Pagkababa na pagkababa ko ng kotse ko agad na may flowers na sumalubong sakin.Napangiti ako ng makitang kay Carl na naman galing iyun.
" Carl! "
" Shhh.. Wag mo na akong pagbawalan! " sabi nito.
Natawa na lang ako sa sinabi nito.
Matagal na tong nanliligaw sakin at hanggang ngayon di ko parin to sinasagot.
Mahal ko to pero bilang kaibigan lang. Mataas ang tingin ko dito dahil ito na tinuring na ama ni Kyle. Kaya di ko masabi sabi dito na hanggang kaibigan lang talaga.
" Mama! "
Napatingin ako kay Kyle na nasa tabi ko.
" Bakit baby? " tanong ni Carl dito at nilapitan ito pero bigla tong tumakbo.
" Kyle! " sigaw ko.
Tatakbo na sana ako ng makita ko kung kanino to lumapit.
Jerik!
Agad na tumulo ang luha ko ng makitang si Jerik nga ang kayakapan ni Kyle.
Nanatiling nakatingin lang sakin si Jerik kaya naglakad ako papalapit sakanila at walang ano anong niyakap ko kagad to.
" Jerik nagbalik ka! " naluluha kong sabi sa labis na kasiyahan.
" Sorry! Kung nagulo ko pa ata kayo. " sabi nito saka tumingin kay Carl na nasa tabi ko.
" Papa! " tawag sa kanya ni Kyle.
" Masaya na akong makita kayong masaya ng mama mo. " sabi nito kay Kyle na nakangiti pero kita ko ang lungkot sa mata nito.
" Jerik! "
Binalingan ako nito at ngumiti sakin.
" I'm proud of you Tinn. " sabi nito at tatalikod na sana to ng agad ko tong niyakap.
" Anong pinag sasabi mo? God Jerik ikaw ang ama ni Kyle at kailangan ka namin! Hindi kami ni Carl at tanging ikaw lang ang lalaking mahal ko. " sabi ko dito habang nakayakap parin sa kanya.
Tumingin sakin si Jerik na may hinahanap na sagot sa muka ko.
" Jerik I still love you! Mahal kita! " sabi ko dito.
Nakita kong may tumulo na luha sa mata nito. Hinawakan nito ang muka ko.
" I'm scared Tinn. Natakot ako na baka maging huli na ako. Tinn mahal kita! Patawarin mo ako sa mga araw, buwan, at taon na wala ako sa tabi nyo. Mahal na mahal ko kayo ni Kyle! " pagkasabi nya niyan agad ko tong hinalikan sa labi.
Pilit man kaming pinag hiwalay pero sa huli kami parin.
Kinasal kami ni Jerik after a month at nasundan pa si Kyle.
Sa mga nangyari isa lang ang napagtanto namin at yun ay walang papantay sa pagmamahalan namin ni Jerik.
Si Jerik ang pinaka magandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko. At kung may pagsisihan man ako, yun ang araw na pinaabot ko pa to ng tatlong buwan sa panliligaw.
BINABASA MO ANG
I Want Her Badly! (SHORT STORY)
Short StorySi Crush na dati ay tinitingnan ko lang. Si Crush na dati ay dinadaanan lang ako. Si Crush na dati ay lihim ko lang minamahal. Ngayon... .. .. .. .. .. GUSTO NA AKO!! .................... ©MySideLineKi