CHAPTER 5

53 14 0
                                    

Medyo masakit pa rin ang ulo ko. Buti na 'lang at unti-unti na itong nawawala. Hindi ko lubos maalala ang mga nangyari kanina. Ang alam ko 'lang, biglang nagdilim ang paningin ko.

Hindi kaya na-collapse ako?

"Oh gising ka na pala."

(-.-)

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka andito? Bakit ako nandidito?" Sunod-sunod na tanong ko. Wala akong kamalay-malay sa kung ano man ang nangyari. Ang gusto ko 'lang ay umalis na dito.

"Nahimatay ka kanina. Dinala ka namin dito. At bakit ako nandito? Wala 'lang, nag-aalala 'lang ako sa kapatid ko. Bawal na ba 'yun?"

"Bakit kailangan pa akong dalhin dito?"

Hindi naman kasi ako mamamatay kahit hindi pa nila ako dinala dito. Nahimatay 'lang ako, hindi ako mamamatay. Magkaiba 'yun.

"Dahil nga nahimatay ka."

"Alam ko. Pero 'bat pa niyo ako dinala dito? 'Diba ang sabi ko, 'wag na?"

(-.-)

"Ang dami mo namang tanong eh. Magpasalamat ka na nga 'lang!"

"'Bat ka sumisigaw!?"

"Hindi naman!"

"Tsss. Umalis na tayo dito."

"Anong aalis? Hoy! Ang sabi ng nurse, hindi ka pa daw pwedeng lumabas." Sabat ni Josh na nakapamewang pa.

"Gaga ka ba? Mahuhuli tayo nito sa lesson, eh! Tara na." Tatayo na sana ako pera marahas naman akong pinahiga na naman ni Dj.

"Palambutin mo naman 'yang ulo mo kahit minsan."

(-.-)

"Huwag ka ng pumalag pa, Brienne." Dagdag pa nito. Napatingin naman ako sa kamao niya na naka-bandage. Nagtaka na 'lang ako kung 'bat ito nakabalot, eh kani-kanina 'lang wala 'yan.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Walang-emosyon na tanong ko. Napabitaw naman ito sa paghawak sa akin saka tumingin ng diretso. Sobrang seryoso nito na akala mo ay may mahalagang sasabihin.

"Tsss! Ano pa nga ba, Brienne? Pinagsusunto---"

"H-hahahaha wala 'to, wala 'to." Napansin ko na 'lang na pinanlakihan niya ng mata si Josh.

"Anong wala? Kung manloloko ka, huwag ako." Hinawakan ko ang kamao niya saka tinitigan ng mabuti. "Wait 'lang, sinampal mo ba si Elisse?"

"Huh?"

Napalingon ako kay Elisse na kasalukuyang naka-upo sa couch habang nagtataka rin ang mukha. Hindi ko alam kung bakit 'yan nandito, samantalang wala naman siyang kinalaman sa akin. Kung alam ko 'lang, mukhang nag-e-enjoy pa 'yan sa loob-loob niya.

Tsss! Pero may kinalaman siya kay Dj..

"Kung ganyan ba namang kagaspang ang mukha ni Elisse, siguradong dudugo ang kamay mo."

(-.-)

Bigla namang nagtawanan si Dj at Josh.

What? I'm serious!

"Anong sabi mo!?" Naiinis na napatayo si Elisse mula sa pagkakaupo. "Fyi 'lang, makinis ang mukha ko! Alagang eskinol 'to!"

"Baka alagang gluta.." Pabulong naman na sabat ni Josh habang pinipigilan ang mga tawa niya.

"Natural ang kutis ko!"

(-.-)

"Tsss! Lumabas ka na nga 'lang. Nabwibwisit ako sa mukha mo."

SHE'S A BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon