Kabanata 2

35 5 6
                                    

Adrian Pov

*Kring *kring *kring

"Hmm. H-hello" walang ganang kong sagot

"Uyyy. Brooooooooo!"

"Ano! F*ck umagang umaga daig mo pa ang babae kung makasigaw ah!" Bahagya ko pang inilayo ang telepono sa aking tenga dahil sa sigaw niya. "Ano? Bat napatawag ka?

"Kakamustahin lang sana kita. Mukhang kakagising mo lang ah."

"Oo kakagising ko lang at ikaw ang nanggising sa akin."

"Sorry naman. Ano? Kamusta ka naman na? Balita ko nandyan ka lang sa bahay nyo. Hahahaha" pabiro niyang tugon. "Ano nagpapaputi ka? Tang*na bro baklang-bakla ang ginagawa mo ah. Hahaha!"

"Gago! Wala lang akong balak na mag-gagala tulad mo. Daig mo pa si Dora kung saan-saan lumilibot." Ganti kong biro sa kanya

"Bwahahaah! Sige na sige aalis pa ako susulitin ko na ang bakasyon. Bukas daw ang enrollment."

"Alam ko. Nauna ko pang nalaman kesa sa'yo."

"Malamang sa malamang eh pamilya nyo may-ari eh. Sige na sige ibai..."

Hindi ko na siya pinatapos sa kaka-dada ibiniba ko na ang linya. Humiga muli ako sa aking kama upang matulog ulit ngunit bigo akong makatulog ulit. 'Bwisit!'

*Knock *Knock

"Pasok" walang gana kong sambit

"Chupoy. Gising ka na pala. Mag-agahan ka na daw pinapasabi ng Daddy mo."

"Manang, mamaya na po. Gusto ko pa pong 'wahhh' matulog" pasubali ko sabay hikab. "Tska Manang, magco-college nako't ganyan pa rin ang tawag mo? Hays. "

"Aba'y ngayon ka pa nahiya niyan ah! Jusko itang batang to oh. Sya sige sige bumaba ka na dyan kumain ka na doon." Sabay palo ng aking pwet at tska lumabas ng pinto.

"Hays!" Sabay kamot ko sa aking ulo at nagmadaling tumayo.'Tinatamad pa ako eh.' Nagstretching muna ako at jogging sa aking kwarto at nagmadaling pumasok sa banyo. At humarap muna sa salamin

"Shit! Ba't ang gwapo mo. Hays, tignan mo ang katawan mo. Panalo, Biceps, Chest at Abs mo oh! Gwapo ko talaga." Papuri ko sa aking sarili bago tuluyang naligo.

A/N: Paalala wag titignan ang larawan kung walang concern ng magulang. Hahaha.

Photo attachment:

Ako si Adrian Woo Fuzi, pangalan palang masarap ng pakinggan paano pa kaya kung itong katawan ko pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Ako si Adrian Woo Fuzi, pangalan palang masarap ng pakinggan paano pa kaya kung itong katawan ko pa. Hahahah!
Isang taong nasa kanya na ang lahat:

Gwapo,
Mayaman,
Hot,
Yummy,
Matalino at higit sa lahat Hot at Yummy ulit.

Ang Daddy ko ay nagmamay-ari lang naman ng dalawang Pribadong Unibersidad dito sa Pilipinas at sa America palibhasa'y mga nagsipagtapos ng Kursong Business Administration.
Ang Mommy ko naman ay isang Doctor sa America. Masasabi ko na ang buhay ko ay isang PERPEKTONG BUHAY. Sapagkat, nasa akin na ang lahat. Ewan ko ba, basta.

*Knock *Knock

"Chupoy este Adrian nakung bata ka. Bumaba ka na doon at mag-almusal na kanina ka pa diyan sa banyo." Lintaya ni Manang na hindi ko napansin na nasa loob na pala ng kwarto ko.

"Opo Manang, tapos na po akong magshower, bababa nalang po ako." Sabi ko hanag pinapatuyo ang aking buhok

"Ohsya, kung ganoon ay bababa na rin ako. Bumaba ka't magmadali may pag-uusapan daw kayo ng Daddy mo."

Hindi na ako tumugon sa sinabi ni Manang sa halip ay lumabas na akong banyo at tinignan ang aking sarili sa salamin.

"Chinito, Gwapo, Hot, Yummy at Sexy. Hahaha! Laki ng muscle mo" sabay palo sa aking braso. "Perfect ang pagkakabukol ng abs mo. Perpekto kang tao ang gwapong nilalang na ginawa at pinangalanang ADRIAN WOO FUZI." Natawa ako sa sarili kong papuri

Matapos makapagbihis ay dumeretso na ako sa dinning area. Hindi nga ako nagkamali nandoon si Daddy umiinom ng kape habang may binabasang CARD KO. Shet! Malagkit
Naagaw ko ang atensyon niya ng astang uupo at ngunit

"Good Morning son, kamusta naman ang tulog mo?" Bati niya habang pinasadahan lang ako ng tingin at ibinalik sa tinitignan niya

"Good Morning Dad, hmmm... bakit nasa inyo po ang card ko?"

"I just wanna check kung may mga failed kang subject I didn't expect that all of your subjects are 'passed" pagdidiin niya sa huling niyang sinambit

"D-dad? " nauutal kong sagot

"Why? Sa FSU ka mag-aaral right? Anong course ang kukunin mo?" Maatworidad niyang sambit

"Hmm. Either Accountacy or Business Management po Dad." Kaswal kong tugon

"I see, wala ka bang balak na mag-TEACHER? Im sorry disiplina pala ang kailangan doon." Napayuko ako matapos niyang sabihin iyon. " I have to go, Manang ikaw ng bahala kay Adrian."

"Oo, sige na baka malate ka pa." Tugon ni Manang

"Son?" Tawag ni Dad sa akin kaya mabilis akong tumingala

"Mag-iingat po kayo Dad" sabi ko at tumango lang siya bilang tugon doon.

Nang makaalis si Daddy ay pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si Manang bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.

"Pabayaan mo na ang sinabi ng Dad mo ganoon talaga iyon." Malungkot na sabi ni Manang marahil ay narinig niya ang mga sinabi ni Dad

"Sanay naman na ako Manang, parang walang bilib sa akin, bawat magandang kinalalabasan kukuwestyonin ka." malungkot kong sambit at astang tatayo. "Akyat na po muna ako Manang, magpapahinga lang po ako."

"Sige. Huwag mo na munang isipin iyon."

Tumango ako at umakyat papunta sa aking kwarto. At nahiga sa aking kama habang inisip ko pa ang mga sinabi ni Dad. Ganoon ba kaimposimble ang mga iyon para sa kanya. Yung bagay na tama ay parang kwestyonable sa kanya? Hayy, sabagay Matalino siya at marahil ma-alam. Hanggang sa mapapikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng nilamon ng antok sa kakaisip sa mga iyon.

The Man Hater Meet The CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon