CHAPTER 3

48 18 0
                                        


Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang klase ko. Dumiretso na ako sa bahay at buong magdamag na nagkulong sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Never pa akong nagkukulong nang ganito katagal. Isa  'lang naman ang alam ko, ayaw ko munang makita si Dj. Ayoko 'lang na maalala ko 'yong mga sinabi niya kanina.

I have to admit it, yes! Tama ang mga sinabi niya. Siguro nga, gustong-gusto ng iba na sabihin ang mga kataga na iyon sa akin, pero wala silang lakas na loob at 'yung lalaki na 'yun ang naglakas-loob. Even josh, alam ko 'yun.

Natatakot silang masigawan, natatakot silang mapahiya. Si Dj 'lang talaga ang nagkusa na sabihin 'yun. Great, napaka-tapang niya.

Hindi nga ba komportable ang mga taong nasa paligid ko? Siguro nga.

Napapaisip tuloy ako. Pati rin ba ang parents ko, ganoon rin? Hindi kaya, hindi rin sila komportable sa akin? Sa lahat nang mga nagawa ko, lagi kong iniisip na hindi sila aabot sa punto na iisipin nilang hindi na sila komportable sa akin. Ang lagi ko lamang iniisip ay dulot lang 'yon ng pag-aalala nila sa akin kaya nila ako pinapagalitan.

Niyugyog ko ang ulo ko saka bumuntong-hininga. "Well! I dont care pa rin. Kung hindi sila komportable, wala na akong paki 'don."

Tama.

Just ignore them, Brienne.

Si Dj? Tsss! Nagpapakabayani 'lang naman 'yun. Pero ang totoo, pera 'lang naman ni Dad ang habol niya.

Hindi ko namalayan na ala-syete na pala ng gabi.

Napaisip ako. 'Mygod, Brienne! Ganoon ka katagal nagmuni-muni? They doesn't deserve your time to think about them. If they are not comfortable to be with you, hayaan mo na 'lang sila. Problema na nila 'yon.'

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na 'lang sa green house namin na favorite spot ko dito sa bahay. I don't care kung gabi na, I just need a fresh air right now.

Umupo ako sa bench saka tumingin sa taas. Sobrang dilim na nga, tanging ang linawag lamang ng buwan at mga bituin ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Kung duwag 'lang ako, malamang kanina pa ako nagsisitakbo sa takot. Pero sorry na 'lang, hindi pala ako duwag.

Naalala ko tuloy 'yung itininanong ko kay Dj bago ako umuwi sa bahay. Bigla na 'lang na pinagsasabunot ko ang mga buhok ko. "Omg! Brienne, ikaw ba talaga 'yon? Ano naman sayo 'yung inasta niya kanina dahil sa pagpapahiya mo kay Elisse? Ano bang paki mo?" Pinagsusuntok ko ang sarili ko ngayon. "At umiyak ka pa talaga? Eh! Ano bang kabanal-banal sa mga sinabi niya? If I know, baka binabayaran 'lang siya ni Dad para patinuin ka. Tama tama." Tumango-tango pa ako.

Nagmistula akong baliw dahil sa mga pinagsasabi ko. Walang tao, pero kinakausap ko ang sarili ko? Patawa ka rin, Brienne!

Nag-stay pa ako sa garden ng matagal-tagal. Sobrang na-re-refresh talaga ako. Malaking tulong sa akin ang green house na 'to tuwing down na down ako. May time pa na ipapagiba ito ni Mommy, buti na 'lang at tumutol ako. Ito na nga 'lang ang refreshment ko dito sa bahay tapos ipapagiba pa nila?

"It's time for dinner. Pumasok kana sa loob."

Muntik na akong mapasigaw sa gulat. And when I look at it para malaman kung sino siya, bumungad naman sa akin ang mukha ni Dj. Akala ko nakangisi na naman 'to, pero this time, sobrang seryoso ng mukha niya.

Ano na naman ba? May mali na naman ba akong ginawa?

"Hindi ako gutom."

"Hindi ko tinatanong."

Napanganga ako.

Ano bang problema niya?

Kusa akong umuwi nang maaga kanina para maiwasan ko 'lang siya. Tapos nandidito siya ngayon sa harapan ko na parang may atraso na naman ako?

SHE'S A BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon