DOOR TO THE NEW WORLD

733 60 0
                                    

Rain's POV

"Ouvre la porte..."
Basa ko sa nakasulat sa pintuan ng basement daw namin

Pagkatapos kong basahin yun biglang umilaw yung pinto

"Ahhh nakakasilaw naman"
Sabay takip ko sa mga mata ko ng maka adjust na ang aking mga mata tinignan ko kung ano ang laman ng basement

"Ang dilim naman dito"
Sabi ko ng nakita ko ang loob ng basement may hagdan siya pababa kaso ang dilim kaya kumuha muna ako ng lampara sa may sala at sinindihan ito pabalik na sana ako ng kusina ng biglang

"Ahhh! Pusang gala!"
Nabigla ako ng biglang may sumulpot na pusa sa harap ko nakakatakot kulay itim pa ito

"Meow... Meowwwwww"
Sabi ng pusa at lumapit saakin
Dito ko nakita ng mas malapitan ang mata ng pusa ang ganda kumikislap na kulay green ang mata niya...

"Hello pusa anong pangalan mo?"
Sabay upo ko para mahawakan ko siya

"Meowww"
Bigla namang tumalon sa lap ko yung pusang itim

Kaya naisipan ko na dalhin nalang siya dun sa basement para may kasama ako
Bumalik ako ng kusina na buhat buhat ang pusa at lampara

"Miming"
tawag ko sa pusa na karga karga ko miming ang ipapangalan ko kasi di ko naman alam pangalan nito

"Nakakatakot naman dito di ba miming?"
Kinakausap ko yung pusa habang pababa sa basement namin

Ano naman kaya yung regalo sakin ni lola dito?
Agad kong binaba si miming ng makarating na kami sa dulo manghang-mangha ako sa aking nakikita punong puno ng mga libro ang basement namin

" Wow ang gaganda ng mga libro"
Agad kong kinuha ang isang libro sa isang shelf ng binuklat ko ito agad ko itong binasa kaso

"Ano nanaman ba ito? Ibang lenggwahe"
Inis kong binalik ang libro at naghanap pa ng iba

Napatigil ako ng mahagip ng aking paningin ang isang libro na may pangalan ko

"Rain Angel Ventrecard"
pagbasa ko sa nakasulat kaso nawierduhan ako sa nakasulat sa baba

"Girl in the Prophecy"
Huh? Anong girl in the Prophecy ? Langya may ganito pa pala kaso ang di ko maintindihan kung bakit may pangalan ko ito at may Ventrecard? Baka hindi naman ako toh kapangalan ko lang

Nilagay ko agad ito sa bag na dala ko papunta dito babasahin ko toh
Naghanap nanaman ako ng libro na pwede kong basahin pero ng kunin ko ang isang libro may biglang lumiwanag

May parang portal na lumabas

"Wow saan kaya papunta toh? Tatanungin ko si tita kung alam niya ito"
Agad kong kinuha ang bag ko at si miming bago pa ako umalis ay lumapit muna ako sa parang portal

"Hmm ano kaya nasa dulo nito"
Sabay lapit ko dito tutok na tutok ako dito

"Ang tagal naman"
Sabi ng kung sino sa likod ko

Wahhh O_O sino kaya toh
Akmang titignan ko na sana kung sino ang nasa likod ko

"Wahhhhh!"
Bigla akong nahulog sa portal and then everything went black

Ashley's POV

"Malapit na ang takdang panahon di mo na toh mapipigilan Ms. A"
Sabi ng taong kausap ko

Nang Dahil Sa Pintuan [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon