=DJ’s POV=
“San ka pupunta Kath!” Sigaw ni Jane. Nakita kong papunta si Kath sa direksyon ko mukhang aalis na. Hindi talga siya makatingin ng deretso sakin. Ni hindi makasulyap. Nakalampas na siya sakin na hindi ako pinapansin. Pero hindi ko na kaya to. Kelangan kong maliwanagan.
Bago pa man siya makalabas ng pinto ay hinila ko siya papalapit sakin. As in malapit. Kissing distance.
“Bakit mo ko iniiwasan ha?” Tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
“Bitiwan mo nga ako.” Utos niya sakin.
“Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo nililiwanag ang sina-----“
“WOOOOT WOOOOT! AYIIIIIEEEEE!!” Sigawan ng mga estudyante dun.
“Bitiwan mo ko, pinagtitinginan na tayo ng tao.” Pilit siyang kumakawala sakin.
“Ayoko. Magpaliwanag ka muna sa sinabi mo sakin. Yung sinabi mong MAHA----“
“BITIWAN MO KO! SUSUNTUKIN KITA!!” Sigaw niya pa gamit ang matinis niya boses. “Chicas help me!!” Sigaw niya pero ng mapatingin ako sa mga kaibigan niya pinagtatawanan lang siya ng mga kaibigan niya at napapailing sila.
“Im sorry sweetie. Mukhang hindi ka tutulungan ng mga kaibigan mo. Sumama ka sakin!”
=Kath’s POV=
Ano ba naman tong lalaking to, masyadong malakas. Hindi ako makaalis sa pagkakakahapit niya sakin.
“BITIWAN MO KO! SUSUNTUKIN KITA!!” Sigaw ko sa kanya, halatang narindi sa boses ko. “Chicas help me!!” Sigaw ko sa mga kaibigan ko pero nung tiningnan ko sila binigyan pa nila ako ng ngiti, more like tawa habang pinapanood ang eksena naming ni D. Mga napapailing pa.
“Im sorry sweetie. Mukhang hindi ka tutulungan ng mga kaibigan mo. Sumama ka sakin!” Ang higpit talaga ng hawak niya sakin.
“BOYS! Help me with this guy now!” Sigaw ko sa mga lalaking nanonood lang samin. Agad naman silang palapit para tulungan ako.
“Subukan niyo lang sirain ang eksena. Kami makakalaban niyo.” Sigaw ni Sue na pananakot sa mga lalaki. Humanay pa ang Chicas na hinarangan ang mga lalaki.
“WHAT!? BOYS! You know what I can do! I can make your life miserable here at the university pag hindi niyo ko tinulungan!” Pananakot ko rin sa kanila. Dali dali naman silang kumilos para tulungan ako. Pero medyo lumuwag ang hawak sakin ni D. At humarap siya sa mga lalaking tutulong sakin.
“Take one more step, ako ang makakalaban niyo. Hindi niyo gugustuhin pag nagalit ako.” Seryosong sabi niya. Agad namang umatras ang mga lalaki at nagtawanan lang ang Chicas. Bumalik na si D sa pagkakaharap sakin at hinila ako papaalis ng canteen.