At dahil masaya ako ngayon, alam ng iba diyan kung bakit, nag-update ako. Haha.
HAPPY BIRTHDAY DEEJ! Omoooooo. Kinikilig pa rin ako sa paggamit ng DEEJ ni Chachee sa greeting niya. Sana hindi lang nagkamali si Kath. Hihi :"> Namiss ko tuloy ang ACJFL. <3 "CHACHEE and DEEJ" poreber. ;) ---->
Buti na lang medyo may pagkakahawig ang chapter na to sa ACJFL. ^^ Enjoyyy!---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=Still Kath’s POV=
.FLASHBACK.
Isang linggo matapos ang libing ng aking mga magulang, mag-isa na lang ako. Gusto na akong kupkupin nila Tita Karla pero ayaw ko. Ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto.
“Anak, sigurado ka ba na ayaw mong dito tumira sa amin?” Tito Rom.
“Opo, tito, kita niyo naman po na hindi na ako kilala ni D. Masakit po sakin yun.”
“Eh baka mas kailangan na andito ka para mas mapadali ang pag-alala niya sa mga bagay bagay. Pati na rin ang pag-alala niya sayo.” Tita Karla.
“Tita, hindi po, dapat siya ang tumuklas nun. Siya ang makaramdam na may kulang sa kanya. Lalayo na lang po muna ako tita. Nga po pala, binigay na po kasi sakin yung Last will nila Mama, ibinilin po nila sakin yung mga business namin, e kaso po ano namang alam ko dun? Kaya po, ibinibigay ko na po sa inyo yun. Kayo na po sana ang bahala.” Paliwanag ko.
“WHAT!?” Sabay na react nilang dalawa.
“Hindi namin matatanggap yan Kath, pinaghirapan ng magulang mo yan kaya dapat sayo mapunta yan.” Tito.
“Alam ko po pero gaya nga po ng sabi ko, wala pa ko masyado alam diyan.”
“Ok ganito na lang, sa ngayon kami ang maghahandle niyan. Pero promise mo na pagka-graduate mo ng college, kukunin mo samin ito. Ok?” Tita Karla.
“Pero tita, siyempre gugugol kayo ng panahon para sa business na ito, ano yun paghihirapan niyo tapos ibabalik niyo lang sakin? Ok lang naman tita, kayo na bahala.” Pagtanggi ko.
“Kathryn Chandria. Bestfriend namin ang mga magulan mo, alam namin ang makakabuti sayo, mamili ka, hahawakan naming ang business niyo pansamantala o hahayaan na lang natin na walang mag-aasikaso.” Tita.
“Hay, sige po tita. Promise po, babalik ako at kukunin ko din sa inyo pagkatapos ko ng kolehiyo.” Lumapit na ako sa kanilang dalawa at niyakap sila.
“Hindi ka na ba magpapaalam sa kanya?” Tanong ni tito sakin.
“Tulog po ba siya?”
“Oo, iha. Tulog, gusto mo gisingin namin?” Tita.