Ikaapat na Kabanata : O Tukso, Layuan mo Ako.

153 4 0
                                    

Ikaapat na Kabanata : O Tukso, Layuan mo Ako.

( malinis po ang isip ko. PRAMIS! )

Naglalakad kami sa kahabaan ng street namin. Hindi na rin kasi akong nagtangkang mag-drive. Baka maaksidente pa kami.

Kaya eto. Lakad nalang kami. Pasan-pasan ko sa likod ko ang lasing at tulog na tulog na cute na babaeng to. Tss. Kaya naman pala hindi sya nainom ng liquor. Ang bilis nyang malasing. Tama lang pala ang desisyon nya.

Pagdating sa bahay, hirap na hirap akong pumindot ng door bell. Ikaw ba naman ang may pasan-pasan ii. Sinubukan kong pumindot gamit ang kanang kamay ko,pero na-o-out of balance naman ako pag ginagawa ko yun. Ganun din sa kaliwa. Pano na kaya to?

" mmmmm. SFsdggvvdetykdonyew. "

Ano daw sabi nya? Ibang linggwahe yata ang sinasabi nya.

Ginamit ko nalang ang balikat ko para mag-doorbell. Buti nalang pinagbuksan na agad kami ni Manang ng pinto. 

" Sir! Ano pong nangyari?! Bakit may?!" alalang tanong ni Manang sabay tingin ng mabuti kay Alice.

" Hay nako Manang. Mahaba-habang kwentuhan to. Dadalhin ko muna sya sa kwarto ko aa. "

Tinitigan ako ng masama ni Manang.

" Ano ba manang?! Wagas ang tingin mo ha. Dont worry. Wala akong gagawing masama sa kanya. Gusto mo sumunod ka na din para malinisan mo sya."

" Sus! Defensive ka masydong utoy."

Naglakad na kami papasok ng bahay. Ang laki ng bahay na to para saming tatlo. Ako, si Ate at si Manang. Eto ang dream house ni Ate ii. Halos kulay puti, itim at pula lang ang kulay na makikita. Hanggang sa kwarto ko yun pa rin ang color motiff. AS usual, wala na naman si Ate dito sa bahay. Busy sya dun sa Cafe' ii.

" Utoy? Manang naman. Binata na ko nuh. Di na bagay ang utoy."

" Ay sus! Nag-iinarte na ang utoy ko?"

Ang kulet talaga ni Manang. Buti nalang nanjan sya para samin ni Ate.

Pagdating sa kwarto, inihiga ko na sya agad sa kama ko. Kinuha ko yung maliit na upuan at umupo sa tabi ng kama ko. Tinitigan ko lang sya. Buti nalang umalis muna si Manang para kumuha ng damit sa kwarto ni Ate.Nagkaroon pa ko ng pagkakataong masolo sya.

Oy ha!

Wala akong iniisip na hindi maganda. Malinis at busilak ang pagtitig ko sa kanya. Walang hlaong kung ano man. Promise!

Defensive?!

Aaaaaish!

" fdfjigjieoheohx"

Nagsalita na naman sya ng linggwaheng hindi ko maintindihan. Sabay tulak pababa nung kumot at taas ng kamay. Kaya mejo tumaas tuloy yung damit nya. Kita ko ang maputi nyang tyan. Maputi at makinis.

Shet!

Tumigil ka Seth!

Kung may nakakabasa ng iniisip mo, definitely iisipin nilang isa kang perverted.

Dali-dali kong kinuha yung kumot at kinumutan sya hanggang sa ulo na lang ang kita sa kanya.

Anak ng tokwa!

Ang hirap magpigil pag ganito ang nakikita ko.

 " Ang ineeeet!" sigaw nya sabay tanggal nung kumot.

Shet!

Tumayo na ko at lumabas ng kwarto. Nakita ako ni Manang.

" O utoy. Bakit pawis na pawis ka ata?" tanong nya. Inabutan nya ko ng towel.

" Wala po to. Ahmmm. Paki bihisan nalang po yung babae sa kwarto ha. Yung mahaba. Yung balot na balot sya. Kung meron po tayong suit ng bumbero, yun ang ipasuot nyo sa kanya. Basta damit na walang makikitang balat sa kanya. Ok po?"

" o sige."

" Salamat po. Dun nalang po muna akoo matutulog sa kabilang kwarto."

Pumasok na sa kwarto ko si Manang. Ako naman dumerecho na sa kwarto sa baba. Naligo muna ako at nagpalit ng damit.

Maya-maya, lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Mejo nakadama ako ng gutom ii. Naubos lahat ng kinaen ko sa mga eksena kanina. Nakakakaba ii.

Pagdating ko sa kusina, nandun si Manang. Nagkakape.

" oh. Gising ka pa pala, utoy." sabi nya. " Nagugutom ka nuh?"

" opo. may pagkaen pa po ba tayo jan?"

" meron pa. gusto mo initin ko yung spaghetti?"

" o sige po."

Umupo na ko at naghintay.

" sino nga pala sya?" tanong ni manang habang kinukuha yung spaghetti sa ref.

" ahmmm. si Alice po."

" nakilala mo sa bar?"

" technically, yes."

" bago mong girlfriend?"

" hindi po. hindi sya bagay sa mundo ko."

" wow! ang lalim lang ha." biro sakin ni manang sabay tawa.

Nanahimik nalang ako. Ayoko rin kasing pag-usapan namin sya ii. Maya-maya, sinerve na sakin ni Manang yung pagkaen. tahimik lang kaming dalawa. Sya busy sa pagkakape. Ako naman busy sa pagkaen. 

Makalipas ang ilang minuto, ubos na yung pagkaen ko. Kaya naman tumayo na ko at nagpaalam kay Manang.

" Maraming salamat po sa pagkaen." sabi ko. " matutulog na po ako."

Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko, boom!

Nagkamali ako ng daan. Dapat derecho lang ii. Pero lumiko ako at pumunta sa 2nd floor. Sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko sya. Tahimik na natutulog. Lumapit ako sa kanya. 

katulad kanina, ang gentle pa rin ng mukha nya. Fragile. Precious. 

Tinintitigan ko lang sya. itinatatak ko sa isip ko ang mukha nya. Eto na kasi ang huling beses na matititigan ko sya ng ganito. Dahil bukas, pag gising na pag gising nya, siguradong aalis na sya. At mawawalan na kami ng koneksyon sa isa't-isa.

Gumalaw sya ng bahagya. Enough para may mahulog na ilang piraso ng buhok sa mukha nya. Inalis ko to. At dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

So close that I can hear her soft snore. So close that I can see her pores. So close that I can feel her breath. So close yet so far.

I gently kiss her forehead. Then touch her hair.

" Sleep tight,angel."  sabi ko.

Tumayo na ko at umalis.

Tomorrow will definitely be exciting.

Love with a Stranger -- Chap. 7 [On HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon