=DJ’s POV=
Malapit na silang dumaan sa may samin kaya nakatingin ako sa kanila. Lalo nadun sa Kath. Hindi lang pala tingin. Titig na ang ginawa ko sa kanya. Nagulat ako at napatigil sila sa may harap ko.
“Why are you staring!?” May biglang nagsalita. Hindi ko napansin kasi nga nakatitig ako kay Kath. Paulit ulit lang?
“A-ah eh-----“ Kay Kath pa rin ako nakatingin.Tinaasan niya lang ako ng kilay and gave a smirk. Sasagot na sana ako, buti na lang hindi ko na tinuloy dahil hindi naman pala ako yung sinigawan, yung lalaki palang nasa likod namin ni Mark na nakatitig din pa sa kanila.
“Why are you staring huh!? Gusto mo din bang magaya dun sa kanina!?” Miles.
“Hi-hindi..” Nauutal na sagot nung lalaki, napatungo na lang siya.
“Tabi nga!” Huling sulyap ko dun sa Kath at nahuli ko din namang napatingin din siya sakin. Binangga na lang nila yung lalaki at tulyan ng lumabas ng canteen.
“Whew! That was close.” Mark.
“Huh?”
“Akala ko kasi ikaw yung napansin nila. Mahilig pa naman mambully ng mga baguhan yung mga yon.” Mark.
“Actually, akala ko ako nga eh. Pero teka, pano nila malalaman na baguhan ako?.”
“Hahaha. They know everything about everyone. Kaya mag-ingat ka, basta if you don’t get in their way, safe ka.” Bilin niya pa.
“Hindi ko alam kung matatakot ba ko o matatawa sa mga naririnig ko eh. In a way, natatakot ako na makabangga sila pero kung hindi naman sila tama bakit ako matatakot. Kung kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko.” Paliwanag ko.
“Basta, iwasan mo na lang sila. Para wala na lang gulo.”
“Alright, hindi naman talaga ako magpapansin sa kanila noh. Sabi ko sayo, pag-aaral ang ipinunta ko dito.”
“Gaaaaa. Dude, wag ka masyadong magpakanerd. Buti na lang hindi halata sa itsura mo na nerd ka. Anyway, seryoso? Nakikinita ko naman gwapo tayo parehas, hindi ka pa nagkakagirlfriend?” Tanong na naman niya.
“Bat ba interesado ka?”
“Wala lang, parang wala nga kasi sa itsura mo.”
“Fine, nagkagirlfriend ako. isa lang, pero saglit lang din yun. Hindi naman nagtagal, last year yun. Three months lang ata kami. Ako din nakipagbreak, wala akong mafeel na pagmamahal eh.” Kwento ko kay Mark.