Ikalimang Kabanata : Maaksyong Hang-Over

107 3 0
                                    

Ikalimang Kabanata : Maaksyong Hang-Over

( sabi na nga ba magiging exciting ang umagang to )

Pag gising na pag gising ko, uminom kaagad ako nung soup na nilagay sa mug ni Manang. Pinatong nya to sa table na nasa gilid ng kama. May nakalagay pang note.

/ pag gising na pag gising mo, utoy, inumin mo to. pangtanggal ng hang-over. 

- manang nelia /

Umupo muna ako sa kama. 

Shet!

Umiikot ang paningin ko. Ang sakit sa ulo! 

Agad-agad ko ng kinuha yung mug at ininom ang laman nito. 

Hmmm. Masarap naman. Parang may dahon. Ano kaya yun? Pagtingin ko sa laman ng mug, may  malunggay at itlog. Yun pala yung laman nito.

Unti-unting nawala yung sakit ng ulo ko. Takte talaga ang hang-over! Nakakapikon!

Pumunta na ko sa kwarto ko para kumuha ng damit at maligo. Hindi kasi ako sanay na maligo sa ibang CR ii. Gusto ko sa CR ko lang.

PAg pasok ko sa kwarto, natutulog pa rin sya. Meron din syang mug na nakapatong sa table ko. Malamang galing din kay Manang yun.

Kumuha ako ng itim na boxer at isang puting shirt sa closet ko at pumasok na ko sa loob ng CR para maligo.

Habang nagbibihis na ko, may narinig akong sigaw.

“ Sheeeet ~! “

Mukhang gising na sya aa. Let the games begin!

Binuksan ko ang pinto at nakita syang dali-dlaing nagtago sa ilalim ng comforter.

“ Waaaah ! Wag kang lalapit sakin !” sigaw nya. Ang lakas ng sigaw nya na parang maririnig yata ng mga kapit-bahay

“ Hoi ! Maingay na baliw!” sabi ko.

Grabe naman ang pagka-skandalosa nya. Nawala ang pagka-anghel nya kagabi. Sayang!

Dahan-dahan syang sumilip pero nagtago agad sya. Siguro kasi nakita nyang naka-robe lang ako. Hello?! May boxer kaya ako sa loob. OA ka mag-react ha.

“ Pwede bang magbihis ka muna? Nakakahiya naman sakin ih. “ sabi nya at mukhang disappointed sya sa nakita nya.

“ Kwarto ko to kaya pwede kong gawin ang gusto ko. “

Kinuha ko yung boardshorts na nasa closet at sinuot to. Baka kung ano bang magawa sakin ng babaeng to pag nakita nya ulet akong naka-robe lang. 

“ Ha?~! Kwarto mo to? “

“ Obvious ba? Sus! Kala ko pa naman matalino ka eh –“

Marami pa sana akong sasabihing litanya pero bigla syang nagsalita.

 “ Pano ako napunta dito? Tska bakit ganito ang suot ko? “

Sumilip ulet sya. At na-realize na desente na sa mata ang suot ko kaya umayos na sya ng upo. hindi man lang sya nag-abalang ayusin ang sarili nya. Gulo-gulo pa ang buhok ii.

“ Tska ano bang nangyari after nating mag inuman?” tanong nya.

Eto na. Dito na talaga mag-uumpisa ang umaatikabong aksyon. Huwahahaha * evil laugh*

Pero preno muna. Ang dami nyang sinabi ii. Hindi nakasunod ang utak ko.

“ Wait lang ah. Pwde bang isa-isa lang?”

Love with a Stranger -- Chap. 7 [On HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon