UNEXPECTED MOMENT

2.4K 89 2
                                    

"ULAN! Gumising ka na diyan aba tanghali na!," pasigaw na sabi ng aking tita Ashley. Naalimpungatan naman ako sa sigaw ng aking tiya at inabot ang aking orasan ng hindi minumulat ang aking mata. Tamad kong binuksan ang aking mata at tinignan ang oras sa aking orasan.

"Alasyete palang naman," sambit ko hbang kinukusot kusot ang aking mata. Maya maya pa ay biglang lumaki ang aking mata at napatayo kaagad sa aking higaan.

"Alasyete na shet malalate na ko," Nagmamadali akong naligo at nagbihis ng aking uniform. Pagkatapos kong magbihis dali dali akong bumaba ng hagdan pero dahil sa may likas akong katangahan, nagpagulong gulong ako sa hagdanan.

"Aray ang sakit ng pwet ko," ungol kong sabi habang hinimas himas ko aking puwet. Ang sakit nang pagkahulog ko sa hagdan tumama yung puwet ko.

"Ayan! ayan napala mong bata ka di ba pinagsabihan kita na wag kang magbabasa ng libro hanggang madaling araw aba jusko ang linaw linaw ng mata mo. Ang kapal na ng salamin mo!," pasigaw na sermon sakin ni tita Ashley habang tinitignan ako na nakaupo sa sahig. Minsan may pagkaoa talaga ang tita ko pero kahit ganyan yan mahal ko yan.

"Opo tita hanggang 12:00 nalang ako nagbabasa kaya wag ka ng magalit," pagdadahilan ko at tumayo na. Hinihimas himas ko pa din ang aking puwetan habang papalapit sa mesa. Umupo na ako at kumuha na nang makakain.

"Mabuti na at nagkakaintindihan tayo Rain alam mo naman na ikaw nalang natitira sakin jusko kang bata ka naku naman oo," sambit ni tita Ashley habang pinagmamasdan akong kumain. Nagsimula nanamang magdrama ang tita ko oo.

"Hayy tita kaya mahal na mahal kita," pabola kong sambit at tumawa nang bahagya.

"Basta Rain wag kang magaasawa agad ahh?," sambit ni tita Ashley. Nabilaukan naman ako nang narinig ang sinabi niya. Napakaimpossible naman ata nang sinasabi ni Tita Ashley. Minsan ang sarap din batukan ng tita ko.

"Tita alam mo naman na-" pagdadahilan kong sabi nang biglang pinutol ni tita ang aking sasabihin.

"Oo alam ko na ang mga asawa mo yung mga libro at pag aaral mo i know," pagputol ni tita sa sasabihin ko. Minsan may pagkabastos din tita ko jusko hindi manlang ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Tama at wala sa isip ko yan tita kaya bye na pupunta na akong school," Inayos ko na ang aking uniporme at salamin bago tumayo.

"Okay okay sya at late ka na magiingat papuntang school rain," Paalala ni tita Ashley at hinalikan ako sa aking pisngi. Kinuha ko naman gamit ko at nagpaalam na kay tita.

"Opo tita sige po bye," Naglakad na ako nang mabilis at baka malate ako sa first subject namin ngayon. May quiz pa naman kami sa striktong teacher namin. Nakapasok na ako sa gate at naglalakad na papuntang classroom.

"Ano ba to ang gulo pa ng buhok ko," inis kong sabi habang nagaayos ng buhok. Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom nang marinig ko nanaman ang araw araw na bulungan ng mga chsimosa.

"Oo siya yan," bulong ng isang babae.

"Yung nerd na scholar yung kinakausap ng prinsipe natin," pabulong ding sagot ng kasama ng babae.

"Ang kapal ng mukha," sabay nilang sambit at inirapan ako bago sila umalis. Nasanay na ako sa mga bulung-bulungan at pagiirap ng mga babae dito sa school. Dahil lang sa kinakausap ako ng prinsipe nila, wala nga akong pakialam dun. Malapit na sana ako sa classroom namin nang biglang may nagtapon sakin ng slime. Napatigil naman ako sa paglalakad at tinignan kung saan galing ang slime at sino nagtapon neto. Nakita ko lang naman si Althea at mga alipores niya sa second floor.

Nang Dahil Sa Pintuan [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon