He's Name is Jerik

48 1 0
                                    

Life is a full of problem. Nandyan ang mga taong huhusga sayo. Yung tipong konting pagkakamali mo lang pag uusapan ka na.

Lahat ginawa ko para lang wala silang masabi sakin at lahat ng kabutihan ay ginawa ko para lang maging malinis ang tingin nila sakin. Pero nang dahil lang sa isang ginawa ko, nasira ang lahat.

I fell in love with a boy name Jerik Alonzo. He is a bad boy and playboy. Binubully ako nito nung first year high school kami.

Classmate ko to kaya talaga namang alam ko ang lahat ng kalokohan nito sa school. Takaw gulo to at lagi tong nasa guidance. Pero kahit ganon marami ditong nagkakagusto.

Aminin ko man o hindi pero isa ako sa may crush dito. Oo gwapo to at isa to sa pinagtitilian ng mga babae sa school. Pero hindi iyun ang nagustuhan ko dito, kung di ang katalinuhan nito. Hindi ko alam kung bakit ako na attract sa tulad nya samantalang binubully ako nito, siguro dahil na amaze ako sa tulad nyang magulo sa klase pero may utak.

Nung nalaman kong nililigawan nya si Camille na isa sa classmate namin, I felt betray. Na insecure ako sa kanya at tinatanong ko ang sarili ko 'kung bakit di na lang ako ang nagustuhan nito'.

Dun ko na rin naisip na itigil na ang pagkakagusto dito at nangyari nga yun. Nagkaroon ulit ako ng mga crush sa school. Hindi ko na sya classmate nun kaya nawala na ang pagtingin ko sa kanya at kung magkasalubong man kami sa corridor parang wala na lang, hindi tulad dati na kinakabahan ako ng sobra pag nakikita sya.

Dumating ang araw na nag kolehiyo na kami kung saan yun parin ang school namin nung high school. Unang pasok yun at nagka salubong kami nito. Nagulat ako sa paglapit nito sakin kaya napaabante pa ako palayo sa kanya.

Nang ngumisi to dun ulit tumibok ng malakas ang puso ko. Para itong tambol kung tumibok. Dun ko rin nalaman na hindi pa pala nawawala ang pagkagusto ko dito.

I Want Her Badly! (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon