Kabanata 1

34 5 0
                                    

Eirine Pov

*Tok *Tok *Tok

Nagising ako sa magkakasunod na katok sa aking kwarto. Napapihit ako at deretsong napatingin sa pinto.

O_O

'Aalis pala ako ngayon. Luluwas ako ngayon.'

"Takte. Baka late nako." Gulat na napabalikwas at tumayo upang buksan ang pinto. "N-Nay" malamya kong sambit.

"Akala ko'y bubuhusan pa kita ng tubig para magising ka." Sarkastikong sabi niya.'Magaling Nay. Kakagising ko lang!.'
"Aba'y late ka na, anong oras ang alis mo? At pag dumating ka doon bumili ka ng orasan ah!"

"Nay! Alas-sais po. Tapos po..."

"Aba'y nanu kang oras makalako nung makatulala ka pa ken" pagputol niya sa sinabi ko at walang sinayang na segundo at punasok sa banyo.

Translation: *Anong oras ka niyan makakaalis at nakatulala ka diyan?

Habang nasa banyo ako ay iniisip ko ang mga posibleng mararanasan at mararamdaman ko sa Manila. Oo, Manila dahil balita ko ay nakakatakot ang lugar na ito. Maraming masasamang tao at higit sa lahat ay hindi pangkaraniwang lugar kumpara sa probinsyang ito. Natinag ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang boses niya na nagsasabing nakahanda ng agahan. Minadali ko ang pagligo ko at nagbihis na't minadali ko ang pagbaba. Laking gulat ko ng tignan ko ang labas. 'Madilim pa, anong oras na kaya'

O_O
'Alas-singko palang'

"Maaga kitang ginising, dahil ang alam ko ay malayo ang Pampanga sa Maynila." Sabi niya sabay simsim ng kape. "Kamusta na pala kayo ng boyfriend mo?" Saglit niyang ibinaba ang tasa at tumingin sa akin ng deretso upang mahanap ang sagot sa kanyang tanong.

"W-wala na po kami, nakipag-break p-po siya nung isang buwan pa." Batid kong nagulat siya sa sinabi ko. Ayoko ng isipin pa muli yung mga masasakit na araw na iyon. Buong gabi ko siyang iniiyakan. Oo, gabi lang dahil makakahulat si Nanay kapag umaga at tanghali akong umiyak. Tsk! Masakit pero tama na rin iyon. Tama na muna sa pag-ibig na iyan. "Hayaan niyo na Nay, batid kong may dahilan siya kaya ganon."

"Okay, pero sana ay may natutunan kana diyan sa pinagagawa mong pakikipagrelasyon habang nag-aaral ka." Sinserong pangaral niya.

"Hay, Nay hindi na bago sa akin ito no. Hindi ko man sinabing mali ang iniwika mo ay hindi na ako matututo." Sabi ko hanag nagsalin ng tubig sa aking baso, ayokong magkape baka hindi ako makatulog sa biyahe. "Ako toh 'Nay si Eirine sanay na sa ganyan. Tama na ang paulit-ulit na sakit. Simula ngayon ako ay isa ng Man-Hater."

Hindi na muling nagsalita ang aking Ina at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat at pagkadismaya dahil sa sinabi ko. Ako to eh...

Ako si Eirine Lane Villanueva, isang taong nainlove at nasaktan at naging Man-Hater. Isang babaeng simple kung manamit, simple kung makipag-usap ngunit may halong paggalang. Masasabi kong maswerte na kami at ako kung anong meron kami; isang simpleng tahanan ngunit puno ng pagmamahal. May malambing akong INA at masipag na TATAY. Nag-iisa akong anak ngunit hindi ako tulad ng iba na SPOILED ng kanilang mga magulang kontento na ako sa pagmamahal nila.

'Hayyy.. Naiisip ko palang na malayo sa kanila para na akong susuko pero dahil gusto kong tuparin ang pangarap nila at pangarap ko'

"Hoy." Panggulat ni Nanay upang bumalik ako sa reyalidad. "Mukhang malalim-lalim ang iniisip mo ah."

"A-ahhh. Wala po iyon Nay." Nauutal kong sambit. "Ano po pala yung tinatanong nyo 'Nay?"

"Sabi ko, saang paaralan ka mag-aaral."

"Ahhh... Sandali po kukunin ko lang po yung nasa envelope." Mabilis akong umakyat sa taas upang kunin ko iyon nang makuha ko ay mabilis din akong bumaba.

"Anong school anak?"

"Ah. FSU po Nay. FUZI STATE UNIVERSITY." Isang sikat at pribadong eskwelahan. Tanging mga mayayan at may kaya sa buhay ang mukhang nakapapasok sa ganitong klase ng paaralan.

"Anak. Mag-aalasais na baka mahule ka sa byahe."

"Ahm... sige po Nay. Pakisabi kay Tatay na aalis na ako." Sabay halik sa pisngi at yinakap ko siya ng mahigpit. "Mamimiss ko kayo, mag-iingat kayo palagi Nay."

"Mag-iingat ka rin, wag mo kaming aalahanin dito kaya namin ito." Sabay yakap ulit sa akin

Matapos mapagpaalam ay sumakay na ako sa tricycle papuntang bus station hindi nga ako nagkamali dahil marami-rami na rin ang mga taong nakasakay doon. Iba't-ibang mukha ang nandoon mga sosyalera, karamiha'y naman ay mga tulad kong estyudante o yung tipong kaedad ko at higit sa lahat ay mga bakasyunistang nagpunta sa aming lalawigan. Pilit na ngiti ang ibinibigay ko sa mga taong nakatingin sa akin. Pumuwesto ako malapit sa bintana, sumandal muna ako bago ipikit ang aking mga mata ngunit sandali akong napamulat ng may isang babaeng nakapamaywang na nagtanong.

"Hi. May nakupo na ba dito? Kung wala ay can I?" Malumanay niyang sambit

"Ah-ahh... Sure" nakangiti kong tugon

"Thanks"

Hindi ko na masyadong kinausap at inabala pa ang aking katabi gusto kong matulog upang hindi masyadong mahilo tutal ay malayo-layo rin ang Pampanga sa Manila. Bukod doon ay alam kong traffic ang ilang daanan nitong sinasakyan ko papunta roon kaya't mapagpasyahan ko munang matulog.

*Brisk *Brisk

Napitlag ako ng magvibrate ang aking telepono sa aking bulsa kinuha ko iyon at binasa ang laman

From: NANAY❤️❤️
Anak, nasa biyahe ka
na ba? Mag-iingat ka ah. Wag mong papabayaan ang sarili mo. Sige na, marami pa akong gagawin. Mag-ingat ka lagi. I LOVE YOU ANAK.
6:05 am

COMPOSE MESSAGE
TO: NANAY❤️❤️
Opo Nay, kakaalis lang po nang bus. Mag-iingat po ako lagi. Tska wag niyo pong papabayaan ang sarili nyo at ni Tatay. Sige po Nay. I LOVE YOU SA INYO NI TATAY.

Matapos kong replyan si Nanay ay mabilis na isinilid sa aking bulsa ang cellphone at pinagpatuloy ang aking pagtulog.

"Let our dreams take flight, because everything is possible."





For important updates and question follow me on:

Facebook:
http://www.facebook.com/antoncornelmiranda

Twitter: @Pancit2CanTon

Instagram:
@itsme_anton

Don't forget to VOTE, COMMENT and ENJOY.

Ps: CanTon_Pancit

The Man Hater Meet The CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon