Simula
" Ba-bakit?! " ayan ang una kong sabi sa kanya ngunit tinitigan lang ako nito habang may ngisi ito sa kanyang labi.
Mas lalo akong kinabahan ng tinitigan nito ang muka ko at tumigil ang tingin nito sa labi ko na namumutla sa kaba. Gusto kong tumakbo pero di ko magalaw ang katawan ko.
Nagulat ako ng ilapit nito ang muka nya sakin at dinikit nito ang labi nya sa labi ko. Di ako makagalaw para akong nawalan ng kaluluha sa ginawa nya at tanging panlalaki lang ng mata ang nagawa ko.
Nilayo nito ang muka nya sakin at tiningnan ang muka kong gulat parin sa ginawa nya.
" I'll court you! " sabi nito na muntik ng magpabagsak sakin. Buti na lang nahawan kagad nito ang bewang ko.
" You okey? " tanong nito.
Di ko to sinagot at nanatiling nakatingin lang sa muka nyang malapit sakin.
Nakita kong ngumisi to kaya inalis ko sa kanya ang tingin, inilapit nito ang katawan ko sa kanya na dahilan ng paghawak ko sa balikat nya at pagtingin ko ulit sa kanya.
" You always amaze me. " husky nitong sabi na dahilan ng pag amoy ko sa hininga nitong mabango na may halong amoy sigarilyo.
Nilayo ko ang sarili dito at inayos ang pagkakalukot ng uniform ko saka ito tinalikuran at nag lakad palayo dito.
Simula non di na ako nito tinigilan. Lagi na tong nasa tabi ko kung nasan man ako pumunta at lagi nitong pinapaalala na liligawan nya ako.
Dahil nga sa kakulitan nito pumayag na ako nitong ligawan na dahilan pati sa pag uwi ko kasama ko to.
Hindi alam ng magulang ko na nagpapaligaw na ako kaya hanggang tingin lang to sakin sa pag pasok ng gate ng bahay.
Minsan tinanong ko to kung bakit ako ang niligawan nito pero isa lang ang sinabi nito. Gusto na daw ako nito dati pa.
Umabot ng tatlong buwan ang panliligaw nito hanggang sumapit ang araw na sinagot ko to.
Tuwang tuwa ito ng sinagot ko sya kaya agad ako nitong pinakilala sa parents nya. Hindi pa alam ng mama at papa na may boyfriend na ako kaya hindi ko pa to napapakilala. Ayaw ng magulang ko na pumasok ako ng relasyon kaya takot akong malaman nila ang tungkol samin ni Jerik.
Kalat sa school na kami na ni Jerik kaya nung minsang kausapin ako ni Camille nagulat ako. Sinabi nito na kaya sila naghiwalay ni Jerik dahil kinuha lang sakanya ang virginity nya.
Alam kong maraming babae na pinapaiyak si Jerik at alam kong lahat ng nagiging karelasyon nito nakuha nya. Kalat yun sa school dati pa. Pero kahit alam ko na ang mga yun sinagot ko parin sya dahil mahal ko to.
Di ako nagsisi na sinagot to dahil sa araw araw na kasama ko to masaya ako at ramdam kong mahal nya ako.
BINABASA MO ANG
I Want Her Badly! (SHORT STORY)
Short StorySi Crush na dati ay tinitingnan ko lang. Si Crush na dati ay dinadaanan lang ako. Si Crush na dati ay lihim ko lang minamahal. Ngayon... .. .. .. .. .. GUSTO NA AKO!! .................... ©MySideLineKi