The Story of Another Us
chapter five: that's crazy.... a freaking twist of fate
Paano nga ba naging kami? Based on the story I conjured out of thin air, nagkita kami ni Nicolo sa jeep pauwi. Then I found out that he's brothers with one of my classmates then everything fell into place.
Pero paano 'to? Paano mo pasasakayin ng jeep ang anak ng senador?
"We can say na gusto mong ma-try mag-commute," suhestiyon ko. "Why not naman."
"I don't want to look like a hypocrite," tugon niya sa'kin. "Even if I really want to try, I don't think people will believe that."
"True. Next," sabi ni Epps.
Heto na naman kami at balik sa man cave ni Nicolo. Nakaupo kami at nag-iisip ng kung anong gagawin naming istorya. Super nag-panic yata kami ni Nicolo na dumiretso na kami kaagad dito para lang bumuo ng kwentong masasabi namin sa ibang tao.
"We can say that we met on a different transportation means," sabi ko. "I only put Nicolo in the jeep so people can feel close to him. Na para bang isa lang din naman siyang lalakeng makikita mo sa labas."
"An airplane?"
"Of course, an airplane. So which plane? Where to? And when?"
Biglaan namang may nag-flash sa TV. It is a table. Noong una hindi ko pa ma-gets kung anong nakasulat at kung bakit may iba't ibang numero sa gilid pero pagtingin ko...
"Is that all the time frames and clauses?! How did you do that?" tanong ko kay Epps.
Pero si Nicolo ang sumagot. "Some were accurate in dates but most are from my own assumptions."
Napaharap ako sa kaniya. "Binasa mo 'yung libro?!"
"I had to," he answers with a one-shoulder shrug. "I wouldn't know how to act around you as Nic."
What the f--. Napahawak ako sa ulo ko. Nakakahiya!! Gusto ko na lang magtago sa bahay namin.
"You're blushing," he chuckles. "Don't worry, I won't mention anything."
"Based on the table, Nic and Kat got together on November 29, 2013. But they met on September 2013," sabi ni Epps. Tinype ko naman lahat sa laptop ko ang sinasabi niya. Baka mamaya ako pa ang unang girlfriend na makalimot kung kailan ang anniversary.
"I think mas maganda kung ibe-base na lang natin sa schedule ni Nicolo kung anong mga nangyari. He has more eyes on him and my life is easier to alter."
Epps nods, nakatutok lang din ito sa laptop na nakapatong sa kanlungan niya. Maya-maya, nagsalita na ito. "Nicolo was still here in Philippines that time but his family went to Hong Kong one weekend."
"Hong Kong?!" I ask. "I was there too September 2013," sabi ko at napabukas ng photos ko. I won't ever forget that month. That was the first time I left the country.
BINABASA MO ANG
The Story of Another Us
Teen FictionPerfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son (kung hindi kami papalpak sa pagpapanggap na ako ang girlfriend niya at siya nga ang perpektong boy...