Nakooo. Wag na po kayo magcomment ng update. Lagot kayo sa sisterloves kong si @mimireoma. HAHAHA. Ang sabi ko naman po sa inyo, mag-a-update ako, hindi lang madalas dahil may trabaho na si Ate.
Hindi ako galit ha? Nililiwanag ko lang sa mga nagtatanong. Okie? I hope enjoyin niyo ang bawat update ko kasi matatapos na ito. Mahal kayo ni author. Hihi :">
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=DJ’s POV=
Andito ako ngayon sa rooftop sa school. Tambay lang kasi wala kasi akong klase ngayon, more like nawalan. Eto kasi yung oras para sa Trigo subject ko, e kaso pwede na akong hindi pumasok kasi diba? Sinalba ako ni Kath. Dalawang buwan na ang nakakalipas.Hmmmm.
Kakaiba talaga ang nangyari simula nun, sinasabi ko sa inyo, imbis na maging masalimuot buhay ko dito sa university, parang feeling ko safe ako. Everytime na may nambubully sakin, may isang miyembro ng Chicas ang sinasalba ako. Hindi lang isang beses, madami na.
.FLASHBACK(01).
Naglalakad ako ngayon papunta sa klase ko. Kanina pa ako pinagtitinginan ng ibang estudyante. Malamang lamang alam ko na ang dahilan. Galit sila sakin. Habang naglalakad ako..
WOOOOOSSSSSHHHHH!
“What the!?” May nagbuhos sakin ng tubig. Basang basa ako ngayon kasama ang mga gamit ko. Pagtingin ko sa second floor isang grupo ng estudyante ang nagtatawan. Apat sila dun. Dalawang babae at lalaki.
“Sinong gumawa kay nerd nun!!? Show your faces!!” Isang boses ng babae pagtingala ko si Hopia.
“Si-sila po…” Turo ng ibang estudyante. Nilapitan niya yung nagbuhos sakin at kinuha yung timba na ginamit.
“Lagyan niyo to ng tubig! Punuin niyo bilis!” Utos niya sa isang estudyante. “Kayo! Wag kayong aalis diyan!” Sigaw niya sa mga nambuhos sakin.
At dahil may malapit na CR dun, mabilis nilang naibalik ang timba na may lamang tubig kay Hopia. Kinuha naman ito kaagad ni Hopia.
WOOOOOSSSSSHHHHH!
Ibinuhos niya ang tubig sa kanila.
“That’s what you get for messing with the wrong person!” Huling sigaw niya at umalis na din siya. Sinulyapan lang ako ni Hopia at mukhang taas kilay pa. Sabay alis na din.
.END OF FLASHBACK.
.FLASHBACK(02).
Nasa isang klase ako, classmate ko si Aria. Akala ko nga sa isang subject ko lang classmate ang mga Chicas, e halos lahat ng subject ko may kasama akong isa sa kanila. Nag-eexam kami ngayon. Sisiw lang. Siyempre, umiral na naman ang pagiging nerd ko.