Simula ng mangyari yun di na ako pinansin pa ni Jerik at lagi ko narin tong nakikita na may kasamang ibang babae.
Siguro tama ang sinasabi nila. Iniwan na ako ni Jerik dahil nakuha na nito ang nais nya sakin.
I guest hiwalay na kami kaya nasaktan ako at walang ginawa kundi ang umiyak tuwing gabi sa kwarto.
Makalipas ang isang linggo na confirm kong nagdadalang tao ako. Nangyari na ang kinakatakutan ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko sinabi sa parents ko na buntis ako dahil alam kong itatakwil ako ng mga to.
Sa pag pasok ko sa school agad kong hinanap si Jerik. Nakita ko naman to kagad kaso may kahalikan na babae.
" Jerik! " tawag ko na dahilan ng pagtigil nila sa ginagawa nila.
Mataman saking tumingin si Jerik.
" Mag usap tayo. " sabi ko at nang hindi to mag salita. " Please! " seryoso kong sabi.
Tumingin lang to sakin ng seryoso habang ako naman may nangungusap na matang nakatingin sa kanya.
Tumango to sakin kaya tumalikod na ako at naglakad.
Sumunod to sakin at pumasok kami sa isang room na walang tao.
" Jerik buntis ako! " kinakabahan kong sabi.
Agad tong napatingin sakin.
Nag umpisa ng tumulo ang luha ko ng makita ditong lito.
Sa mga oras na to iniisip ko kung ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang palakihin ang bata na ako lang mag isa.
" Jerik! " sabi ko na patuloy parin sa pag iyak.
Nilapitan ako nito at niyakap.
" Shhh... Mahal kita Tinn kaya papanagutan kita! " sabi nito at hinalikan nito ang ulo ko.
Hindi na namin tinapos ang klase at pumunta kagad kami sa bahay nila.
Sinabi nito sa parents nya na nabuntis nya ako, nanghingi to ng malaking pera sa kanila matapos ay sumakay na kagad kami ng bus.
Sinabi nito sakin na ilalayo nya ako para di ako kunin ng mama at papa sa kanya.
Nag sama kami nito sa isang bahay na kami lang dalawa.
Habang pinagbubuntis ko ang anak namin di ako nito pinabayaan. Mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal nito sakin at sa magiging anak namin.
Naging masaya kaming dalawa at walang naging problema. Hanggang sa pinanganak ang anak namin.
Sa bahay lang ako nanganak at di sa hospital dahil natatakot si Jerik na mahanap ako ng parents ko at natatakot din ako na magka hiwalay kami.
Sa mga buwan na lumipas walang naging problema. May mga araw nga lang na madaling araw na kung umuwi si Jerik dahil sa trabaho nito. Mag iisang taon na ang anak namin kaya mas lalong kailangan nya daw kumita ng malaki para sa amin.
Hindi ko alam kung anong trabaho nito at minsan ko na rin tong tinanong. Nagtataka lang ako dahil ang laki ng kinikita nito sa isang araw. Pero ang sinabi lang nito sakin lahat gagawin nya para sa amin.
'Jerik POV
Tinungo ko kagad ang kwarto ng makauwi na ako.
Pinagmasdan ko lang ang natutulog kong mag ina.
Kagagaling ko lang sa takbuhan kanina. Nahuli ang mga kasamahan ko at swerte ko dahil natakasan ko ang mga to.
Hindi ko sinabi kay Tinn na isang drug dealer ang trabaho ko at wala akong plano na sabihin pa yun.
Who the hell is me para sabihin pa yun sa kanya. Mahal ko si Tinn at ayokong iwan ako nito.
" May problema ba? " nag aalalang tanong sakin ni Tinn ng niyakap ko to ng mahigpit.
Kakauwi ko lang at nalaman kong lahat ng kasamahan ko nahuli na.
" Alam mo bang kaya hindi ako nahuli dahil nilagay ko ang lahat ng drugs sa damit ng misis ko kaya ang misis ko ang nahuli at hindi ako! Ikaw na ang susunod na huhulihin nila kaya kung ako sayo gawin mo rin ang ginawa ko para di ka makulong! "
Niyakap ko ng mahigpit si Tinn at bumulong dito.
" Mahal na mahal kita Tinn. "
BINABASA MO ANG
I Want Her Badly! (SHORT STORY)
Historia CortaSi Crush na dati ay tinitingnan ko lang. Si Crush na dati ay dinadaanan lang ako. Si Crush na dati ay lihim ko lang minamahal. Ngayon... .. .. .. .. .. GUSTO NA AKO!! .................... ©MySideLineKi