Kabanata 4

20 1 0
                                    

Author's Pov

Hi, ako po muna ang magiging taga-pahayag ngayon. So, bale hinati ko yung mga point-of-view's ng mga TRIO FRIENDS

ARAW ngayon ng enrollment sa FSU, sinadya talagang magising ng maaga si Eirine dahil nakakahiya naman sa dalawa niyang kaibigang sina Lycka at Dave kung late siyang gigising dahil anong oras na sila nakatulog kagabi dahil sa kasarapan ng kwentuhan at kalokohan(Hahaha).

*Flashback *Flashback

Eirine's Pov

"Oh! Eirine, eto yung kusina tapos doon naman ang banyo" turo niya sa may paloob na pasilyo ng dormitoryo. "Tapos yung kwarto alam mo naman na diba?"

"Teka lang" hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan at kusa naman itong humarap. "Pa-paano mo nalaman ang mga ito? Diba  ngayon ka rin nakarating dito? I mean freshmen college tayo, ikaw?"

"Hahaha. Alam mo, bago ko sagutin yang mga tanong mo ay halika na't maghapunan muna tayo." Sabi niya at naunang tumungo sa kusina at sumunod naman ako.

"Good Evening Lycka" bati ng isang lalaking kakalabas lang ng banyo.

"Evening Dave." Bati naman nito pabalik. "Ahh... Dave eto pala si Eirine (Airine) kaibigan ko." Natawa pa ako ng palihim ng marinig ko ang pagbigkas nito sa aking ngalan.

"Hi. Dave nga pala." Tugon nito sabay abot ng kanyang kamay

"Hello. Eirine" at nakipagkamayan muna ako. Buti pa siya alam niyang bigkasin.

"Hep. Hep.. Tutal magkakilala naman na tayo dito at tayong tatlo na ang magkakaibigan ah." Sabat naman ni Lycka. "Ano Eirine, tutal ay nandito na tayo ay kumain na muna tayo, Hoy! Dave sabay ka na sa amin."

"Hindi na, kakain ko lang." Pagtatanggi ni Dave. "Kwentuhan tayo mamaya ah. Lycka sama mo na rin itong si Eirine para hindi ma-bored." Dagdag nito matapos uminom ng tubig at lumabas na ng kusina

Matapos makalabas ng kusina si Dave ay umupo naman ako ng maayos sa silya at humarap kay Lycka at tinitigan ko siya.

"B-bakit?" Nag-aalangang tanong niya

"Diba sabi mo magkukwento ka." Lintaya ko naman habang kumukuha ng kanin

"Ah-hh... ganito kase iyon. Matapos ibigay sa akin yung scholarship ay nagmadali akong pumunta ng Manila upang maghanap ng malapit na dorm sa FSU para..."

"Wait, F-FSU? as in Fuzi State University?" pagpigil ko rito at bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. "Doon din kase yung school na nakalagay sa scholarship ko."

"Haha.. What a coincidence diba?"

"Siguro nga. Hehe"

Matapos maghapunan ay pumunta muna ako ng kwarto upang kumuha ng damit upang maligo.

Lycka's Pov

Matapos ang hapunan at diskursyuhan ay nagpaalam muna itong si Eirine na maligo at dumeretso muna ako sa sala upang manood.

"Oh Lycka, nasaan si Eirine?" Tugon ko habang nakaharap sa telebisyon.

"Ayon naligo muna" tugon ko naman

"Ahh.. Ganon, ibang klase rin yang Eirine na yan no'. Tahimik tapos parang takot sa tao di katulad mo parang yung tao pa ang takot sa iyo. Haha!" Pabiro naman niyang sabi sabay peace sign pa.

'Tsk! Loko to' ah'

"Alam mo ako rin napapansin ko rin yan na sobrang tahimik, siguro naninibago palang dahil baguhan gaya ko dito." tugon ko naman. "Masasamay at masasanay din yan lalo na't may kaibigan na siya, tayo."

The Man Hater Meet The CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon