prologue

9.6K 203 69
                                    


The Story of Another Us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Story of Another Us

prologue: when my fictional character came to life

It is on an average day when the extraordinary happens. Syempre, ganoon naman talaga. Magbabago lang ang takbo ng buhay ko kapag may dumating ng lalake sa buhay ko. (Ewwwwww!!)

But seryoso na, I have encountered extraordinary days but this one is extra-extraordinary

Before, there were three phases in my life:

1. I was already living an extraordinary life even before I became a published author. My family is well-off. I get everything that I want.

2. Then my book gets published. I suddenly got so popular in the writing world. I was signing books and taking pictures with fans.

3. Then I was a part of the movie production of my book, considered as one of the scriptwriters and cast director (for now), and working and actually earning my own spending money!

Point is, hindi ko kailangan ng lalake para baguhin ang takbo ng buhay ko. Nasaktuhan lang na sa pagkakataong ito, may isang tao na nagbitbit ng malaking bomba sa buhay ko.

And now, here we are in Phase 4: The day when my fictional character came to life.

Kasabay kong maglakad palabas ng simbahan itong kaibigan kong si Mica (pronounced as may-ka). He's gay. And everybody knows it and everybody's happy about it.

Tapos biglaan na lang may lumapit sa'kin na lalaking nakabarong. Mukhang driver kung hindi man ito na-late sa kasal niya kanina. He holds out a hand to stop us from walking. "Excuse me, ma'am. Kayo po ba si Kater Millian?"

"Opo," sagot ko. "Bakit po?"

"Kung pwede po ba kayong makausap ng boss ko?"

Muntikan nang mapaikot ang mga mata ko. Sino na namang artista 'tong manggugulo sa'kin? "Ah sige po. Saan po ba?"

"Doon po sana sa kotse. Kung okay lang."

"Uwi ka na," sabi ko kay Mica. "Balitaan kita mamaya."

"Pupunta muna akong org room." Tapos bigla niya kong hinatak at bumulong. "Kapag pogi yayain mong mag-merienda. Tapos text mo ko."

"Gaga ka talaga," pagtawa ko sabay pasimpleng batok. Isa si Mica sa mga nakakaalam kung sino ako. Okay, sabihin na nating sikat ako sa mundo ng pagsusulat but I'm no regular celebrity here in school. "Sige."

Simula nang ma-option ang libro kong The Story of Us para maging palabas kung sino-sino nang nakikilala kong artista. Mga nanliligaw para sa kanila ko ibigay ang role ni "Nic" o hindi naman kaya ni "Kat". Sabi nila, ang kwento ko daw ang magiging turning point of careers ng mga baguhang artista. Kaya kung ano-ano nang regalo ang natanggap ko at gaya nga nito, may mga biglaang random visit.

The Story of Another UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon