko pa iyon. Mabilis akong nagtungo sa sala upang magpaalam sa aking mga kasama.

"Oh.. Eirine?? " bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla matapos tignan ang mga dala ko.  "Saan ka pupunta? Napaaga ata ang bakasyon mo. Hahaaha." Natatawang dagdag niya pa.

"Tsk! E-I-R-I-N-E, Eirine hindi AIRINE, tagal mo na akong kasama ay hindi mo pa mabigkas ang pangalan ko? Hahahaha!" pilit na tawang ang ibinigay ko matapos ay tumingin ako sa kanya bakas sa kanyang mukha ang magkahalong lungkot at pagkadismaya. "Bakit??" kibit-balikat kong tanong.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "May problema ka ba? " tinignan niya ang mga mata kong nagbabakasakaling mahanap ang kasagutan sa kanyang tanong. "May problema ka ba kako? O di kaya kayo ni Adrian?, F*ck sagutin mo naman ako please oh." Batid kong nadismaya siya sa akin.

Bumuntong hiniga muna ako at pigilan ang mga luhang nagbabadya ng kunawala.

"O-oo" pautal kong sagot

"Ah? Bakit anong nagyari? " nagtatakang tanong niya matapos umupo sa isang sofa at iginaya niya ang kanyang kamay na nagsasabing umupo rin ako sa sofang malapit lang sa kanya.



Matapos kong umupo ay buntong hiniga ang aking pinakawalan bago ko isalaysay ang mga nagyari nung araw na iyon.



"Aalis na ako, mag iingat ka dito at pakisabi kay Dave na umalis na ako. Basta kaya ko ang sarili ko. Amerika lang yun no, kaya kong makipagsabayan sa kanila gamit to" turo ko sa aking sentido at nagpaalam na sa kanya



"Ohsya, sige na. Mag-iingat ka ah. Tawagan mo ko kapag andoon kana." Malungkot niyang tugon

"Sige. Baka malate pa ako sa flight ko."



Inihatid na niya ako hanggang labas ng gate at animo'y nagmamakaawang huwag nalang lumisan ngunit binigyan ko lamang siya ng ngiti at kumaway ako matapos kong sumakay sa taxi.



"Manong sa airport po"

Tumingin ako sa labas at kaunting natawa matapos tignan ang kalangitan. Makulimlim at uulan pa yata. 'Mukhang makikisabay kapa sa drama ko.'

Mabilis lumipas ang byahe dahil pati yata ang traffic ay nakisabay sa drama. Nagmadali akong pumasok sa airport ngunit kusa akong napalingon sa gawing aking dinaanan iinisip kong sundan niya ako o di kaya pigilan lamang ngunit malabong mangyari iyon.











'Hanggang sa muli nating pagkikita. Babe

     

            - The Man Hater         (Eirine)

















"Hurt is a part of life. Hurt also a key to changes our life. Not to revenge, not to fight but to figure out our self."


For important updates and question follow me on:

Facebook:
http://www.facebook.com/antoncornelmiranda

Twitter: @antonmiranda7

Instagram:
@itsme_anton

Don't forget to VOTE, COMMENT and ENJOY.

anthon_tonthon👓

The Man Hater Meet The CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon