Ikapitong Kabanata : Kalokohang Kasunduan

80 3 4
                                    

 Ikapitong Kabanata : Kalokohang Kasunduan

[ ayoko sana ... pero matatangihan ko ba sya? ee ang cute nyang pusa ]

“ HA~! Lasinggerong kleptong playboy~!” ang haba namang ang endearment nya sakin.

“ Hi maingay na baliw.” sagot ko naman habang nakaway-kaway.

Akalain mo nga namang after ni Allyssa ee sya namang ang makikita ko. Swerte ko nga naman! Umorder na ko ng maiinom namin. Kaya naman niyaya ko na syang uminom. Pero wala akong balak na lasingin sya aa. Konting bonding lang para magka-usap kami.

“ Shot ka muna.” sabi ko.

“ Lalasingin mu na naman ba ako?" tanong nya. Natawa naman ako dun.

“ Na naman?”

“ Oo. Tulad nung huling beses tayong nagkita.”

Tanda nya pa yun? Iba talaga karisma ko. ;)

“ Aba~! Hindi kita nilasing nuh. Ikaw kaya yung umorder ng 2 pang bote ng tequila. Tapos hindi na kita tinatagayan kaya ikaw na lang ang nagtatagay satin dalawa.”

Totoo naman di ba?! Pinipigilan ko kaya syang mag-inom nun. Sya lang naman tong pasaway ii.

“ Sus~! Gumagawa ka ng storya. Hindi ako ganun.”

“ Kala ko nga din hindi ka ganun ih. Pero ganun ka pala. " inalok ko na sya ng maiinom. Pero as expected, tumanggi sya. " Kaya shot na. dami pang arte ih.”

“ Ayoko.”

“ Bahala ka. Cheers.” Ininom ko na yung shot ko. “ Isa pa nga.”

“ Wala ka bang trabaho ngayon?” tanong nya.

Bakit? yayayin mo kong makipag-date sayo?

“ Hmmm. Wala. Galing kasi ako sa isang date ih.”

“ Pareho pala tayo.”

Oh?! Ayos aa. Ano kayang nangyari? Para masagot ang tanong ko, mapangahas akong nagtanong sa kanya. “ Kamusta naman ang date mo?”

“ Pakialam mo. Hindi naman tayo close ah.”

Supalpal sa face yun aa! Grabe! Hindi ako papatalo!

“ Oo nga pala. Hindi nga pala tayo close kahit sinira mo yung tshirt ko.”

“ Ha-Ha.” sarcastic nyang sagot.

Tumahimik sya. Nakatitig lang sa kawalan. Mukhang may malalim syang iniisip. Ano kaya yun? Minsan talaga ginugusto kong magkaroon ng kakayanang mabasa ang kung ano mang tumatakbo sa isip ng mga babae. Madalas kasi nakakapraning ang katahimikan nila ii.

Makalipas ang ilang minuto, “ Oi. Lasinggerong kleptong playboy.” nagsalita na sya.

Nabaling ang tingin ko sa kanya. “ Ano yon maingay na baliw?”

“ Gusto kitang maging boyfriend for a month. Bawal tumanggi.”

Huwaaaat?! O______________O

Ano daw?! Boyfriend?! As in kasintahan?! As in iniibig?! Anak ng pating! SAbi ko na ii! In love sakin tong babaeng to. Kinikilig naman ako~ =^__________^=

Love with a Stranger -- Chap. 7 [On HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon