chapter four: i have a boyfriend.... you're my boyfriend, right?

4K 117 10
                                    

The Story of Another Us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Story of Another Us

chapter four: i have a boyfriend.... you're my boyfriend, right?


May mga araw na pagkagising mo masaya ka na lang bigla. Ito 'yung feeling na akala mo nakangiti sayo yung araw. Feel mo para kang model na nag-iinat sa kama mo. Parang may spring ang mga paa mo kapag naglalakad ka.

Ganyan ang feeling ko kinaumagahan ng araw ko kasama si Nic. Kahapon lang ba talaga nangyari lahat 'yun? Paano lahat nagkasya sa bente-kwatro oras?

Papunta doon akala ko makakakilala lang ako ng senador. Pag-uwi ko may boyfriend na ko. Sa'n ka pa? Iba talaga ako eh 'no? Okay, buhat-bangko.

Pero sabi din ng iba minsan ang kaligayahan panandalian lang. Paglabas ko ng kwarto ko sinalubong na agad ang ilong ko ng amoy na nakakagutom. Isa sa mga rason kung bakit gusto kong nagb-breakfast kasi masarap ang pagkain. Kahit gaano ako kapuyat noong nakaraang gabi, babangon talaga ako para kumain lang.

"Good morning!" bati ko pagdating ko sa kusina.

"Good morning," bati sa'kin pabalik ng lola ko. Tumutulong siya ngayon magluto sa lolo ko. Ganito sila araw-araw. Maagang gumigising at naghahanda ng makakain.

Another reason why I want breakfast? My grandfather cooks the best dishes. He was the chef de cuisine of a cruise ship before he retired. Which means, para ako laging nasa restaurant kapag kumakain. Another thing, my grandmother had developed a liking in baking when my grandfather stayed home for good. Kaya ayan, together forever sila hanggang kusina.

"Nasaan ka kagabi?" tanong ng lolo ko at nilapagan ako ng plato.

"Nasaan ka kagabi?" tanong ng lolo ko at nilapagan ako ng plato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hmmm. Looks good. Ha! Mah heart. Nagutom na me. "Uhm, pray muna."

Nagdasal muna kami nang makaupo silang dalawa. Hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan ang mga nangyari sa'kin kahapon.

"I have a new job," sabi ko habang hinihiwa ang pagkain ko.

"Saan naman?" tanong ni Lola.

"Uhm, everywhere?"

The Story of Another UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon