chapter three: are you seriously asking me that?

4.2K 135 16
                                    

The Story of Another Us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Story of Another Us

chapter three: are you seriously asking me that?


Minsan akala mo nananaginip ka lang pero minsan totoo na pala. Kadalasan mapait ang katotohanan. Minsan napaka tamis naman.

Hindi pa din talaga ako naniniwala kanina na totoo 'yung mga nangyayari. Sino ba naman maniniwala na ginawa ko talaga lahat ng 'to sa isang araw lang? At hindi pa tapos ang araw ko.

"So what's next on the agenda? Cuddle? Sleep? Shower together?" sarkastiko kong tanong. Kakatapos lang namin mananghalian at naglalakad na kami sa hindi ko alam kung saang parte nitong malaking bahay na 'to.

We had ribs. Yes, ribs. Kanina pala habang nag-uusap kami ni Nicolo nag-text na si Epps sa kitchen staff na iyon ang gusto naming kainin. Merienda na lang daw ang chicken mamaya. It is just past one in the afternoon.

Natatawa lang sa tabi ko si Nicolo habang naglalakad kami sa likudan ni Epps. Nagtitipa ito sa kaniyang cellphone habang naglalakad. "We are going to Sunnyside," sabi niya sa'kin.

"What are we supposed to do there?" tanong ko.

"You are going to pick up a new set of clothes. It's in your job description."

Umirap lang ako. Why did I even sign that contract? I should've had a lawyer present so I know where the hell I'm going to direct my life in the next four months.

"Kat—" tawag ni Nicolo pero mabilis ko siyang pinutol.

"Wait, let's just clear one thing. Nic is the fictional character. You are Nicolo. Kat is the fictional character. I am Kater. Gets?"

"Alright, Kater," tuloy niya na. "Are you sure na wala kang gagawin today? Pwede naman natin 'tong ipa-move."

"No, it's okay. Baka kasi next week maging busy na ko kasi second week na ng school. For sure tambak na schoolwork. Let's get this over with now."

"Okay," sagot niya lang. Tapos biglang pagliko namin nandoon na kami sa entrance. Oh, oo nga pala. Aalis kami.

Si Kuyang nagsundo sa'kin kanina din ang driver namin. May isa pang lalakeng sumakay sa passenger seat na naka barong. Bodyguard ni Nic, perhaps? Nasa gitna ako naupo ng kotse at nasa magkabilang gilid ko si Epps at Nicolo.

"Uhm, wait," sabi ko habang papalabas kami ng mga bakal na gate. "I really don't ride in the middle seat."

"Noted," sabi ni Nicolo. "Nahihilo ka ba?"

"With ninety-nine percent chance na mahihilo ako."

"Should we switch seats?"

"No," sagot ni Epps. "Do something about this Nic."

"Maybe you can rest your head on my shoulder?" tanong niya. Alam kong medyo nahiya din siya sa sinabi niya dahil mahina niya lang ito na tinanong.

Hindi na lang ako nagsalita at nagtago na lang ng isang ngiti sa aking sarili para hindi na siya mas lalong mahiya. Ewan ko din ba, lumakas ang tibok ng puso ko bigla. Kinabahan din ako. We kissed earlier and this is the first time again that we'd touch. Nae-excite ba ko? Ewan ko din. Basta ang alam ko umakyat ang dugo sa mga pisngi ko. "Why do you let her push you around? You're the future first son here. Not her."

The Story of Another UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon