GIRL'S NIGHT

370 42 0
                                    

Brent's POV

Lumabas na ako ng silid ko at papunta na ako sa silid aklatan

Kasi doon daw ako kakausapin ng mahal na hari mabuti na yun at ng matanong ko si amang hari tungkol doon kay Axel

Hindi parin ako makapaniwala na kinalaban kami ni Axel sa pagkakaalam ko mabuting magkaibigan sila ng amang hari

Naabutan ko ang mahal na hari na nakaupo sa upuan kung saan siya laging umuupo

Amang hari....
Tawag ko sakanya

Anong nangyari dito ? Totoo bang may lumusob ?
Tanong ni amang hari habang hindi inaalis ang tingin niya sa librong binabasa niya

Opo lumusob ang grupo ng mga witches at may kasama pa silang ibang mga bampira at ang ikinabigla ko pa ay kasama nila si Axel ...
Pagkasabi ko nun ay biglang napatigil sa pagbabasa si amang hari at napatingin siya bigla sakin

Si Axel? Sigurado ka bang si Axel ang nakita mo?
Paninigurado ni amang hari

Opo amang hari at kinausap niya pa ako ..
Sagot ko kay amang hari

Ano naman ang sinabi niya sayo?
Tanong niya sakin agad ko namang naisip ang sinabi sakin ni Axel

Flashback

Ako nga mahal na prinsipe ...
Ngising sagot sakanya ng lalaking nagngangalang Axel

Pero bakit ? Di ba magkaibigan kayo ng Hari ? Bakit ?
Naguguluhang tanong ng prinsipe ng Zaclare

Magkaibigan ? Matagal na kaming hindi magkaibigan ng Hari ng Verid simula ng namatay ang pinakamamahal ko ..
Galit na sigaw ng lalaki

Anong kinalaman dito ng amang hari ?
Tanong ng prinsipe sa lalaki

Bakit hindi mo itanong sa pinakamamahal mong hari?
Sagot sakanya ng lalaki habang napangiti ng nakakaloko

End of Flashback

Ahmmm sinabi niyang kaya siya sumapi sa kalaban dahil sa namatay ang pinakamamahal niya at ikaw ang sinisisi niya mahal na hari ...
Sagot ko sa tanong ng mahal na hari

Natigilan siya sa sinabi ko at hindi umimik kaya nagtanong ako uli

Totoo ba yun mahal na hari ?
Tanong ko

Oo totoo yun ...
Mahinang sagot niya agad akong natigilan sa sagot ng mahal na hari

Bakit? Pinapatay niya ba ang pinakamamahal ni Axel? Ano ba ang nangyari ?

Pinatay niyo ba siya mahal na hari ?
Kinakakabahan kong tanong sa hari

Hindi hindi ko siya pinatay ...niligtas ako ni Lexin ...siya ang sumalo ng silver na dagger para sakin si Lexin ay isang protector dito sa kaharian natin namatay siya noong nagkaroon ng kaguluhan ...
Paliwanag ng hari nakahinga naman ako ng maluwag

Alam ko ang kaguluhan na iyon ...yun ang dahilan kung bakit magkagalit ang mga ibat ibang lahi dahil sa nangyari dati

Kaya inaasahan namin na ang mga babaeng nag galing sa mundo ng mga tao ...ang mga itinakdang babae ang tatawag sa Pinakamataas naming DIYOSA

Nang Dahil Sa Pintuan [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon